“Jane!” Dali-daling nilapitan ni Rico ang kaibigan. Mabilis niyang inagaw ang gunting na hawak nito at itinapon sa malayo. Nakahinga siya nang maluwag noong makita na galos pa lang ang nagagawa nito sa sarili. “What are you doing?!” galit na tanong ni Rico kay Jane. Muling napahagulhol si Jane. Itinulak niya si Rico. “Let me go!” aniya at tatayo sana. Ngunit hinawakan lang ni Rico ang baywang nito ang pinaupo. “Stop it, Jane!” Pilit na pinaupo ni Rico si Jane. Hinawakan niya ang mga kamay nito noong nagpumiglas pa rin ito sa kaniya. Sa huli ay lumuhod siya at niyakap din si Jane. “Please…” naluluhang sabi ni Rico. Umiling-iling si Jane. “I-I can’t, Rico. H-Hindi ko na kayang bumalik sa kaniya. Hindi ako babalik sa kaniya! Mas maigi pang mamatay na lang ako!” hinagpis niya. Sobrang bigat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit na anong pilit niyang h’wag pansinin ang pagkikita nila ni Rodrigo ngunit hindi niya iyon magawa. Lahat ng mga paghihirap na sinapit niya kay Rodrigo ay bigla
Nagmamadaling pumasok si Rodrigo sa hotel room kung saan siya pansamantalang nakatuloy. Hinubad niya ang suot na long suit niya at inahihagis iyon sa kama. Lumapit siya sa lamesa sa may terrace niya kung nasaan ang bote ng alak at isang baso. Nagsalin siya roon at tinungga ang alak. Hinihingal na umupo siya sa malambot na sofa at napasadal doon. Tumitig siya sa kisame saka pilit na pinakalma ang sarili. “Jane…” bulong niya. Pumikit siya at muli niyang nakita sa kaniyang isipan si Jane. Wala pa rin itong pinagbago pero mas gumanda ito ngayon. Litaw na litaw ang karisma nito dahil sa kulay ng buhok nito. Gusto niya iyon. I need you, Jane… I will take you again. Alam ni Rodrigo na hindi umamin ang dalaga tungkol sa pagkatao ito. Ngunit hindi rin siya pwedeng magkamali. Si Jane ang nakita niya. Kahit magpalit pa ito ng kulay ng buhok. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya ito. Biglang bumigat ang paghinga ni Rodrigo. Nakaramdam siya nang kakaibang init kaya napaupo siya
Nagising si Jane na mabigat ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya maimulat nang maayos ang kaniyang mga mata dahil namamaga iyon. Bumuga siya ng hangin at tumitig lang sa kisame. Napakagat siya ng kaniyang labi noong maalala niya na nakita niya si Rodrigo. I had a breakdown again, I guess, malungkot na sabi niya sa kaniyang isipan. Doon lang din niya naramdaman ang bahagyang pagkirot ng kaniyang braso. Limang taon, hindi pa rin pala siya maayos. Ang akala ni Jane ay handa na siya kung sakali mang magkita sila ulit ni Rodrigo. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nawawala ang takot niya rito. At hindi na ata mawawala pa ang traumang iniukit sa kaniya ng binata. Ilang minuto pa siyang nahiga roon bago niya naisipang tumayo na sa kama at bumaba. Nasa hagdan pa lang siya ay na aamoy na niya ang aroma ng pinipritong manok. Pagtingin niya sa kusina ay nakita niya si Rico na kumakanta-kanta pa habang nagluluto. Napatingin ito sa kaniya. “Finally, the sleeping beauty is aw
Pagkatapos magluto nila Jane ay agad din silang naghanda. Nagdagdag pa ng kanin at ng ilang ulam dahil mayroon pa silang kasama. Hindi rin nagtagal ay dumating na sila Renz. Agad na nakipaglaro si Renz kay Brian at si Jonax naman ay agad na nagbukas ng lata ng beer saka sumali sa dalawa. Napapangiti si Jane habang pinagmamasdan ang anak na nakikipaglaro sa dalawang tinuturing nitong mga tatay. Doon niya napagtanto na dapat ay hindi nga siya mangamba dahil mayroong mga tao na handa silang tulungan. Tumikhim si Rico. “Mukhang nakikita mo na ang future mo, ah?” makahulugang sabi niya. Agad namang napatingin si Jane kay Rico at pinandilatan ito. “Shut up, okay?” natatawa niyang sabi. “Natutuwa lang ako kasi sobrang malapit si Renz sa kanilang dalawa. Alam mo. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung hindi niyo ako nakita.” “Magdadramahan pa ba tayo? Alam ko na ‘yon and you don’t have to worry anymore. Don’t think about it. Ang kailangan mo lang ngayon ay maging masaya. Okay?” Tuma
Maagang nagising si Jane para maghanda papunta sa shop niya. Noong bumubuti na ang lagay niya ay ito ang naisipan niyang gawing negosyo. Nag-training pa siya kasama si Renz hanggang sa magdadalawang taon na ang kaniyang negosyo. Minsan ay sinasama niya sa shop si Renz. Pero noong tumuntong ito ng tatlong taon ay iniiwan na niya ito sa daycare center. Bukod kasi sa maagang natututo ang anak niya roon ay marami rin itong nakakalaro. Matapos niyang maihatid si Renz sa center ay nagpunta na siya sa kaniyang shop. Sarado pa iyon dahil mag-aalas-syete pa lang ng umaga. Alas-nwebe ang bukas ng kanilang shop at alas-otso naman ang dating ng dalawa niyang staff. Binuksan na ni Jane ang roll-up at ang shop pero hindi niya pa binuhay ang mga ilaw at inayos ang karatula. Kailangan pa niyang i-check ang nangyari kahapon dahil hindi siya nakapunta at ang sales nila. Hindi gano’n kalaki ang shop nila. Pero binabalak na ni Jane na maghanap ng lote dahil inaangkat lang nila ang binebenta nilang mga
Nagmamadaling naglakad papalabas ng ospital si Jane. Iyong takot na nararamdaman niya ay unti-unting napapalitan ng galit. Galit na galit siya dahil parang ang dali lang para sa binata ang lahat. Sa dami ng mga nangyari sa nakaraan ay akala ba nito na gano’n gano’n na lang ang pagpapatawad na gagawin niya rito? Hanggang ngayon ay may trauma si Lana dahil sa ginawa nito sa kaniya. Siya! Kinailangan niyang lumayo sa pamilya niya para lang maging ligtas sila! Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit na ano pa ang gawin nito sa kaniya. “Ouch!”Muntik nang matumba si Jane noong biglang may nabunggo siyang matigas na bagay. Maigi na lang at may kumapit sa kaniyang baywang kaya hindi siya tuluyang natumba. “Hannah!” “Brian?” Agad na umayos nang tayo si Jane at nagtatakang tiningnan ang binata. “What are you doing here?” “Checking on you? Ano’ng nangyari sa ‘yo?” “Ha?” Bumuntonghininga si Brian. “Your staff called me. Kanina pa sila nag-aalala sa ‘yo. Pagdating daw nila sa shop ay bukas
“Oh, my God, Hannah! You scared me!” salubong ni Rico pagbaba ni Jane sa kotse. Agad niyang nilapitan ang dalaga at niyakap nang mahigpit. “Ano ba ang nangyari sa ‘yo?” “Can we go inside first?” Balisang tumingin sa paligid si Jane. Pakiramdam niya ay mayroong mga matang nakamasid sa kanila. “Okay.” Inakay ni Rico si Jane papasok ng kwarto. Sinensyasan niya si Brian na pumasok na lamang sa bahay. Tumango naman ang binata. Pumasok silang tatlo sa loob. Pinaupo ni Rico si Jane sa sofa saka nagmamadaling kumuha ng tubig. Pagkabalik niya ay agad niya itong inabot sa dalaga at pinainom. Naupo si Rico sa tabi ni Jane. “Now tell me. Paano ka napunta sa ospital? Ano ‘yong kinukwento ni Brian? I almost call Jaxon to gather up his men!” Pinagsaklob ni Jane ang kaniyang mga palad at mahigpit na hinawakan iyon. Sandali niyang tiningnan si Brian na nakatitig lang din sa kaniya bago muling tumungo. Naiiyak na tiningnan niya si Rico. “H-He’s back, Rico. I told you. Hindi niya ako titigilan.”
“What do you mean you will go to the Philippines?” nagtatakang tanong ni Rico kay Jane habang pinapanood itong mag-ayos ng mga gamit. “Narinig mo siya, Rico. I need to go there. Kinuha niya ang anak ko!” “Hindi sila makakaalis dito nang hindi nakikita ng mga tao ni Jaxon, Jane. Can we just wait for their update?” Inis na binitawan ni Jane ang mga damit sa kama. “You don’t know him, Rico. For now, sigurado ako na nasa eroplano na sila at bumabyahe na pauwing Pilipinas! And I need to go there!” “You’re not safe there, Jane! Kailan ka ba makikinig sa akin?!” Nagtaas na ng boses si Rico. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya pinakikinggan ni Jane. Kanina niya pa ito tinatawag at sinasabing maghintay at huminga muna dahil ginagawan na nila ng paraan ngunit hindi naman ito natigil. “I can’t wait, Rico! My son is out there with that monster! I can’t just wait here!” “Okay!” Biglang namagitan si Brian sa kanilang dalawa na nakatayo lang kanina sa may pinto ng silid. Hinarap niya si Rico. “