Share

The Search

Chapter 2

"Andito ako para pag-usapan ang tungkol sa hinahanap mong tao," sabi ni Ma'am.

Tuluyan akong nagulat sa lugar ko nang marinig ko iyon.

"Nung 13 ka, pumasok ka sa isang paaralan as a grade 7 and 8 student tapos bigla na lang lumipat ka sa isang high school para pumasok as grade 9 and 10. Akala ko ibang track ang gusto mo sa huli mong highschool kaya ayaw mong ipagpatuloy ang grade 11 mo roon pero nang kunin mo ang isang track na meron naman sa highschool na iyon, hindi sana ako magtataka at malalaman ang tungkol sa concern mo."

Napayuko ako. "Personal po kasi siya Ma'am," sabi ko.

"Alam ko. Ayaw ko sanang makialam pero hindi ganun kadali na palipat-lipat ka ng paaralan para lang maghanap ng isang taong hindi mo naman alam kung anong pangalan niya at tanging ID lang ng nanay niya ang meron kang clue para mahanap siya."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ma'am.

"Isang tulong man noong inalukan ko kayong walo na magtrabaho rito sa café pero hindi natatapos doon. Huwag kayong mahiya tuwing tinutulungan ko kayo dahil para ko na kayong pamilya."

Napatingin na lang ako kay Ma'am at ngumiti. "Maraming salamat po talaga Ma'am."

Naglabas siya ng buntong hininga. "Huwag ka munang magpasalamat dahil hindi pa ako sigurado kung makakatulong nga ito sa iyo," sabay may bigla siyang nilabas na folder at iniabot ito sa akin.

Kinuha ko naman ito at sa takip pa lang ng folder ay may mga letrang nagkasulat na kinagulat ko ng binasa ko.

International Sanders Academy

"Isa yang high school malapit sa Barangay Tres. Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa pangalan nito, naalala ko yung pangalan sa ID na binigay sa iyo."

Wala sa ngayon ang ID na iyon sa akin pero alalang-alala ko ang pangalan na nakasulat sa ID dahil sa lagi kong dala-dala iyon. Napabukas ako ng folder ng di oras dahil doon.

"Ang sabi diyan, si Victoria Sanders ang founder ng paaralang iyan kaya pinangalan sa kanya ang eskwelahan. Ang problema nga lang, pang-mayaman ang high school na iyan kaya mahirap makapasok. May entrance examination na kailangan kahit transferee ka pa. Pati grades mo ay kailangang tignan kung pasado ka ba sa standards nila. Andyan na lahat ng papel na kailangan mo kung sakaling susubukan mong pumasok doon."

Sobrang nagulat ako nang makita ko ang isang application form at iba't ibang papel na kailangang sulatan para makapasok.

"Pero kahit ganun, hindi ko masasabing panatag ako na nandoon nga nag-aaral ang anak niya. Hindi natin alam baka ayaw pala ng anak niya na mag-aral doon."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ma'am.

"Sobrang sapat na po ito Ma'am," sabi ko na lang. "Malaking tulong na po itong bagay na binigay niyo po sa akin. Hayaan niyo po, andoon man po siya o wala, tatapusin ko po yung senior high ko po roon. Dahil sa nasabi niyo po na si Ma'am Victoria ang founder, sigurado po akong marami akong makukuhang impormasyon tungkol sa anak niya."

Si Ma'am naman ang napangiti pabalik sa sinabi ko.

"Mabuti pala kung ganun."

Pagkalabas ko ng opisina ni Ma'am, sakto bumukas na rin ang café kaya nagtrabaho kami. Tuwing walang masyadong customer, tinatanong ako ni Iris at Lizar kung anong pinag-usapan daw namin. Sagot ko naman na basta hindi niya ako binigyan ng raise at pagkatapos hindi na sila nagtanong muli. Si Ma'am lang ang may alam tungkol sa paghahanap ko sa anak ni Ma'am Victoria. Hinahanap ko siya dahil tulad nga ng pangako ko sa kanya, poprotektahan ko siya.

Pagkarating muli ng 9 ng gabi, sinara agad namin ang café at sa natitirang oras ay inayos namin ang ilang kailangang gawin sa shop bago kami nagtipon muli sa kwarto na iyon. Pagkaraan ng 9:50, pinatay muli namin ang lahat ng ilaw ng café at pagkarating ng alas dyes, bumukas muli ang pinto sa likod ng shop at isa-isa muli kaming lumabas mula rito. Sa ngayon, ako ang nahuli at nauna pa si Ma'am Safira, na isa ring tailed beast, na lumabas pero bago siya umalis, nilingon niya muna ako at nagtanong.

"Sigurado kang okay ka lang gumala ngayon Xania?"

Nginitian ko siya. "Okay lang po talaga ako Ma'am. Marami lang iniisip."

"Kung ganun, kapag kailangan mo ng tulong sa kung saan ka baka sakali, gawa ka lang ng signal para tawagin ni isa sa amin, naintindihan mo?"

"Opo Ma'am."

"Good. Mag-iingat ka," paalam ni Ma'am bago siya lumipad paalis gamit ng dalawa niyang pakpak bilang isa sa mga tails niya.

Pinanuod ko muna siyang lumipad bago ko sinara ang pinto at tumakbo na rin paalis papunta sa Barangay Tres. Papunta ako ngayon sa pinakamalapit na dagat ng barangay at lalangoy. Hindi man ako makahinga sa ilalim ng tubig di tulad ni Axton, pero mabilis akong lumangoy dahil sa fish tail ko.

Ang ginagawa ko, pag alam kong di kalayuan na ang dagat na pupuntahan ko, bwebwelo muna ako para tumakbo ng mabilis at susubukang tumalon ng mataas at gamit ng mga peacock feathers ko, ibubuka ko ito para manatili ako saglit sa ere at gamit ng fish tail ko, aatake ako ng spiky fish scales sa dagat saka ko isasara ang peacock feathers ko at...

Splash! Nag-dive ako sa ilalim ng tubig para tignan kung may natamaan ba akong mga isda na pwedeng iuwi para kainin. Dahil sa ilaw ng buwan ngayon, maraming nagkumpol dito at marami akong nakuha kaya masaya kong kinuha ang mga fish scale na may mga nakatusok na isda. Pagkatapos, aahon ako para kumuha ng hangin.

Para akong may barbecue ng mga isda sa dami ng nakuha ko na ikinasaya ko. Pwede na ito. Hanap na lang ako ng mga prutas sa kakahuyan na pwedeng mapitas. Papunta na sana ako sa baybay nang may nahagilap akong malaking barko sa di kalayuan. Dahil doon, napalubog ako agad sa ilalim ng tubig at mabilis na lumangoy paalis.

Ang alam ko, madalas ang mga mangingisda sa laot ngayon dahil maganda talagang mangisda tuwing madilim at tahimik ang dagat. Mahirap na kung bigla kang masama sa mga lambat nila. Sana maging okay lang si Axton ngayon mas lalo nang madalas pa naman siyang manatili sa ilalim ng tubig hanggang alas dose (12) ng gabi.

Pagkaahon ko sa baybay, mabuti at walang masyadong mga tao ngayon kaya I shaked my body para matuyo bago tumakbo paalis dala-dala ang mga nahuli ko.

Habang nasa kagubatan ako, hindi ko maiwasang isipin kung paano na kaya yung anak ni Ma'am Victoria. Kung bakit sa lahat ng hiling niya, ang protektahan pa ang anak niya ang gusto niyang gawin ko. Dahil kung ganun, baka nasa panganib ang anak niya. Di kaya baka masyado pang bata ang anak niya at nang malaman na niyang hantungan na ng kanyang kamatayan, gusto niyang tumayo ako bilang ina para palakihin siya?

Pero mga apat na taon na ang nakalipas at hindi ko pa rin siya nahahanap. Hindi ko naman kilala mga kamag-anak niya o kahit man lang asawa niya kaya hindi ko alam kung saan magsisimula.

Pagkarating ko ng bahay, sakto alas dose na ng gabi kaya bumalik na ako sa pagiging tao sabay pumasok sa bahay. Kinaliskisan ko agad ang mga isda at nilagay sa isang palanggana para ilagay sa isang ice cooler bago ako pumunta sa kwarto ko at napansin agad ang folder na binigay sa akin ni Ma'am Safira na nakalagay sa mesa.

Walang sabi-sabi na kinuha ko ito, binuksan at binasa bawat papel na meron. Agad naman akong kumuha ng ballpen para sulatan ang mga dokumentong kailangang sulatan.

Kinabukasan, nagpaalam muna ako kay Ma'am na ma-la-late ako sa trabaho para pumunta sa eskwelahan. Pagkarating, napatigil muna ako sa harap ng malaking gate nito bago ako pumasok at tinanong agad ang guard kung saan pwede magpasa ng application form. Buti mabait ang guard at ginabay pa ako papunta nga roon at pagkapasa ko, agad nilang tinignan ang mga requirements mas lalo na ang mga grado ko nung grade 11 ako sa dating high school kung saan ako nag-aral. Siguro pasado naman mga grado ko noh?

"Miss Xania, please proceed to the XXX room for the interview," sabi ng isang babae na kakatingin lang sa mga papel na kinagulat ko.

"Ngayon na po?" gulat kong tanong.

"Yes. You are ready for evaluation," sagot niya.

"Hindi po ba may exam pa Ma'am?" ignorante kong tanong.

"Ah hindi na kailangan. Basing from your grades on the last school you attended, you met our standards kaya interview na lang ang kulang mo."

Ganun ba yun? Nagpasalamat na lang ako sa kanya ng di oras at naglakad papunta nga sa kwartong sinasabi niya. Kinakabahan ako dahil hindi pa ako handa. Parang biglaan naman kasi.

Pagkarating nga sa harap nito, walang taong nakapila pero napaupo muna ako sa mga katabing silya nito. Hindi ko kasi alam kung tatawagin ba ako o ako ang kakatok—

"Excuse me," sabi bigla ng isang boses kaya nagulat ako ng di oras at napalingon sa kanya.

"Uhm ye-yes po?" nautal kong tanong.

"Are you Miss Xania?" tanong sa akin ng isang babae muli.

"Uhm opo."

"Good. Then come in for the interview," imbita niya sabay sara ng pinto.

Napatayo naman ako agad pero kinakabahan pa rin ako. Tama ba itong suot ko? Bakit ba ganito kabilis ang nangyayari? Namamawis na ako rito sa kaba.

Pagkapasok ko, hindi lang ang babaeng tumawag sa akin ang nakaupo ngayon. May dalawang lalaki sa tabi niya na siguro kasama niyang mag-iinterbyu sa akin.

Napaupo muna ako sa upuang nakahanda para sa mga iinterbyuhin at kasabay nun bumati sila agad sa akin. Marami silang tinanong at puros Ingles pa. Mabuti na lang nakakasagot ako. Madalas akong mautal at minsan gusto kong bawiin ang mga sagot ko na hindi naman kailangang sabihin pero magtatanong sila agad eh.

"It makes me wonder kung bakit lilipat ka rito sa high school na ito e papasok ka ng grade 12 at patapos ka na ng senior high mo kaya bakit? Please give us your reason," tanong ng babae.

Napatahimik ako ng di oras dahil doon. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na lilipat lang ako rito dahil may hinahanap akong tao. Dapat makumbensi ko silang gusto kong pumasok dito.

Naalala ko bigla ang mga papel na binigay sa akin ni Ma'am sa folder na may description ng eskwelahang ito kaya yun ang sinagot ko.

"I see," sabi ng babae. "You really did your research."

Napatigil ako. Halata ba na scripted?

"But if that's the case, then you're aware of the expenses needed for you to be able to enrol in our school. Paano mo matutustusan ang mga iyon eh ang nakasabi rito wala kang parents at may nag-iisang guardian ka lang na isang manager ng isang café at nagtratrabaho ka under niya as your source of income? Sa tingin mo mababayaran ang lahat ng kailangan mo para sa school na ito sa kinikita mo?"

Napakalma ako kahit papaano sa tanong na iyon dahil alam kong paparating ang tanong na iyon kaya madaling sagutin. Bawat high school na nililipatan ko ay laging tinatanong yan eh.

"I am fully aware Ma'am kaya po nag-apply po ako sa isa sa mga scholarship niyo po," sagot ko.

"I can see that," sagot naman ni Ma'am habang nakatingin pa rin sa mga papel. "Pero hindi mo ba naisip ang hirap na pagdadaanan mo? Just think about it Miss Xania, you're going to study at the same time you said you are working at the café of your guardian. Kung sakaling papayagan ka nga namin maging working student as your scholarship, hindi ba triple na ang pagod na mararanasan mo? Baka hindi kayanin ng katawan mo."

Napangiti ako kay Ma'am dahil doon. "Kakayanin ko po Ma'am. I've been through worst."

Halos silang tatlo ay nagulat sa sinagot ko. Dahil doon, bumalik ako sa katotohanan at parang pinag-isipan ko pa kung anong sinagot ko kaya ganun ang reaksyon nila.

Loading... loading complete.

Shocking bells! Sinabi ko talaga yun? Anong iniisip mo Xania?! Anong 'I've been through worst'? Kahit totoo, baka kung anong isipin nila. P*ta. Kailangan kong bawiin yun!

"Well then..." sabi bigla ni Ma'am kaya bumalik ako sa katotohanan. "...thank you for your time."

Nagulat ako at gusto kong magsalita para magpaliwanag pa sana pero biglang ngumiti si Ma'am sa akin na ikinatigil ko.

"I will be expecting a lot from you, Miss Xania."

Nakalabas ako ng school na iyon na mukhang pagod. Wala naman akong masyadong ginawa. Kung tutuusin, masyadong mabilis nga ang nangyari ngayon. Doon siguro ako napagod. Nakakapanibago naman ang paaralang ito. Sa mga dati, ang dami kong kailangang gawin at umaabot ng ilang araw matapos ko lang mabigay ang requirements na kailangan nila tapos ilang linggo naman bago mo malaman kung pasado ka ba o hindi.

Ngunit kung titignan natin, napasa ko lang ang requirements at natapos ang interview pero wala silang sinabi na pasado na nga ako. Siguro yun ang tatagal tulad ng iba. Pero parang ayaw ko nang umasa. Pakiramdam ko sa interview pa lang bagsak na ako.

~~

"Congratulations Xania," salubong na ngiti sa akin ni Ma'am Safira pagkapasok ko sa likod ng café na kinagulat ko.

Pop! Pop!

"Yehey let's celebrate!" sayang sabi ni Ate Willow habang may hawak-hawak na dalawang party popper ang apat sa anim niyang kamay.

Hindi maipinta ang mukha ko sa gulat at pagtataka. Anong selebrasyon? May birthday ba?

"Ang galing-galing mo talaga Ate Xania!" sayang sabi ni Yune sabay yakap pa sa akin.

Hah? Ano?

"Syempre si Xania pa," pagmamalaki ni Axton. "Sa akin kaya nagmana yan."

"Teka, teka nga lang," sabi ko para tumigil ang lahat. "Anong selebrasyon? Congratulations saan?"

"Hindi mo pa nabalitaan?" tanong sa akin ni Geof kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang alin?" pagtataka ko.

"May pinadalang message sa email ni Ma'am na nakapasa ka sa International Sanders Academy kaya congratulations," sagot ni Geof habang hawak-hawak ang isang laptop.

Gulat akong marinig iyon at agad kinuha ang laptop mula sa kanya para basahin ang email na iyon. Email ni Ma'am Safira ginamit ko eh. Wala naman akong email.

Congratulations! This is to inform Miss Xania Ferez has passed to enrol in International Sanders Academy by XX 20XX...

Totoo nga.

"Huwag ka nang magulat Xania," sabi bigla ni Iris. "Ang tali-talino mo kaya malamang makakapasok ka sa ganyan kagandang high school kaya let's celebrate."

"Kainan na!" sayang sabi naman ni Lizar sabay kumuha agad sa pagkaing nakahanda.

"Tignan mo ang isang to. Patay gutom talaga," sabi ni Iris habang tinitignan si Lizar pero wala siyang pake.

Nag-celebrate nga kami sa on the spot na nakapasa ako sa isang marangya na high school. Pero mabilisan lang iyon dahil tulad ng ginagawa namin, kapag 9:50 na, pinapatay na namin ang ilaw ng café.

Ngayon, kanya-kanya kami muli at nandito ako ngayon sa kakahuyan pero hindi ko mapigilang tumigil sa isang sanga ng puno na puno ng pag-aalala ang aking mukha.

Masyado akong na-o-overwhelm sa bilis ng pangyayari. Kanina lang ako pumunta sa eskwelahang iyon para lang magtanong kung anong gagawin tapos bigla na lang akong ininterbyu tapos pagkarating sa café, pasado na ako agad. Hindi ko alam kung sadyang masyado bang mabilis ang proseso ng paaralang iyon at hindi ako sa sanay... o di kaya may mali. Ayaw kong mag-isip ng masama pero pakiramdam ko, may malaking kapalit ang lahat ng nangyari ngayon, at hindi maganda ang kutob ko.

Continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status