Share

CHAPTER 14

Hindi umimik si Maverick at hinahabol pa rin nito ang kaniyang paghinga.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Hexy kina Maverick at Aldrin habang nanginginig pa rin at nakakunot-noo.

"Maverick, ano ba? Ano'ng nangyayari? Naguguluhan ako!" Pasigaw na tanong ni Hexy.

Mabilis na lumapit si Maverick kay Aldrin at itinulak ito ngunit nasalo naman siya ni Rio.

"Tell her what you did, as*hole," maawtoridad ngunit nagbabantang sambit ni Maverick sa kaniya.

Hindi naman nakaimik si Aldrin at nakatingin lang ito kay Hexy na parang nag-aalala.

"A-Ano'ng sasabihin mo?"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Hexy habang naghihintay ng sagot ni Aldrin.

"Sasabihin mo, o hindi ka na makakapagsalita ulit?" Sambit ni Maverick at masama ang tingin kay Aldrin.

Hahakbang ulit sana palapit si Maverick ngunit nagsalita si Aldrin.

"I-I'll tell her," wika nito.

Napalunok si Hexy at hindi pa rin inalis ang paningin sa kaniya.

"S-Sinundan ko kayo dati ni Brix. I took a picture of you when he handed you the
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status