Share

CHAPTER 55

"Nagday-off?" ulit na tanong ni Rose kay Yanna nang banggitin nito ang pagday-off nina Renalyn at Colet.

Tumango si Yanna, "Opo, kaya mag-isa akong mamamalengke ngayon."

Huminga na lamang siya ng malalim habang sapo-sapo ang malaking tiyan niya. Medyo nagtatampo siya sa parte na hindi man lang nagawang magpaalam ng dalawa sa kanya ng maaayos at sa puntong nagugulat na lang siya. Balak niya pa naman sanang magpasama sa kanila sa pagbisita sa farm dahil gusto niyang lubusin na wala si Xavion ng ilang araw.

Maging ang mga magulang nito ay wala sa bansa kaya talagang nakahinga siya ng maluwag. Iyon nga lang ay pinabantayan naman siya sa napakaraming bodyguards at nagdagdag pa ng ilang maids na pupuna sa absence nina Colet.

"Hindi mo ba nakita si Nikolas?" muling tanong niya.

"Hindi po, e. Rinig ko, lumuwas daw po."

Bumagsak ang balikat niya, bakit ba napakabusy ng mga tao ngayon?

"Sasamahan na lang kita sa bayan," aniya na ikinagulat ng isa.

"Po? Hindi po pwede!" nanlalaki ang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status