Simula ng gabing iyon ay hindi na naging maayos pa ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero may kung anong naging dahilan at bigla na lamang akong nagkasakit at hindi na nakapasok sa school ng mga sumunod na araw.
May tatlong araw yata akong nakaratay sa aking kama at inaapoy ng lagnat. At nakita nga sa aking katawan ang mga butlig-butlig na napaka kati.
"Hala! bulutong lang pala, akala namin ng Papa mo ay kung ano na ang nangyayari sa aming bunso," sabi ni Mama nang dalawin niya ako sa aking kwarto.
"Ha! Mama, you mean I have a chicken fox!?" tanong ko sa kanila dahil hindi ako makapaiwala na nagkaroon ako nang ganoong sakit.
Nahawakan ko pa nang dalawa kong kamay ang aking mga pisngi.
"Siya nga pala anak, ililipat ka namin sa hospital," sabi ni Mama na ikinagulat ko naman.
"Bakit po!?" pabigla kong nasabi. At bigla ring napabangon sa pagkakahiga.
"Ano bang nangyayari sa'yo anak? Humiga ka nga muna uli," tanong ni Mama sa akin. At na napapa kurap-kurap pa ang kanyang mga mata habang pinapahiga ako uli sa kama ko.
"Baka naman in love na yan Ma?" sabat naman ni kuya Dhino.
Na nakangisi sa akin. 'Yong bang ngiting-aso na labas pati mga gilagid niya sa sobrang gusto niya akong maasar!
Napabuga naman ako ng hangin, "Kuya, pwede ba may sakit na nga ang tao eh," sabi ko sa kanya na umikot pa ang bilog ng aking mga mata.
Tumawa lang ito sa akin. Si Kuya Dhino 'yong tipo ng isang Kuya na mapang-asar sa kapatid na babae. Pero napaka-sweet niya sa akin lalo na kapag may pabor siyang hihingin.
Sa aming lahat ay siya pa lang ang may ipinakilalang girlfriend. Si Ate Luisa.
"Alam mo anak, sayang kasi yung offer ni Mr. Santivaniez eh, sabi niya nag pa-reserve na raw siya ng private room para sa'yo."
"What!?" sabi ko nanaman na lalo pang napataas ang boses ko dahil sa gulat. At muntik ko nang maibuga ang nginunguya kong mansanas.
"Oo anak, nalaman kasi niya na may sakit ka at tatlong araw ka nang nilalagnat. Alam mo ba na sabi niya mas ma ige na ilipat ka na raw kaagad sa ospital kasi baka makahawa kapa sa mga body guards niya," seryoso talaga si Mama habang pangiti-ngiti pang nagsasalita sa akin at habang palipat-lipat ang tingin niya sa mansanas na binabalatan niya at sa akin.
"Ayoko nga! Ayaw ko sa ospital," pagpoprotesta ko. "Mama, bulutong lang ito kailangan bang ospital ka agad! " sabi ko pa.
"Pero alam mo ba Anak, nakakahawa ang bulutong! At saka isapa sa ospital kasi mapapayuhan ka kung paanong hindi ka magka peklat," sabi pa uli ni Mama.
Pero kahit anong pilit niya sa akin ay hindi talaga ako pumayag na magpa confine sa ospital, para sa akin ay simpleng sakit lang naman ang bulutong at isa pa wala pa akong kakilala na na ospital dahil sa bulutong.
"Grabe naman sila, parang bulutong lang ay palalabasin pa ako ng kwarto ko, pwede naman ako dito! Di 'wag silang pumunta sa kwarto ko!" naiinis kong sabi sa isip ko.
Ayaw kong pagtawanana ako ng mga kaibigan ko at ka-klase dahil lang sa bulutong ay na-confine pa ako sa ospital.
Kaya naman ang mga kaibigan kong sina Joan at Shiela ay panaka-nakang dumadalaw sa akin ay hindi ko na sana pinapupunta, ang kaso ay napaka titigas ng ulo nila.
Sabi ko nga sakanila ay huwag na akong dalawin pa dahil baka mahawa sila sa akin. Pero matigas talaga ang ulo ng dalawang iyon. Nagkaroon na raw sila noon ng bulutong kaya hindi na sila mahahawa pa.
Nagtataka rin akong may dumarating na mga bouquet ng mga bulaklak sa aking kwarto. May mga naka basket pa at pati narin mga prutas. Panay ang tanong ko kay Mama, pero sabi ay galing raw sa mga client ni Papa.
"Talaga po ba?" sabi ko na parang hindi naman ako makapaniwala.
"Oo... sa mga VIP CLIENT!" sabi ni mama na parang nakulitan na sa pagtatanong ko kaya medyo lumakas ang boses.
"Chill lang po Ma," sabi ko sa kanya na iminuwestra ko pa ang kamay ko.
"Ang kulit mo kasi," sabi nitong abalang inaayos ang mga bulaklak. Tinawag pa nito si Ate Lani para ayusin ang iba pang mga bulaklak.
Nang makalabas si Mama ay pinakuha ko ang isa sa mga bouquet na naroon upang makita ko kung kanino nanggaling. Pinakuha ko yung pinaka maganda at kulay pulang rosas. At nang mabasa ko kung kanino galing iyon ay nagulat ako.
"Take care! From Dave Santivaniez!" Binasa ko iyon sa aking mata lang at naubo ako ng hindi sinasadya. Para bang may bumatok sa akin para mahirihan ng ganoon.
"Bakit anong nangyari sayo?" tanong ni Ate Lani sa akin. At lumingon pa ito upang makita ako.
"W-wala...okay lang ako Ate," sabi ko na lang sa kasambahay naming si Ate Lani. Napatango na lang ito at nagpatuloy na sa ginagawa.
Bakit naman kaya nagpadala pa ng bulaklak ang hambog na iyon. Ang akala yata niya ay madadala niya ako sa ganitong mga bagay pagkatapos niyang sabihin na nakakahawa ang sakit ko.
"Napaka hambog talaga niya!" sabi ko sa aking sarili.
Ngunit ng mapatingin ako sa mga bulaklak ay nakaramdam ako ng kaunting tuwa sa aking puso. Bagay na hindi ko rin maunawaan sa aking sarili. At sa hindi ko rin maintindihan ay parati kong naalala yung mukha niya habang nakatitig siya sa akin sa una at pangalawang pagkikita namin.
Para bang nakakalusaw ang mga tingin nito sa akin, na para bang parating may gustong sabihin. At naalala ko rin ang kakaibang kuryenteng nadama ko noong magdaop ang mga palad namin.
"Ha, para siyang-!" sabi ko sa sarili ko na napapabuga pa ako ng hangin.
Habang iniisip ko kung ano ba itong nararandaman ko sa aking sarili. Bata pa ako at alam kong hindi ako maaring magkagusto sa isang lalaking doble ang edad sa akin. Isa pa ay ayokong isipin na ang isang tulad niya ay mayroong pagtingin sa akin.
Alam kong imposiblleng mangyari iyon. Pero ang hindi ko maintidihan sa aking sarili ay kung bakit parati ko na siyang naaalala simula ng makilala ko siya.
Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayang pumasok pala uli si Mama sa aking kwarto. May dala na namang mga bulaklak at prutas na inilapag sa aking mesa.
"Anak! Annie!" sigaw sa akin ni Mama. At doon lang din ako nagbalik sa aking kasalukuyan.
"Ma!" gulat kong sambit sa kanya.
"Ano bang iniisip mo? Kanina pa kaya ako rito at nagsasalita pero wala ka yata sa iyong sarili?"
"Pasensiya napo Ma, iniisip ko lang po kasi ang school, matagal na akong hindi nakapasok, marahil ay marami na akong na-miss." Pagsisinungaling ko sa aking Mama.
"Don't worry about that, I just tell to your teacher about your sickness, at alam na nila 'yon, kaya 'wag mo nang alalahanin." sabi ni Mama.
Inayos muna nito ang bulaklak at may nakita pala itong note sa bulaklak na dala niya.
"Ano 'yan Ma?" tanong ko.
"Edi ano pa mga prutas," sambit naman niya na ngiting-ngiti sa akin. May nakikita tuloy akong kakaiba sa mga ngiti ni Mama.
"Bakit po kayo ganyang kung makangiti ?" Humiga ako sa kama ko ng patagilid upang makaharap kay Mama. Siya naman ay umupo sa upuang nasa gilid ng aking kama.
Kinuha ang sobreng nakalagay sa isa sa mga basket ng bulaklak at saka binuksan iyon at kinuha ang maliit na papel na may note na nakasulat. Babasahin sana niya iyon nang bigla kong hablutin.
"Why did you get that!?" paanas niyang sabi sa akin at tinangkang bawiin ang papel.
"No! Ma... this is mine, you can't read this!" sigaw ko kay Mama na pilit kong itinago ang papel.
"What happen to you my daughter!? You know I've read that already! Kaya alam ko na ang laman niyan, alam ko kung kanino galing iyan!" malakas na sabi ni Mama at pilit pa iyong kinukuha sa akin.
Ngunit mas mabilis ko iyong binuklat at binasa nang tahimik.
"Take care always Anak. love Papa." At may heart pa na naka drawing sa ibaba.
Napa yuko na lang ako kay Mama at muling humiga.
"Ikaw ha, siguro mayroon kang tinatago sa akin," sabi ni Mama na lumapit sa akin at kiniliti pa ang tagiliran ko.
"Ano ba Ma, wala akong tinatago no!" sabi ko na hinaluan ko ng inis ang boses ko.
"Alis ka na nga Ma, baka hinahanap ka na ni Papa," sabi ko na lang ulit para hindi ako kulitin ni Mama.
Alam kong maari akong mahalata ni Mama kung harapan ko siyang kakausapin.
Sa lahat siya lang ang nakaka kilala sa akin. Maari niya akong mahalata sa mga iniisip ko kung patuloy akong makikipag-usap sa kanya.
Muntik akong mabisto ni Mama dahil ayaw kong ipabasa ang note. Ang akala ko kasi ay galing na naman sa mayabang na iyon ang mga prutas at bulaklak na bagong dala niya.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit asumerang frog ako ngayon?
Para bang nag-e-expect ako from some one na alam kong wala namang pakialam sa akin.
Imposibleng magkagusto 'yon sa akin. Siyempre kung mangliligaw iyon ay doon na sa ka-edad niya.
Alam ko namang maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Paano ay gwapo na mayaman pa. Kaya alam kong imposibleng mapansin niya ang isang tulad kong bata pa at marahil ay kapatid lang ang turing nito sa akin. Mas matanda lang naman siya ng ilang taon kina kuya Edmon at kuya Salmon.
Halos isang linggo akong hindi nakapasok sa school kaya hindi ko namalayang mag ga-graduation na pala. At pagkatapos naman ng graduation ngayong Marso ay papasok naman ang buwan ng Abril at ang kaarawan ko naman ang daraan.Pagpasok ko sa school namin ay wala na pala kaming ginagawa kundi ang mag-practice para sa graduation namin. Mabuti na lang at ginawa ko na ang mga home work at project ko kahit na may bulutong ako. Nawala naman kasi ang lagnat ko at hinintay ko na lang mawala ang mga butlig na tumubo sa aking katawan. Kaya naman hindi ako naghabol ng mga activities pagpasok kong muli sa aming paaralan."Wow! Ilang weeks na lang talaga at makaka-graduate na tayo!" masayang wika ni Carol.Isa sa mga kaibigan namin sa school. Hindi masyadong sumasama sa amin si Carol, pero pagdating dito sa school ay parati itong nakadikit sa amin. Hindi namin alam pero ang sabi niya ay strikto raw kasi ang Tito niya. Ito 'yong maituturing kong palaging tumatalo sa akin pagdati
A few weeks later: April 2,2010: Idinaos ang aming graduation, at gaya nga ng alam ng marami ay nakamit ko ang titulong "Salutatorian" At ang lahat ay masayang-masaya sa kaganapang iyon ng aking buhay. Naroon ang aking Mama, at ang usapan namin ay sama-samang kakain sa isang restaurant kasama ang buong pamilya. Ngunit bago umuwi ay nagpaalamanan na muna kaming magkakaibigan. Uuwi na sana kaming lahat upang makipag bonding sa mga pamilya namin. Nang bigla namang magsalita si Carol at hindi namin inaasahang dadalo si Mr. Santivaniez sa graduation na ito. Noon kasi ay never naming nakita ang guardian ni Carol, kahit na sa anong okasyon sa school. Pero nang araw na iyon ay dumalo ito at nakipagsaya sa marami na para bang simple lang siya tulad ng iba. Sabagay halos lahat rin naman ay mayayaman tulad niya. Ang kaso lang alam nang lahat kung gaano ito kayaman. Inaamin naman naming lahat na wala kami sa kalingkingan nito. "Gusto sana ng Tito ko na im
April 2010 One month later: Natapos na nga ang buwan ng Marso at dumating ang buwan ng Abril, ito ang isa sa mga araw na pinakahihintay ko sa aking buhay. Well, sino ba naman ang taong ayaw dumating ang kanyang kaarawan. Hay, ano na kaya ang magaganap sa'king birthday? Sa pagdating ng araw na iyon ay magiging ganap na akong seventeen years old. Pero naisip ko hindi pa iyon sapat para payagan ako nina Mama at Papa na maka punta sa abroad ng mag-isa. Syempre nag-iisa akong babae sa aming pamilya kaya naman sina Papa at Mama ay lubos ang pag-aalala sa akin. Naalala ko nang sabihin ko ang mga plano ko matapos ang graduation namin: "Bakit naman sa America mo pa gustong mag-aral n
Pagkaraan ng limang minuto ay nasa fourth floor na kami ng bahagi ng hotel. Hindi ko alam kung paanong nalaman ng mga kaibigan kong ito ang bar na iyon. Mayroon palang isang bar na wala namang ibang tao kundi ang isang lalaking bartender. Nagtataka ako kung bakit walang tao sa bar na ito, ang napansin ko lang ay mayroong napakaraming bote ng alak doon sa may counter, mabilis ngang nakalapit doon ang dalawa upang humingi ng alak. Ako naman ay lulugo lugong napasunod sa kanila. Umupo kami mismong counter kung saan maaari naming maituro ang mga wine na gusto namin. Napakaraming alak sa wine shelf nila. Naalala kong mayroon ding ganitong lugar sa bahay, may isang silid sa bahay nami
Dave POV: Napakalakas ng tunog ng telepono na malapit pala sa ulunan ko. Nahihilo pa akong medyo bumangon para lang sagutin ang makulit na telepono sa pag ri-ring nito. "Hello," sabi ko na pupungas-pungas pa ako. "Hello sir, may mapunta po diyan sa kwarto niyo," sabi ng kausap ko sa kabilang linya. "Ha! bakit daw?" gulat kong sabi sa kausap ko. "sir, may hinahanap po kasi sila, yung anak po noong may event dito kagabi sa hotel yung nag birthday po___" "Oo nga! Ano nga!" galit kong tanong dahil naistorbo ako sa pagtulog ko. Alam naman nila na ayaw na ayaw ko
Annie's POV: Isang agreement ang pinirmahan namin lahat na naroroon. Ako, ang pamilya ko, at pati na rin si Mr. Santivaniez. Maging ang secretary niya at abogado na pinatawag niya. Pinapunta rin niya roon ang dati kong classmate at kaibigan na si Carol. Upang mapagtibay ang usapan at agreement na aming napagkasunduan. Para kasi sa kanya ay iyon na lamang ang pinaka magandang solusyon upang hindi makaladkad pareho sa kahihiyan ang mga pangalan at pamilya namin. Para sa akin ang lahat ng pabor na nakasulat sa papel na pinirmahan namin. Iyon daw ay magiging valid hanggang sa makabalik ako galing America. Siya at ako ay hindi maaring makipag comitmment sa ibang tao liban na lang kung sabihin kong malaya na ang isa sa amin na gawin ang gusto ng bawat isa. Sa araw na makabalik ako.
Dave's Pov: Naisipan kong puntahan ang kaibigang kong doktor, siya ang pinamahala ko sa isa sa mga ospital na kasama sa mga naitayo kong negosyo. Matagal na kaming magkaibigan. Isa siya noon sa mga doktor na gumamot sa akin noong nasa army pa lang ako. Una akong naging U.S army sa L.A bago pa ako nagpasyang maging action star artist dito sa bansang ito. Ngunit sa kalaunan ng aking pagiging artista ay nakita kong hindi naman ako nag-evolve. Hindi maganda ang mga pelikulang nagagawa ko at alam kong hindi magiging tuloy-tuloy ang pagsikat ko. Kaya naman naisipan kong magtayo ng maraming uri ng negosyo. Mula sa mga minana kong kayamanan ng aming angkan at sa mga kinita kong pera. Yumaman ako nang yumaman, hanggang sa maabot ko na ang takdang bilang ng mga kayamanan ko. Marami akong prop
"Hello Joan! Nasaan na ba kayo?! Nandito na ako sa Airport," excited kong sabi sa mga kaibigan kong si Joan at Shiela. Simula nang umalis ako ay hindi naman kami nawalan ng communication nina Joan at Shiela. Kaya ngayong nakabalik na ako dito sa sarili kong bansa ay sila rin ang una kong pinagsabihan. Hindi ko muna pinaalam sa pamilya ko ang pagababalik ko dahil may gusto pa akong gawin ng ako lang mag-isa. May gusto pa akong lutasin nang ako lang sa sarili ko. Isa pa ay nasa tamang edad na ako, hindi ko na kailangan pang pumisan sa mga magulang ko. Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang dalawang naglalakad sa di kalayuan. Si Joan ang may hawak ng cellphone na nakadikit sa kanyang tainga. Narinig ko na sa phone ko ang boses nito.