Share

CHAPTER 23

Nagpumiglas siya ngunit malakas ito at hinatak siya papunta sa gilid.

Agad siya nitong binitawan at nanlaki ang mga mata ni Hexy nang makitang si Joaquin iyon at lumilingon-lingon pa ito sa mga lalake sa harap.

Magsasalita na sana si Hexy ngunit binalikan nito ang cellphone ni Hexy na nahulog kanina at kinuha iyon saka ibinalik sa kaniya.

"May kasalanan ka ba sa kanila at nagtatago ka?" Mahinang tanong nito sa kaniya.

Umiling-iling naman si Hexy.

"Mahabang istorya. Dapat makaalis muna sila rito bago ako umuwi."

"Are they dangerous? Gusto mo tumawag ako ng pulis?" Tanong ni Joaquin saka tumingin ulit sa mga lalake.

"H-Hindi. Huwag. Hintayin na lang natin silang umalis. Mukhang hindi naman ako ang pakay nila rito," nanginginig na sambit ni Hexy.

Tumango-tango naman si Joaquin at tumingin sa gawi ng mga lalake.

Ilang sandali pa lamang ay narinig nilang umandar ang sasakyan nila saka umalis doon.

"They're gone," wika ni Joaquin at lumabas sa pinagtaguan nila.

Nakahinga naman nang maluwag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status