Share

CHAPTER 38

"Mukhang gutom na gutom na talaga yang kaibigan mo ah, malapit na nya maubos ulam dito sa mesa."

"Mabuti nalang meron pa don sa loob." Dinig ko yong mga pinagsasabi nila sakin pero hindi ko na sila pinakinggan pa.

"Ija gusto mo pa ba ng ulam?" Tanong nong matandang babae sakin.

"H-Hindi na po... okay lang." Saad ko na medyo nahihirapan pang magsalita dahil puno itong bibig ko ng kanin at ulam.

Sobrang sarap pala talaga nitong piniritong isda. Isang beses palang akong nakakain nito, kasama ko si Bellie non, nag prito sya para sakin pinatikim nya ako pero highschool palang kami non.

Hay ewan, mayaman naman kami tapos isda lang eh, isang beses pa akong nakakain. Ayy isang beses lang ba yon? Hindi ko na maalala yong iba pero sigurado ako na ang last kong kain is yong nong kaming dalawa ni Bellie.

Nasa bahay kami non ni Bellie, kami lang dalawa kase nasa trabaho ang daddy nya tapos yong kambal nya naman nandon sa mga kaibigan nakikipag inoman. Mabuti nga yon eh, kase babastosin na naman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status