"Grandpa!" sabay silang napalingon ng matanda sa direksyon ng nagsalita.It was Xavion, shock was evident on his face. Agad siyang napatayo sa inuupuan, ganoon din ang lolo nito.The old man grinned. "You finally made it. You have her." anito kay Xavion.Sinulyapan siya ni Xavion, "Can you leave us for a moment?"Hindi na siya nagsalita pa at tumango lang. Nang makaalis na si Rose ay umupo na sila sa kanya-kanyang upuan. Ang parteng iyon kung saan sila nakapwesto ay wala masyadong tao at ang mga bodyguard ng Don ay nagkalat sa paligid, dahil na rin sa kagustuhan nitong mapag-isa."Are you ready to replace me, Xavion?" basag ng matanda sa katahimikan sa pagitan nila.Xavion couldn't look at his grandfather, instead he took the glass of wine and drank it. He remained his gaze on the people around, having their own time and space as they enjoyed the party that the Nero Clan prepared."Replacing you wasn't only my intention why I took her, Grandpa." Nilapag niya ang kopita sa mesa."And n
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Hindi mapigilang maitanong ni Rose kay Xavion.Hindi nagsalita ang lalaki at piniling isentro ang atensyon sa pag-aayos sa kabayo niya. Simula pa kanina nang yayain siya nito ay hindi pa ito nagsasalita.Napagod na rin siya sa pangungulit kaya hindi na siya nagsalita. Bagkus ay napatingin siya sa kabayong sasakyan nila, kakailangan na naman niyang labanan ang takot at kaba habang nakasampa riyan. Hindi niya alam kung kaya niya pa ulit.Pinasadahan niya ng tingin ang napakagandang kabayo na iyon. Kulay itim ito at napakaalaga, mahahalata iyon sa kakintaban ng kanyang balahibo. Napakamanly tignan nito at parang nagmana na nga sa amo. Hinaplos niya ng marahan ang balahibo, and couldn't bear to smile as the horse starts making whiny sounds.Napapitlag siya nang may matipunong braso na pumulupot sa kanyang beywang. "I guess he likes you, he looks excited." Xavion whispered on her ear, halos magtayuan ang mga balahibo niya.She gulped nervously, "Saan ba tayo p
Hindi lubos maisip ni Rose na natatamasa na niya ang ganitong experience na minsang ipinagdamot sa kanya ng mundo. Ngayon niya lang naramdaman ang tunay na kasiyahan sa buong buhay niya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na maranasan ang buhay-haciendera. Kumain ng masasarap na prutas at makapag-harvest ng mga gulay, pati na rin ang mag-alaga ng mga hayop.Walang mapaglagyan ang kasiyahang nararamdaman niya. "Ate Rose!"Napalingon siya sa kung saan nanggaling ang mga boses na tumawag sa kanya at ganoon na lamang ang galak niya nang makilala kung sinu-sino ang mga ito."Argon, Shai, Buknoy! Kayo pala!" isa-isa niyang niyakap ang mga ito.Natawa siya nang mapansing umiiyak si Argon, "Bakit ngayon lang kayo nagpakita, namiss po namin kayo...""Oo nga po, akala namin umalis na kayo," saad naman ni Shai."Hm!" ungol ni Buknoy at ikinumpas ang kanyang mga kamay, may sinasabi ito sa sign language na hindi niya maunawaan."Hinintay ka po namin sa ilog, akala namin babalik kayo roon," Nagsalita s
Nagtataka na si Rose habang pinagmamasdan ang mga taong nagsisilagpasan sa harap ng mansyon. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Nikolas. Huling beses niya itong nakasama ay sa welcoming party pa ni Don Miguel, simula noon ay hindi na niya muling mahagilap pa ito.Naisip niya baka busy sa law firm o baka may mga kailangang asikasuhin na ibang bagay. Kung tutuusin rin naman kasi ay hindi naman umiikot ang mundo nito sa Elsurro. May buhay rin ito sa labas ng probinsya. Nakakalungkot lang kasing isipin na wala na siyang makakausap kapag malungkot siya.Kahit anong pag-strum niya sa kanyang ukulele ay wala siyang makapa na himig. Nawalan na rin siya ng gana na tumugtog. Dinaig niya pa ang preso sa labis na pangungulila. Pakiramdam niya ay mag-isa lang siya sa mansyon. Abala rin kasi ang tatlong kasambahay na malapit sa kanya kaya bagot na bagot siya.Inilapag niya sa mesa ang ukulele na hawak niya at bumaba na. Wala na rin naman kasi siyang magawa na sa terrace, sawang-sawa na siya sa
"Ito pa!""Ito na rin!"Masayang namili ang apat sa grocery at salitan sila ng pagtingin sa listahan. Halos mapuno na ang hawak nilang cart. Para silang mga bata na nagtatawanan habang pumipili ng mga goods. Si Roldan naman ay naka-steady lang sa tabi ng van habang may kausap sa phone.Napansin iyon ni Rose kaya nagpaalam muna siya sa tatlo at pinuntahan ang driver nila."Puntahan ko lang si Roldan," aniya."Okay po!" sagot ng tatlo at nagpatuloy na sa ginagawa nila.Nang makalabas na siya ng supermarket ay tinawag na agad si Roldan na nabigla pa sa pagsulpot niya. Mabilis nitong itinago ang kanyang cellphone."A-ano po 'yon, Ma'am Rose?" nauutal nitong tanong sa kanya."Uhm... Gusto ko po sanang mahiram ulit ang cellphone niyo, may tatawagan sana ulit ako."Bakas ang pagkabalisa sa mukha nito. "P-pero, Ma'am...""Sige na po, Kuya. Kahit 10 minutes lang po."Bumuntong-hininga ito at pinagbigyan na lang. Ganoon na lang ang tuwa niya nang mahawakan ang cellphone niya, naghanap kaagad si
Sinalinan ni Draco ng whisky ang baso ni Xavion at hindi man lang siya nito dinapuan ng tingin. Masyadong malalim ang iniisip nito. Sa loob ng tatlong araw na pananatili niya sa Mafia Grounds ay wala na siyang ibang ginawa maliban sa pagkatitigan ang litrato ng kanyang yumaong lola. Lumaki siya sa puder nito dahil palagi wala ang mga magulang niya para alagaan siya at pagtuunan ng pansin. Ito ang naging sandalan niya sa lahat ng bagay at hinding-hindi niya makakalimutan ang kabutihan nito sa kanya. Kaya ganoon na lamang ang galit niya nang paslangin ito ng lider ng Cirrino Lazaro na si Don Stevino Alarcon. Tumatak ang galit sa puso niya na hindi kailanman magagawang hilumin ng panahon. Nanahimik siya ng ilang taon at minanmanan ang bawat kilos nito. Napag-alaman niyang nagkaroon ito ng pamilya. Doon mas lalong bumugso ang ngitngit sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang masasayang ngiti sa mga labi nito habang nilalaro ang kanyang unica hija na kasisilang pa lamang noon. Ang san
Umupo sila sa pinakaharapan at inaabangan ang pagdating ng Cirrino Lazaro, and in just a blink of an eye ay nagsidatingan na nga ang mga ito. Hindi mapigilang kumuyom ang mga palad ni Xavion nang dumapo ang kanyang mga mata sa lalaking prenteng umupo sa gitnang upuan. Walang emosyon ang mga mata nito na nakamasid sa paligid. Muling bumalik sa kanyang alaala ang lahat, kaya mas lalong naghulagpos ang galit mula sa kanyang dibdib. Napakaaliwalas ng mukha nito. Walang pinagbago ang kanyang postura, still dressed in his style, a formal vest paired with his black pants. Nasa kaliwang kamay nito ang kanyang cigar pipe na maya't maya kung pausukin nito. Gusto niyang matawa, wala man lang siyang kaide-ideya na ang anak nitong matagal na nitong hinahanap ay matagal nang nasa lilim ng proteksyon niya, pinipigilan matagpuan niya. Hinawakan ni Draco ang balikat niya at sinenyasan itong kumalma siya. Baka bigla itong lumihis sa plano ngayong nakita na niyang muli ang lalaking kaaway sa loob ng il
Matapos maibigay ni Draco ang attache case na may laman na pera sa isang lalaki. Mula sa kinalulunan na sasakyan ay pinagmasdan ni Xavion ang nangyayaring transactions. Pagkatapos ay bumaling ang tingin niya sa makinang na bato ng singsing na nakapaloob sa isang ring case. Napangisi siya. "I haven't started yet, Don Stevino. This isn't even half of what I'm capable of doing." Naglakad na si Draco at ang mga tauhan nila papunta sa kanilang mga sasakyan matapos ang tagpong iyon. Nakakatawa lamang isipin na umatras na lamang agad si Don Stevino matapos nitong mapahiya sa auction. Hindi tuloy siya nasiyahan sa nakuha niya dahil walang thrill. Bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok si Draco. He breathes a sigh of relief. "Well, that went better than expected." Hindi na nagsalita si Xavion at sinenyasan ang driver nila na paandarin na ang makina. The car speeds down the empty road, the tension of the auction slowly dissipating. Draco glances out the window. "Looks like we're in the cl