Ilang bote na ng alak ang naubos ni Dreyk sa kakainom niya, hindi ko siya magawang pigilan dahil labis lang itong nagwawala kapag gano’n. Ilang bote na rin ang ibinalibag niya sa tuwing sinusubok siya ng matinding emosyon. Kanina ay okay pa nang magtungo siya sa mansion, hanggang sa pag-alis niya. Nagkausap kami tungkol sa kumpaniya, pati na rin sa ilang preparations ng kasal nila n Selene. Then, malalaman ko na lang mula sa kanilang kasambahay na umalis si Selene, nag-away ang mag-asawa at ngayon ay nasa estate of depression ang anak ko. I tried calling Selene pero hindi ito sumasagot sa kahit na anong tawag ko sa kaniya. I tried sending her text message na gusto ko siyang makausap, baka sakali magbago ang isip nito at kahit sa akin ay makipag-usap siya.Hindi ko pa alam ang punot-dulo ng nangyari dahil hindi ko nga makausap ang anak ko, wala ring masabi ang mga kasamahan nila sa bahay dahil biglaan lang naman daw ang lahat, walang anumang pag-aaway mula sa loob ng bahay bago ang d
Tinanggap ko na ang alok sa akin ni Liset na sa bahay niya tumuloy, I mean, bahay ng family niya. Aniya’y hindi na siya pinayagan ng ama na lumipat pa dahil wala naman daw itong ibang pagpapasahan ng kanilang mansiyon kundi siya lang. Well, malaki ang bahay nila, pero mas malaki pa rin iyong kila Dreyk. Wala akong ibang mas maayos na choice kundi tanggapin ang offer niya, ayaw ko naman na sa susunod makalawa ay sa kalsada na ako tumira. Natapos na kami mag-dinner, nagpunta ako sa labas sa may pool side para magpababa ng aking kinain. Malamig ang simoy ng hangin, kaya naman niyakap ko ang aking sarili. Naupo ako sa may mismong pool habang ikinukuyakoy ang paa na nasa tubig. Walang malaking buwan na maaari kong matanaw, ngunit naroon naman ang mga bituin para sumilip sa akin. Tumingala ako’t pinagmasdan sila, panay ang pagkindat nila na para bang nagpapapansin sa kalupaan. “Malamig dito ha.” Napatingala ako sa pagdating ni Liset, may dalawa siyang sobrang lamig din na beer in ca
Basang-basa ko sa mukha ni Selene kung gaano siya kadismayado sa mga kinuwento ko sa kaniya. Naiyak pa siya dahil doon, hindi lang basta iyak dahil humagulgol siya ng sobra-sobra. Nagalit pa siya at kinuwestiyon kung bakit ko nagawa na ibigay ang buhay niya para sa pansarili kong interes. Hindi ko pa alam kung ano ang susunod niyang gagawin, kung balakin niyang umalis sa bahay ko dahi sa nalaman niya mula sa akin. O baka itulak niya na lang ako bigla sa pool para makaganti. Hindi ko naman siya masisisi, tama naman siya na buhay at mga pangarap niya ang naglaho dahil sa scandal na ‘yon. “Wala akong karapatan na aluhin ka dahil kasalanan ko rin naman, do whatever you want to me Selene para lang makaganti ka sa mga kawalang-hiyaan ko sa ‘yo. Handa akong tanggapin lahat ng iyon.” Nasa tabi niya lang ako, nakabantay sa susunod na mangyayari. Hindi pa rin maampat ang pag-iyak ni Selene, binabanggit niya ang pangalan ng kaniyang ina at kapatid na naiwan sa probinsiya namin noon. SIguro
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko ng maaga akong ginising ni Liset. Mabilis nga akong nag-asikaso ng aking sarili bago bumaba rito sa hapagkainan nila para sa almusal. Patrick was already at the table, binati niya pa ako, gano’n rin ang kaniyang asawa. “Kuya asked for this, ang sabi niya baka raw gusto mo nang puntahan si Jeriko this time, papunta siya rito with your friend daw,” sabi ni Liset habang hawak nito ang mug ng kaniyang kape. “Friend?” tanong ko naman. “Hmm, maybe that one na parati mong kasama noon?” Si Zusie kaya iyon? “Eat some bacon Selene, ‘di ba paborito mo ‘to?” “Ah, oo.” Nguimiti ako. “Salamat ha.” Naging maayos na ang pag-uusap namin ni Liset kagabi, after the revelations ay napagkasunduan na naming magkapatawaran, but I said to her na hindi ko naman basta maibabalik iyong dati kung paano ko siya pakitunguhan. She said yes basta raw napatawad ko na siya. And that’s why I planned on staying a little longer dito sa tirahan nila. “I think sila na ‘yan.” N
“Si Dreyk, alam niya ang tungkol sa nangyari noon. She overheard Tiffany,” he said.“Pero kahit alam na niya ay pinabayaan lang niya. Gusto niya rin kasi na mkawala sa kasal noon, change of feelings para sa kaniya.”“W-what? S-sigurado ka ba sa sinasabi mo J-Jeriko? Woah! Totoo pa ba ang mga naririnig ko ngayon ha? Parang sobrang exaggerated na rin ata ang mga sinsabi niyo,” sai ko.Tumaas ng bahagya ang boses ko sa sinabi niya, feelling ko ay nagalit ako para kasing sinisiraan na lang nila ang asawa ko, eh. Patong-patong na espekulasyon naman ata ang binabato nila rito kasabay ng kay Tiffany.Sobra na sa akin ‘yong tungkol sa pagkakabuntis niya kay Tiffany, pagbalewala niya sa akin dahil sa babaeng ‘yon. Pero hetong sinasabi ni Jeriko na alam ni Dreyk ang tungkol sa pagkakakidnap sa amin noon at pagkakaroon ng s*x videos ay kakaiba na.“Selene, relax.” Hinawakan ni Leon ang kamay ko. Naramdaman niya ba ang biglang pag-init ng aking ulo?Naisapo ko ang aking palad sa mukha ko. I can’t
“Selene, wife… “ usal ko. Kumilos ng bahagya ang aking paa palapit sa gawi niya ng mapagtanto na naroon siya sa silid na kinaroroonan namin ni Tiffany. Balak kong lumapit pa sa kaniya, yakapin siya at hagkan ngunit nang mapansin ko na hawak ng Doktor na si Leon ang kaniyang kamay ay natigilan ako. Mukhang nagkamali si mama sa sinabi niya na mahal ako ng asawa ko’t excited pa ito sa kasal namin, dahil sa nakikita ko ngayon ay mukhang masaya siya sa piling ng lalaki na kasama niya. Lumunok ako ng laway at biglang binago ang nakakaawang ekspresyon ng aking mukha. Kumurap-kurap ako’t huminga ng malalim. “Ano’ng ginagawa niyo rito/” medyo may katapangang tanong ko sa kanila. “Dreyk!” Si Tiffany na hinila ang kamay ko. “Please, ‘wag mo na silang patulan. Selene, p’wede bang umalis na kayo? Wala naman siguro kayong magandang sasabihin kaya lumabas na kayo.” Sana ay hindi na lang nagsalita si Tiffany at nanahimik na lang siya sa kinauupuan niya, sa ugali ni Selene ay mas lalo lang niyan
“Bakit ba ang hirap-hirap sa puso mo na bigyan ako ng second chance ha? Did I not deserve it?” “Leave me alone Dreyk! Alam ko na ang tungkol sa mga kasinugalingan mo sa akin, lalo na ang isa sa pinakamabigat mong kasalanan sa ‘kin, five years ago!” Sinundan niya pa kami ni Leon sa parking lot. Doon pa nga natuloy ang mainit na usapan namin mula roon sa loob ng silid ng babae niya. “What do you mean, wife?” kunot-noo niya pang tanong. Napalunok ako, kanina niya pa sinasambit ang pagtawag niya sa ‘kin. Gusto kong magwala dahil sa tuwing naririnig ko ‘yon ay tila gustong bumigay ng tuhod ko’t yakapin siya. Hindi naman din gano’n kadali na makalimutan si Dreyk. Oo sobra akong nasasaktan ngunit sa tuwing nakikita ko siya’y para ba akong nahi-hipnotismo sa mga titig niya. Gusto ko siyang yakapin, halikan…lambingin. “Sinabi na ni Jeriko ang lahat sa akin Dreyk. How come you did not save me, huh? Tuwang-tuwa ka pa ba no’ng nakuha mo ‘ko, five years ago?” “I-I don’t get it.” “Then f*ck
Four years later. Ang sarap ng simoy ng hangin sa dumarampi sa aking pisngi. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa probinsiya ka, malayo sa polluted na hangin. Sobrang aliwalas lang ng araw ko lalo na’t sabado, araw ng paghaharvest ng tanim naming mga talong at kamatis sa farm. Nag-inat-inat ako ng aking kamay kasabay ang pag streatching ng aking pa-kaliwa’t kanan. “A-aray! Aray!” pag-inda ko. Paano ba naman kasi’y nabugbog ang aking katawan sa pag-aasikaso sa aking mini garden na nasa may tabi lamang hindi kalaikihan naming bahay. Nabili nga pala namin ang lupang kinatitirikan ng bahay namin ng aking asawa at ang dalawang ektarya ng sakahan sa kaniyang kakilala sa probinsiya. “Bakit ba kasi ayaw akong bilhan ng asawa ko ng massager eh, gusto parating siya ang maghihilot sa akin sa gabi. Tapos kapag natapos naman ay gagapang pa rin, aba mas lalo namang sumasakit ang likuran ko.” Panay ang bulong ko sa aking sarili. Alas otso pa lang pala sa umaga, pagkatapos kong maasikaso ang anak