Share

CHAPTER 73

"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata.

"Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.

Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."

Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran.

"Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas.

"Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?"

"Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata."

"Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."

Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status