Share

KABANATA 18

“ANONG SABI NG MAMA MO?”

Hinarap siya ni Rave. “You don’t need to worry about her. Matanda na ako para pakialaman pa niya. I can decide on my own.”

“Sabi ko naman kasi ipakilala mo na lang akong mai –”

“Lar, let’s stop. My mother will not harm you hanggat nasa tabi mo ako. Just focus with our son –” Natigilan siya at napatingin kay Rave. “My son,” mabilis na bawi nito.

Tinalikuran na siya nito at dumiretso sa working room nito na adjacent lang sa silid nila. Kahit na wala ‘yong pinto ay ‘di pa rin niya makita si Rave. Mag–a–alas singko pa lang ng hapon pero mukhang magta–trabaho na ito. Nabanggit nga ni Kevin sa kanya na madalas magkulong si Rave sa working area nito dahil marami itong tinatapos na trabaho.

Isang linggo itong sinamahan siya kaya marahil marami na itong nakatinggang trabaho. Tumayo siya mula sa kama at lumapit sa hamba ng pintuan ng adjacent room kung saan pinaghiwalay ang bedroom at opisina nito. Nakita niya si Rave n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status