Share

XXIX. Caught In The Act

Natapos ang klase nang hindi namin nalalaman kung ano na ang nangyari kay Sofia. Hindi namin alam kung nakauwi na ba siya o kung saan man siya nagpunta pagkatapos niyang tumakbo kanina. Hindi rin namin siya ma-contact. Kaibigan pa rin namin si Sofia at nag-aalala pa rin kami sa kaniya.

Tatawagan ko sana ulit si Sofia pero may nakita pa akong isang number sa contacts ko na maaaring alam kung nasaan si Sofia ngayon. Kay Sander iyon at ni isa sa amin ay walang sumubok na tawagan siya kanina.

Siguradong hindi siya tatawagan ni Brix. Si Jayson naman at Macey ay kanina pa tahimik. I guess, ako lang talaga ang pwedeng tumawag kay Sander.

Lumayo muna ako sa kanila para tawagan si Sander. Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin niya iyon.

"Hello, Kuya Sander..."

"Hello, Demi?"

"Yes, this is Demi. Itatanong ko lang sana kung nand'yan si Sofia sa inyo?" sabi ko sa kaniya.

"Yes, kanina pa siya nandito. Pero hindi pa siya ulit lumalabas ng kwarto niya," sagot niya.

"Ah, gano'n ba? Sige, Kuya Sander, salamat," sabi ko na lang.

Ibababa ko na sana ang tawag kaso...

"Demi."

Napalunok ako. "B-bakit?"

"Um...wala. Ingat," sabi niya at siya na mismo ang nagbaba ng tawag.

Ilang segundo pa ako napatitig sa cellphone ko bago bumalik sa mga kaibigan ko.

"Let's go?" tanong ni Brix.

Ngumiti ako at tumango. Pupunta kami sa mall ngayon para mamili ng mga gagamitin namin sa project namin na ipapasa next week.

"Macey, gusto mo ba sumabay?" tanong ko.

"Sure," sagot niya.

"Tara na!" sabi ni Jayson.

Agad naman siyang nilingon ni Macey. "Kasama ka?"

"Of course. Bawal ba?" tanong ni Jayson.

Ngumisi si Macey. "Akala ko pupuntahan mo 'yong girlfriend mo," aniya at nauna ng naglakad palayo sa amin.

Napakamot na lang ng ulo si Jayson. Napailing na lang ako at sinundan si Macey.

***

"Macey, alam kong masakit at mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, pero wala na ba talagang chance sa inyo ni Jayson? At...'yong friendship niyo ni Sofia?" tanong ko kay Macey. Nandito kami ngayon sa bookstore at humiwalay muna kami sa dalawang lalaki para makausap ko siya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Macey. "I don't know, Demi. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung anong dapat kong gawin," sabi niya. "Kapatid na ang turing ko kay Sofia...sa inyo. At hindi ko kinaya ang ginawa niya. Sa dami ng lalaki, bakit 'yong sa 'kin pa?" Ramdam ko ang ang sakit sa bawat salitang binitawan niya. Maging ang mga mata niya, pinapakita ng mga 'to kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.

Macey is a strong girl. She has a strong personality pero ngayon nakikita ko 'yong weak side niya.

Nginitian ko siya at pinisil ang kamay niya. "I understand. Bigyan niyo muna ng time and space ang bawat isa pero sana mapag-usapan niyo rin 'to," sabi ko sa kaniya.

Tumango-tango siya. "Thank you, Dems."

Pagkatapos namin mahanap ang mga kailangan namin ay dumiretso na kami sa counter. Nakita namin na nakapila na rin sina Brix at Jayson.

"Kain muna tayo?" tanong ni Brix. Katatapos lang namin magbayad sa mga pinamili namin. Hindi naman gano'n kahaba 'yong pila kaya nakapagbayad agad kami.

Tinignan ko si Macey at ngumiti naman siya.

Nagpunta kami sa isang fast-food chain, magkahiwalay nga lang ng table dahil baka hindi makakain nang maayos 'tong si Macey kapag nasa iisang table sila ni Jayson.

"I'm still worried about dad. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari," nag-aalalang sabi ni Macey.

"Ako rin. Last na natanggap kong pictures ay kina Jayson and Sofia at lahat tayo hindi inasahan ang nangyari," sabi ko. Hindi basta-basta magpapadala na lang 'yong killer ng mga litrato. Kung kaninong litrato ang pinapadala niya, paniguradong may mangyayari sa mga taong iyon.

"I think kailangan na rin nating umuwi, baka nasa bahay na si dad. I want to talk to him," sabi ni Macey.

"Okay. I'll text Brix." Paubos na rin naman ang pagkain namin. Ite-text ko na lang si Brix dahil medyo malayo ang table nila sa amin.

***

"Hindi ko pa rin ma-contact si mommy. Nag ri-ring naman pero hindi sinasagot," sabi ni Jayson habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Maybe she's busy. Mag-usap na lang kayo sa bahay niyo," rinig kong sabi ni Brix.

Nasa unahan namin silang dalawa ni Macey kaya naman rinig na rinig namin ang pag-uusap nila.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ngunit nagulat ako nang hindi ko makapa doon ang coin purse ko. Pagkakatanda ko ay pinagsama ko ang dalawang iyon.

Napatigil ako sa paglalakad at agad na binuksan ang bag ko. Sinilip ko rin ang ibang bitbit ko pero hindi ko nakita ang coin purse ko.

"Bakit, Dems?" tanong ni Macey na napahinto rin.

"Nahulog ko ata 'yong coin purse ko," sabi ko.

Nilingon ko ang pinanggalingan namin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang maaninag iyon sa dinaanan namin kanina.

"Ayun! Mauna ka na, Macey. Kukunin ko lang doon," sabi ko sa kaniya at tinuro 'yong dinaanan namin kanina.

"O, sige."

Bumalik ako roon. Yumuko ako para damputin ang coin purse ko.

"Let's meet again, tomorrow?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Nilingon ko kung saan nanggaling iyon.

Napatakip na lang ako ng bibig nang makita si Tito Aries. At hindi siya nag-iisa.

Kitang-kita kung paano niya ipulupot ang braso niya sa baywang ng babaeng kilalang-kilala ko rin.

"Demi, tara na," rinig kong sabi ni Brix.

"Brix, si Tito Aries 'yon diba?" tanong ko sa kaniya at itinuro ang direksyon nila.

"Oh shit! Yes! And he's with Tita Agnes," sambit niya.

"Oh my God, Brix!" Feeling ko matutumba ako sa nasaksihan namin.

Tito Aries, Macey's dad, and Tita Agnes, Jayson's mom just kissed!

Napalingon ako nang marinig ang paparating na si Macey, nasa likod niya si Jayson.

"Ang tagal niyo naman. Ano bang---dad?!" Nanlalaki ang mata ni Macey habang nakatingin sa dalawang taong hindi kalayuan sa amin.

Agad naghiwalay si Tito Aries at Tita Agnes. Gulat din silang napatingin sa amin.

"M-macey, let me explain," saad ni Tito Aries.

"What's the meaning of this, mom?" tanong naman ni Jayson.

Napakurap-kurap na lang ako at napalunok. Ano na naman ba 'to?

Nagulat kaming lahat nang bigla na lang sumigaw si Macey.

"Tangina! Ano affair na naman?!" sigaw niya.

"Anak, I'm sorry." Nilapitan siya ni Tito Aries pero agad siyang umatras.

"Ikaw, Tita Agnes, grabe ang paggalang ko sayo! Bakit mo 'to ginawa? Bakit sa tatay ko pa?" naiiyak na tanong niya.

Nakayuko lang si Tita Agnes, umiiyak. Si Jayson naman ay halatang gulat pa rin.

"Puro kabit na ata ang nakapaligid sa akin. Una, 'yung kaibigan ko nilandi 'yung boyfriend ko. Ngayon naman, 'yung nanay ng boyfriend ko, nilandi ang tatay ko..." Napahilamos na lang si Macey sa mukha niya.

"Nakakadiri kayo."

"Macey!" sabay-sabay kaming napasigaw nang maglakad palayo si Macey.

Ito ba? Ito ba ang gusto ng killer? Ang sirain ang mga taong nakapaligid sa amin. Kung oo, nagwawagi siya.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status