Share

CHAPTER 20

Napaawang ang bibig ni Hexy at hindi makapaniwalang nakatingin sa manager nila.

"S-Sir, bakit?"

Hindi niya napigilang mamawis at manginig ang kaniyang mga palad dahil sa gulat.

"I'm sorry, Hexy," tanging sambit ng manager nila.

Napakunot-noo si Hexy at pinigilan ang pagtulo ng kaniyang luha.

"M-Mawalang-galang na, Sir. Dahil po ba sa mga Royale? May sinabi po ba sila sa inyo?" Tanong niya at napakuyom ang kaniyang mga palad.

"It's because you're involved in a scandal that can ruin the image of the restaurant. Pinag-usapan namin 'tong mabuti. The people involved are high-ranking people. We can't afford to lose the restaurant because alam naming kaya nila itong pulbusin," malumanay na sagot ng kaharap ni Hexy.

Mas lalo naman siyang nanginig dahil sa galit at sakit na nararamdaman niya.

"Kaya ako po ang isasakripisyo ninyo?"

Bumuntong-hininga naman ang manager nila.

"I'm sorry, Hexy. This is your last paycheck," wika nito saka iniusog sa harap ni Hexy ang kulay brown na envelope.

"Good
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status