Share

XXXI. Secrets

"Mom?" Agad akong bumaba sa sala namin para hanapin si mommy. Dumiretso pa ako sa kusina para tignan kung nandoon siya ngunit hindi ko siya nakita.

"Mommy!" sigaw ko habang papaakyat ulit. I entered dad's office pero wala rin si mommy doon.

Nagpunta na ako sa kwarto nila. Wala rin siya doon pero napansin kong bukas ang closet niya.

Mabilis akong lumapit doon. Sinimulan kong tignan ang bawat sulok ng closet niya. Inangat ko ang mga damit pati na rin ang ilang gamit niya roon.

Dalawa lang ang pwedeng rason para magpadala ang killer ng picture ni mommy. Una, maaaring may masamang mangyari sa kaniya. Pangalawa...posibleng may tinatago siyang sikreto.

Hinalughog ko ang pinakataas ng closet niya kung saan nakalagay ang ilan sa mga bags niya. Isa-isa kong binuksan ang mga iyon ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Until I saw her favorite bag, nasa pinakatago iyon nakalagay. Tumingkayad pa ako para maabot lang 'yon.

Nang makuha ko ang bag ay naramdaman kong medyo mabigat ito kumpara sa ilang bags na nabuksan ko kanina.

Agad kong binuksan iyon.

"Oh my God..." bulong ko at napatakip na lang ako ng bibig.

Bakit may ganito sa bag niya?

Nilapag ko ang bag at dahan-dahan na kinuha roon ang isang baril. Kasama pa nito ang isang kutsilyo na pinadala no'ng killer.

Teka. Kay mommy ba 'to o kay daddy?

Pero kung kay dad naman 'to, bakit nasa nakalagay sa gamit ni mom?

"Demi!"

Mabilis kong binalik ang bag sa closet ni mommy at nagmadaling lumabas ng kwarto nila. Pagbalik ko sa kwarto ko ay naupo ako sa kama. Saka ko lang namalayan na hawak-hawak ko pala 'yung baril.

"Shit!" Hindi ko pala naibalik sa bag.

Naririnig ko na ang mga yapak ni mommy habang paakyat ng hagdan kaya naman mas lalong bumilis ang paghinga ko.

Tinignan ko ang buong kwarto ko. Saan ko ba pwedeng ilagay 'to?

Tumayo ako at naglakad-lakad hanggang sa mapansin ko ang bukas na pinto ng CR ko. Nagtungo agad ako roon at binuksan ang basurahan.

"Dito na lang muna," bulong ko habang nilalagay 'yung baril sa basurahan. Hindi ko na alam kung saan pwede itago kaya doon na lang.

"Mom." Napalunok ako nang makita si mommy.

"Demi, are you okay? Namumutla ka, ah," aniya at nilapitan ako.

"Ayos lang po ako," sabi ko at pilit na ngumiti.

"Bakit mo nga pala ako tinatawag kanina?" tanong niya.

Naubo ako at napaiwas na lang ng tingin. "Um...may hinahanap po kasi ako pero okay na. Nakita ko na po."

Ilang segundo niya pa ako tinignan bago tumango. "Oh, gano'n ba? Sige, pupunta muna ako sa kwarto namin."

Tumango na lang ako. Nakahinga lang ako nang malalim nang makalabas na siya ng kwarto ko.

***

February 4, 10:00 PM

"Kapapasok lang na balita, isang binata ang natagpuang patay sa likod ng Greenville University. Hindi pa natutukoy kung estudyante ba ang binatang ito sa nasabing paaralan. Ayon sa mga pulis, pitong saksak ang nakita nila sa katawan ng binata..."

"Damn!" rinig kong bulalas ni kuya.

Napatitig na lang ako sa TV namin. Pang-ilan na ba ang kasong ito ng pagpatay? Halos araw-araw ay may natatagpuang bangkay dito sa Greenville.

"Kaya kayong dalawa kailangan niyong mag-ingat palagi. Kung hindi naman kailangang lumabas, 'wag ng lumabas," sabi ni mommy na kagagaling lang sa kusina.

"Ikaw rin, mom. Mag-iingat ka palagi," sabi ko sa kaniya. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang natanggap kong picture niya.

"Of course, lagi akong mag-iingat," aniya at ngumiti. Ngumiti na lang din ako kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan ako. Ano mang oras ay pwedeng umatake ang killer.

Kinabukasan ay sinundo ako ni Brix.

"Brix, nakatanggap ulit ako ng envelope," sabi ko sa kaniya habang nasa byahe kami papunta sa school.

"May bagong pictures?" tanong niya.

"Yes, and those are mom's pictures," sabi ko.

Bahagya akong napasigaw nang bigla siyang mag preno.

"What the hell? Alam na ba 'to ni Tito?" tanong niya. Umiling lang ako.

"How about your mom?"

"Hindi rin," sagot ko.

"You should tell them, Demi. Ibang usapan na 'to," aniya.

I let out a deep sigh and bit my lower lip. "Ayoko sanang isipin 'to pero feeling ko may tinatago si mom," sabi ko sa kaniya.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong niya.

"I found a gun in her bag. Kung kay dad 'yon, imposibleng mapunta 'yon sa gamit ni mom. You know dad, hindi siya basta-basta mag-iiwan ng gamit niya sa kung saan," saad ko.

"So, what are you going to do now?"

"I want to confront mom pero kinakabahan ako," sabi ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "If you need some help, nandito lang ako."

***

Pagkatapos ng klase ay nakita ko agad si Kuya Derrick sa gate. Hindi ko alam kung bakit naisipan niyang sunduin ako. Dahil nandito na siya, wala na akong nagawa kundi sumabay sa kaniya.

"Ingat!" sabi ni Brix bago paandarin ni kuya ang sasakyan.

"Nasa bahay si mom?" tanong ko.

"Yep, mamaya pa raw ang duty niya," sagot ni kuya.

Pagkauwi namin ay dumiretso agad ako sa taas. Kinuha ko ang susi ng kwarto ko mula sa bag at binuksan iyon.

Ni-lock ko kaninang umaga ang kwarto ko para makasiguro na walang makakapasok. Lalo na si kuya, ang hilig no'n pumasok dito.

Nagbihis lang ako at inayos ang ilang gamit ko. Pagkatapos ay lumabas na ulit ako ng kwarto.

Nasa pintuan pa lang ako ay napansin ko na nakaawang ang pinto ng kwarto nila mommy. May naririnig din akong ingay. Kunot-noo akong lumapit doon at pasimpleng sumilip.

"Kung sino ka man, please tigilan mo na ako! Napakatagal na no'n at napag-utusan lang ako," naiiyak na sabi ni mommy sa kausap niya sa phone. Kalat-kalat rin ang mga damit niya sa sahig at mukhang may hinahanap siya sa closet niya.

"Sino ka ba kasi talaga?! Paano mo nalaman ang tungkol doon?" Patuloy akong nakinig sa mga sinasabi ni mommy.

"Ano?! No! Huwag ang mga anak ko!" galit na sigaw niya. Hinagis niya ang mga bag niya sa kama at napasabunot na lang siya ng buhok.

Huminga ako nang malalim bago bumalik sa kwarto ko. I opened my drawer kung saan ko nilipat 'yung baril.

Pagkakuha ko no'n ay mabilis din akong bumalik sa kwarto nila mom. Pumasok ako at sinara ang pinto.

"Demi!" Nanlalaki ang mata ni mom habang nakatingin sa akin.

Ilang malalim na paghinga pa ang pinakawalan ko bago nag salita.

"Ito po ba ang hinahanap mo?" tanong ko at pinakita ang baril na hawak ko.

Inangat niya ang nanginginig niyang kamay. "Anak, give me that gun."

Umiling lang ako. "Hindi 'to kay dad, tama? Bakit may ganito ka, mom?" Pinilit kong maging kalmado sa pagsasalita.

Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko nang makitang tumulo ang luha ni mommy.

"It's for our safety, Demi. Please don't tell your dad about this," aniya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinuha niya ang baril sa kamay ko at niyakap ako.

"Don't tell your dad, okay?" Humiwalay siya sa akin at tinignan ako. "Sige na, maghahanda na ako para sa duty ko mamaya."

Kahit labag sa look ko ay lumabas na ako ng kwarto nila. Marami pa akong gusto itanong. Gusto kong malaman kung ang kausap niya kanina ay yung killer din na nakakausap ko.

Ang dami ko pang gustong malaman. Sigurado akong may mga tinatago pa si mommy. At iyon ang mga gusto kong malaman.

I need to know her secrets.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status