Share

XXX. Start

Sofia's POV

I want to sleep but I can't.

I checked the time and it's already 12 in the midnight. Ang daming gumugulo sa isipan ko kaya naman gising na gising pa rin ang diwa ko.

Tumingin ako sa side table ko. I quickly grab my mother's picture.

"Mom, I'm sorry," bulong ko habang tinitignan ang litrato niya. Ang dami kong nagawang mali, at alam kung hindi 'yon magugustuhan ni mommy.

I remember what my classmate told me earlier. Hindi nagkulang si mommy sa akin. Ilang taon ko siyang hindi nakasama pero hindi siya nagkulang sa akin. Siguro, ako talaga mismo ang may mali.

Ngayon, naiisip ko, maling-mali ang nagawa ko. Falling in love to Jayson is wrong. Boyfriend siya ng bestfriend ko. At ngayon, nagsisisi na ako. Nasisira ang pagkakaibigan namin dahil sa akin. I still love Jayson, but I also love my friends. They're my family.

At mas gusto ko silang piliin kaysa sa nararamdaman ko kay Jayson.

I grabbed my phone. Agad kong binuksan ang messenger ko at nanginginig ang daliri kong pinindot ang pangalan ni Macey. She's still online.

Sofia Javier

Macey, I'm sorry.

Nakipagtalo pa ako sa sarili ko bago ko isend iyon.

Mas lalo akong kinabahan nang mabasa niya na iyon. Binasa niya lang pero hindi siya nag reply.

Huminga ako nang malalim at pumikit. Ang tanga ko para umasa na magre-reply siya. Sa tindi ng nagawa ko, malamang ay hindi niya gugustuhin na maka-chat manlang ako.

Pero nag-type pa rin ako ng message para sa kaniya.

Sofia Javier

I know that you're really mad at me. Imposible rin siguro na mapatawad mo ako. But, I'm still sorry. I'm really sorry for what I did. Maling-mali 'yon at nagsisisi na ako. Napakatanga ko. Hindi ko manlang inisip ang mga mangyayari. I'm sorry, Macey. Alam kong hindi pa sapat ang lahat ng sorry ko sa lahat ng nagawa ko.

Pagkatapos kong i-send 'yon ay pinatay ko na ang cellphone ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nauuhaw ako.

Bumaba ako sa kusina at nakita ko roon si Kuya Sander. He's busy with his camera kaya naman hindi niya ako napansin.

"Hindi ka pa matutulog, Kuya?" tanong ko. Agad naman siyang nag-angat ng tingin.

"Ikaw, bakit gising ka pa? Are you hungry? Hindi ka bumaba kanina no'ng dinner," aniya.

Ngumiti lang ako at binuksan ang ref para kumuha ng tubig. "Busog naman ako. Nauuhaw lang ako kaya bumaba ako," sagot ko.

"What are you doing?" tanong ko.

Umayos siya ng upo at ngumiti. "Um...I'm just looking for our pictures. Na-miss ko lang sila mom."

Napatango naman ako. "I miss them too. Sobra sobra."

Ilang araw matapos mawala sila mommy, ilang gabi rin ako umiyak. Puro kalungkutan lang ang nararamdaman ko. Ngayon ay medyo umaayos na rin naman ang pakiramdam ko, pero hindi pa rin talaga maiwasan na may gabing maiiyak na lang talaga ako dahil sa pagka-miss sa kanila.

"Matulog ka na," sabi ni kuya. "Aakyat na rin ako," dagdag pa niya.

Ngumiti ako at niyakap siya. "Good night, Kuya."

***

Mabilis na lumipas ang mga araw. At sa mga araw na lumipas, unti-unti ring nag-aalisan ang mga tao rito sa Greenville. Sa pagkakaalam ko ay tatlong pamilya ang nag-alisan. Dahil na rin sa takot na dala ng mga patayan dito.

Ngayon ay unang araw ng Pebrero at patungo kami ngayon sa town hall dahil may sasabibin daw si Mayor Javier.

"Tara na, Demi," sabi ni mommy. Sumunod naman ako sa sasakyan niya.

Magkasabay kami ni mommy papunta sa town hall dahil maagang umalis si dad. Si kuya naman ay naiwan sa bahay. Ang sabi niya ay susunod na lang daw siya.

Nagkalat ang mga tao sa town hall pagdating namin. Hinanap ko ang mga kaibigan ko ngunit hindi ko sila nakita.

Sakto naman ay nag-text si Brix.

From: Brix

Malapit na kami.

To: Brix

Okay. Nandito na kami.

Maya-maya lang ay nagsisimula ng mapuno ang town hall. Nakita ko na rin kanina si Mayor pero mukhang wala sina Sofia at Sander dito.

Dumating na rin si Brix kasama ang pamilya niya. Ilang sandali lang ay nakita ko naman si Jayson. He's with her parents also. Nang makita ko ang ngiti ni Tito Martin habang kasama si Tita Agnes ay napakunot ako ng noo.

"Alam na ba ni Tito Martin?" tanong ko kay Brix.

Umiling lang si Brix at pinagmasdan lang din sila Jayson.

Grabe! Ilang linggo na ang lumipas pero wala pa ring alam si Tito Martin?

***

"I understand why some of you wants to leave Greenville. Kahit ako ay nababahala na rin sa mga nangyayari dito," sabi ni Mayor Javier na nasa gitna ng stage. "Ginagawa ng kapulisan ang lahat ng makakaya nila para mahuli ang taong nasa likod ng mga krimen dito sa bayan natin. At kahit ako, bilang ama ng bayang ito, gagawin ko rin ang lahat para maprotektahan kayo."

Madami pang sinabi si Mayor Javier. May ilang ding nagpaalam muna dahil gusto raw muna talaga nila umalis dito sa Greenville.

"Sa lahat ng aalis, sinisiguro ko sa inyo na sa pagbalik niyo ay maayos na ulit ang Greenville. Ayun lamang po. Maraming salamat sa pagpunta at pakikinig sakin dito." Kumaway muna si Mayor Javier bago tuluyang bumaba ng stage.

"Demi." Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nandito pala siya.

"Sofia," bati ko sa kaniya at ngumiti.

"I saw Tito Martin pero hindi ko nakita si Macey. Alam mo ba---"

Naputol ang sinasabi niyang sabay-sabay na nagtunugan ang mga cellphone namin. Sa isang iglap, biglang umingay ang buong paligid.

Binuksan ko ang cellphone at nanlaki rin ang mata ko sa napanood. Video iyon ni Tita Agnes at ni Tito Aries...and they are kissing!

May caption pa iyon na, "Architect Agnes Lee is a slut."

"Martin! Martin, magpapaliwanag ako!" Lumingon ako sa pwesto nila Tita Agnes nang sumigaw siya. Si Tito Martin naman ay pasugod sa gulat ding si Tito Aries.

"Dad!" sigaw rin ni Jayson.

Halos lahat ay napasigaw nang suntukin ni Tito Martin si Tito Aries.

"Hayop ka! Asawa ko pa talaga ang nilandi mo!" Patuloy pa rin si Tito Martin sa pagsuntok kay Tito Aries.

"Martin---fuck! Let me explain!" sigaw ni Tito Aries.

"Dad, tama na." Inawat ni Jayson at ni Brix si Tito Martin.

"Dad! Dad!" Sabay-sabay kaming lumingon sa humahangos na si Macey.

"Pare..."

"Fuck you! Wag na wag mo akong matawag-tawag na pare matapos ng ginawa niyo ng asawa ko. Mga walang hiya kayo!" sigaw ni Tito Martin, hawak siya ni Jayson at ni Brix sa braso.

"Fuck you, Aries! Fuck this town! Hindi ko alam na ganito pala ang babalikan ko rito." Buong lakas na tinanggal ni Tito Martin ang pagkakahawak sa kaniya nila Jayson at galit na lumabas ng town hall.

Lahat kami ay naiwang tulala at gulat. Kahit ang mga magulang namin, parang hindi alam kung anong gagawin.

Ganitong-ganito rin ang nangyari sa aming magkakaibigan, kina Macey, Sofia, at Jayson. At ngayon, sa mga magulang naman namin.

***

Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay tumambad agad sa akin ang isang envelope na nakapatong sa kama ko.

Lahat ng lumang envelopes ay na kay Macey na kaya sigurado akong bago ito. Mas lalo akong kinabahan nang maisip kung paano napunta ang envelope na 'to sa kwarto ko.

Agad kong kinuha ang envelope at naglakad papunta sa bintana ng kwarto ko. Sarado iyon nang umalis kami at sarado pa rin 'yon ngayon. Paanong...

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang envelope. Biglang nanghina ang tuhod ko at napaupo na lang ako sa sahig nang makita kung sino ang nasa litrato.

"No..." bulong ko habang tinitignan ang litrato ni mommy. Binaliktad ko iyon at nakita sa likod ang isang letra.

Letter W?

Agad kong kinuha ang cellphone mula sa bulsa ko nang maramdaman ang pag-vibrate no'n.

"Hayop ka! Hayop ka! Itigil mo na 'to! Wag mo ng idamay ang magulang ko!" sigaw ko. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha ko.

"I can't, honey. Paano ako titigil kung magsisimula pa lang ako? Be ready, Demi. More secrets will be revealed at sana kayanin mo ang mga 'yon." Tumawa siya nang malakas.

Napakademonyo niya talaga!

"This is just the start, Demi."

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status