Nagising ako kinabukasan sa katok sa pinto.
”Josh, bangon na, mag-ayos ka na at ihahatid na kita sa inyo.” tawag ni Louie na `di man lang pumasok sa kuwarto.
Umikot-ikot ako sa kama at sininghot ang suot ko’ng oversized pajamas. Binigay n’ya `to sa `kin kagabi para isuot, matapos ko’ng magpunas at maghilamos. Amoy Louie ito! Kaya buong gabi, feeling ko, nakayakap sa `kin ang Louie ko!
”Josh?” tawag `uli ni Louie, ”Gising ka na –”
Binuksan ko ang pinto bago pa n’ya matapos ang tanong n’ya.
”Goodmorning!” bati ko sa kan’ya.
Nanlaki ang mga mata ni Louie na tinutubuan na ang balbas sa mukha. Gulo-gulo pa at nakatayo ang buhok n’ya at lukot ang suot n’yang pangtulog. Bumaba ang tingin n’ya at sinundan ko `yun sa nakalabas ko’ng balikat at pababa sa mga binti ko. Hindi ko kasi sinuot ang lower part eh, sobrang haba at luwag.
”Magbihis ka nga!” bigla s’yang umiwas ng tingin.
”Bihis naman ako, ha?” ngumuso ako sa kan’ya at tin
Pagdating sa kotse, pinangunahan agad ako ng sermon ni Louie. “Tandaan mo, ayoko nang may istorbo habang nagmamaneho ako, naiintindihan mo ba?!” tanong niya, at sa galit na tono ng pananalita n’ya, ay wala ako’ng nagawa kung `di tumango. ”Bawal lumampas sa upuan mo ang kamay mo, naiintindihan mo ba?” tango `uli. ”`Pag `yan lumampas, pipitpitin ko `yan at pabababain kita ng kotse, maliwanag ba?” ”Opo.” Binuhay na n’ya ang makina at inilabas ang kotse. ”Pano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira?” tanong ni Louie. ”Tinanong ko sina Ate Mira.” masaya ko’ng sagot, akala ko kasi `di na ako kakausapin ni Louie buong byahe. ”Ah, ganon? `Yan talagang mga bantay mo, puros mga kunsintidor!” sabi n’ya na mukhang galit. “A-ay... hindi naman... actually, pinilit ko sila’ng sabihin sa `kin ku’ng san ka nakatira!” agad ko’ng bawi, ”A-ayaw nilang sabihin nang una! Pero pinilit ko talaga sila!” “Hmph. Hindi pa rin nila dapat sinabi kung saan ang bahay ko. Private information `yun. At kung
”Halika Louie, tuloy ka!” masaya ko’ng hinatak si Louie sa loob ng penthouse, ”Ma?” tawag ko, ”Ma, nasaan ka?” ”Good morning po, Sir Joshua,” si Ate Valerie ang sumagot sa `kin, ”Wala po si Mama mo, sinundo s’ya kanina ng Daddy mo.” ”Ha? Ganon ba?” ”Pinapasabi po n’ya na babalik na s’ya sa bahay n’yo.” ”Mukhang nagkaayos na sila ng dad mo.” sabi ni Louie sa tabi ko. ”Sir, kakain po ba kayo? Ipapatawag ko po si Chef?” “Ah, hindi na, tapos na kaming kumain, thank you na lang, Ate Valerie.” “Sige po, Sir, tawag lang po kayo kung may roon kayo’ng kailangan.” “Pano ba `yan, Louie, wala pala si Mama?” Para ako’ng nabunutan ng tinik sa lalamunan! At least hindi s’ya mapapagalitan ni Louie! “That’s okay, matawagan na lang s’ya later when I get to my office...” tumingin s’ya sa relo n’ya at pabalik na sana sa elevator nang pigilan ko s’ya! “Ah, sandali!” hinatak ko ang braso n’ya, “`Di ba, sabi mo titignan mo ang laptop ko?” “Oo nga pala,” nakahinga ako nang malalim, “nasaan ba lapto
“O, kamusta ang trip mo sa palasyo ng iyo’ng al-fafa?” nakangising tanong sa `kin ni Rome nang magkita-kita kami sa canteen nang Lunes. Natawa ako sa term n’ya! “Ayun. Pinagalitan ako ng todo,” sagot ko. “Sa susunod daw, dapat magpaalam ako.” “Naku, eh, kamusta naman ang mga future step children n’yo?” “Ay, nakakatuwa sina Ate Bless at Nathan!” masaya ko’ng kuwento, “Ang bait-bait ni Ate Bless! Ang ganda-ganda n’ya at ang galing magluto! Si Nathan naman, ang pogi, younger version ni Louie! At saka ang smart n’ya at ang bait din!” “Eh, yung bunso?” tanong ni Rome, habang si Aveera na nakwentuhan ko na kagabi ay busy sa paglamon ng baon namin. “Ayun, medyo `di pa kami close, pero mukhang mabait din s’ya! At saka ang ganda-ganda n’ya! Mana sa omega mommy nila!” ”Kitams? Sabi ko sa `yo, eh! Kailangan mo lang maging smart!” pagmamalaki ni Rome. “Actually, mas umayos kami nang nagpakatotoo lang ako,” sabi ko sa kan’ya. “Kung ba’t kasi na mental-block ako nang umpisa at kung anu-ano an
Matapos ang last subject namin ay ipinatawag ako ni Principal Villa sa kan’yang office sa PA system. Nakakahiya nga, eh! Rinig na rinig sa buong campus ang pangalan ko! “Hmph, ano nanaman kaya ang irereklamo n’ya ngayon?” rinig ko’ng bulungan nina Sara sa paglabas ko ng classroom. Pagdating ko sa Principal’s Office, na sa loob na si Louie. “How was your classes?” tanong n’ya sa `kin. “Okay naman po...”napatingin ako kay Principal Villa na as usual, ay seryoso ang mukha. “Good afternoon po, Principal Villa.” bati ko rito. “Good afternoon. Take a seat.” Inilabas niya ang ilang mga papers. Namukhaan ko ang mga examination sheets ko. “I have here, Joshua Safiro’s midterm exams,” sabi ng principal, “and I am happy to say that he has made a lot of improvement.” Lumaki ang ngiti sa mukha ko. “I never doubted him,” sabi ni Louie na nakangiti rin, “also, I have faith that your institution would further bring out my client’s potential.” May tipid na ngiting lumitaw sa mukha ng aming p
“Tsk.” Muli akong tinulak ni Louie sa upuan. Kinapitan n’ya ang magkabila ko’ng balikat at dumagan sa `kin. Inabot ko ang mukha n’yang pawisan, handa na s’yang tanggapin, pero nawala sa `kin ang tingin niya. Inabot n’ya ang glove compartment ng kanyang kotse. Naghalungkat s’ya sa loob nito at nakakuha ng dalawang suppressant needles. Agad n’ya `tong binuksan at isinaksak ang isa sa binti n’ya, ang isa naman ay itinurok n’ya sa braso ko. ”Tawagin mo sina Sol.” utos n’ya sa `kin bago s’ya tuluyang manlambot sa tinurok n’yang gamot sa sarili. Binuksan ko naman ang pinto sa side ko. Ang huli ko’ng nakita, ay si Ate Mira na patakbong lumapit sa akin. ”It’s my fault. Hindi ako uminom ng gamot bago nakipag kita kay Josh.” Narinig ko ang boses ni Louie. ”Talagang kasalanan mo! Sino ba namang tanga ang magkukulong sa loob ng kotse kasama ang isang omega in heat!”sagot ng mataray na boses na `di ko kilala. ”He was not in heat!” sagot ni Louie. “Kaya nga isang tabletas lang ang ininom ko
“Aveera!” kumaway ako sa kaibigan sa pagbaba n’ya ng canteen galing classroom. “O, akala ko absent ka?” “Halfday lang, inatake kasi ako ng heat kahapon habang kasama ko si Louie,” bulong ko sa kan’ya. “Bakit? Anong ginawa n’yo, ha?” ang gulat ko sa bulong ni Rome na nasa likuran ko na pala! “Rome naman! Ang takot ko sa `yo!” Natawa ang kaibigan ko na umupo na tabi ko. “Ikaw ha, ano ba ang ginawa n’yo at na-trigger ang heat mo?” ulit n’ya na may pang-asar na ngisi sa mukha. “Wala... nag-kiss lang...” nag-init ang mukha ko. “Hindi ko nga alam na pwede palang ma-trigger ang heat kahit hindi mo kabuwanan, eh.” “Ganon talaga, lalo na pag type na type mo ang partner mo’ng alpha,” sabi ni Rome na parang expert sa topic na `yun, “Pero s’yempre, `di ka mape-preggy since `di mo naman estrus talaga `yun.” “Eh, pano naman kung irregular?” tanong ko. “Ang irregular, pwedeng mabuntis tuwing dinadatnan ng heat nila.” sagot ni Rome, “Minsan nga, two to three times a month sila atakihin, eh.”
”Mama! We need to talk.” sabi ko pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng den. Napatingin ako sa loob ng silid. Nakatayo malapit sa pinto si Louie, kunot ang noo n’ya at mukhang nasa gitna ng argumento. Nakaupo naman sa mahabang sofa sa tapat n’ya si Mama, katabi si dad na namumula at mukhang galit. Sa kabila ni Mama ay may nakaupo na matabang foreigner na blond ang buhok at pale blue ang mga mata, pero sa dulo ako napatitig, sa nakaupo sa couch at nakade-otso pa na parang hari. ”Norman? What are you doing here?” tawag ko sa Frenchman na mayabang. “Anak!” tumayo si Mama at lumapit sa `kin na may malaking ngiti sa mukha. ”Welcome home!” Hahalik sana si Mama sa pisngi ko, pero umiwas ako sa kan’ya. Lumapit ako kay Louie, instead. ”Ma, ba’t nandito si Louie? At saka anong ginagawa ni Norman dito?” ”Nagpadala sa akin ng message ang Mama mo,” sagot ni Louie, ”ayon sa kan’ya, magpapalit ka raw ng abogado, kaya naisipan ko’ng kausapin siya ng personal.” mahinahon n’yang sabi habang hinihi
Pilit ako’ng hinarap ni Louie.”Josh, uminom ka muna nito.” naglagay s’ya ng tabletas sa hinihingal ko’ng bibig at inalalayan akong uminom, pero nasamid ako’t naidura ito.”Louie... ang sakit... ang init...” hinatak ko s’ya para bumalik sa dibdib n’ya.”Uminom ka muna nang gamot.”Pinasok n’ya `uli ito sa bibig ko, pero di ko `to malunok.Kahit naglalaway ay tuyung-tuyo ang lalamunan ko.Napasimangot sa `kin si Louie. Uminom s’ya ng tubig, at saka isinubo ang tabletas. Tapos ay kinapitan n’ya ang magkabila ko’ng pisngi at pwersahan ako’ng hinalikan, sabay tulak ng tubig at gamot papasok sa `king bibig.Inatake ako nang ubo sa pagpwersa sa `kin ni Louie, pero sa wakas, nalunok ko rin ito. Hinimas n’ya ang mukha ko, tinignan ang loob ng nakabuka ko’ng bibig, at nakahinga nang malalim nang makitang wala na ang tabletas dito.”Louie... Louie... tulungan mo ko...” pagmamakaawa ko.Nanginginig ang mga kamay ko sa pagkasabik sa kan’ya. Gusto ko s’yang pumatong sa `kin, yumakap, humalik... gu