"A-Ano'ng sinasabi mo?" Takang tanong ni Hexy at hindi maiwasang manginig ang mga tuhod dahil sa kaba at bahagya siyang napaatras.Napangisi si Vanessa at napalunok si Hexy nang makita niyang biglang nagbago ang itsura nito."Ako, Hexy. Ako ang nakaisip ng lahat ng 'to," nakangiting sambit ni Vanessa.Dahan-dahan namang napailing si Hexy na parang hindi makapaniwala."B-Bakit? Paanong..."Hindi naituloy ni Hexy ang sasabihin at napatingin na lang kay Vanessa."Tama ang sinabi nina Aldrin, sila ang bumuhat sa'yo papunta sa unit ni Brix. But I was the last one to come out of there, because I took off your upper clothes. Nakakatawa nga, eh, dahil hindi ka man lang pinagnasaan ni Brix. You only drank a little, Dinagdagan ko lang ng pampatulog ang ininom mo," sagot nito.Napatakip si Hexy sa kaniyang bibig at namuo ang luha sa kaniyang mga mata.Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Vanessa kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya."I was also the one who told Joyce about you and Brix,
Unti-unting gumalaw ang mga daliri ni Hexy habang nakahiga sa hospital bed, kaya napatingin si Maverick sa kaniyang mukha."H-Hexy?" Nag-aalalang tanong niya nang magmulat ng mga mata si Hexy at sa kisame lang nakatingin.Napatingin ito sa kaniya at hindi agad ito nagsalita."Ano'ng nararamdaman mo?" Malumanay na tanong ni Maverick kay Hexy at hinawakan ang kaliwang kamay nito.Napalunok naman siya at iginalaw ang kaniyang kamay."A-Ano'ng nangyari?" Mahinang sabi niya at biglang napapikit nang makaramdam siya ng hapdi sa kaniyang mukha.May gasa ang kaniyang noo dahil sa pagkakauntog niya sa loob ng sasakyan."Nadisgrasya kayong dalawa ni Shantal. Nasa kabilang kuwarto lang siya," sagot naman ni Maverick.Napaluha naman si Hexy."K-Kumusta siya? Okay lang ba siya?""She's okay. It's good that she slowed down her car before she crashed it into the tree," wika ni Maverick saka hinawakan ang mukha ni Hexy."Si Vanessa, nahuli na ba?" Napatigil naman si Maverick."Hindi pa. Pero hinahan
Ilang segundong hindi nakaimik si Hexy at tila nabingi sa sinabi ni Shantal sa kaniya."A-Ano? Bakit? Paanong...P-Paano namatay si Vanessa?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang magkaroon siya ng lakas ng loob.Habang nanginginig ay sinubukan namang mag-explain ni Shantal."Sumabog ang sinasakyan niya kaninang madaling-araw. B-Binalak daw niyang tumakas matapos siyang mahanap ng mga pulis. She did something again," saad nito.Napalunok naman si Hexy."Ano'ng ginawa niya?""Tinangka raw niyang lasunin si Sir Brandon. She was seen on CCTV at Sir Brandon's house because she went in there," sagot naman ni Shantal.Hindi naman nakaimik si Hexy dahil sa nalaman at sa likod ng galit niya kay Vanessa ay nakaramdam siya ng lungkot at gulat.Biglang tumulo ang kaniyang luha kaya niyakap siya agad ni Shantal."H-Hindi ito ang gusto kong mangyari," umiiyak na sambit niya."I-I know. Wala namang gustong mangyari 'to sa kaniya," saad naman ni Shantal saka hinaplos ang likod niya."Gusto ko pa sana
"P-Po?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hexy at nanlaki pa ang kaniyang mga mata.Tumango naman si Brandon.Napalunok si Hexy at napaiwas ng tingin saka napaisip. Hindi siya makapaniwala sa narinig at nagpaulit-ulit iyon sa kaniyang isip."Vanessa's mother was my first wife. But we are both busy at work. Hindi ko sinadyang saktan si Valerie. And then I had a child with a girl I met, and it was Brix."Ilang segundong natahimik si Brandon saka napatingin sa dalawang kamay na nasa kaniyang mga hita."Takot na takot ako noon dahil mayaman ang pamilya nila. I went back to Valerie, and I admit that I still loved her then. Nagkaroon din kami ng anak, but I don't know what to do," paliwanag ni Brandon.Napatingin naman sa kaniya si Hexy."I can't leave Brix's mother, dahil papatayin nila ako kapag iniwan ko siya. I ended up chosing them, instead of Valerie and Vanessa," dagdag pa nito."Ilang buwan akong nagsustento kay Vanessa, pero pinigilan na ako ng ina ni Brix na makipagkita sa kanila. I
Pilit niyang inaninag ang mukha ng babae dahil madilim ang parte ng sementeryong iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang si Joyce ang nakatayo sa likuran niya."Bakit nandito ka pa? Gabi na, ah?" Sambit ni Joyce."B-Binisita ko lang ang Mama ni Mavs, tsaka tinignan ko na rin ang puntod ni Vanessa," turo ni Hexy sa puntod ng dating kaibigan.Tumango-tango naman si Joyce."Ikaw, bakit ka nandito?" Tanong ni Hexy."I visited my baby, dito rin namin siya inilibing. Gusto ko sanang sa bahay, kaso masasaktan lang ako kapag makikita ko siya," nakangiting sagot ni Joyce ngunit malungkot ang kaniyang mga mata.Hindi naman umimik si Hexy saka ngumiti."I want to apologize for what Brix did to you. Kung alam ko lang na aabot sa ganito ang lahat, sana pumayag na ako dati na dalhin siya ni Tito sa ibang bansa," saad ni Joyce saka umiwas ng tingin."Hindi naman na natin mababawi ang lahat. Nangyari na," wika ni Hexy.Tumango-tango si Joyce.Lumapit sa kaniya si Hexy at tinabihan siya. Pare
Napatigil si Hexy saka pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang tissue.Humarap siya kay Maverick at hindi niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso habang nakatingin sa kaniya."H-Hindi naman siguro," kinakabahang sabi niya habang nanginginig ang kaniyang mga tuhod.Ngumiti naman si Maverick saka lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay."Ayaw mo ba? Kasi ako, gusto ko," mahinang sambit niya habang nakatitig kay Hexy."Gusto ko naman. Pero hindi pa sana ngayon, wala pa akong sapat na ipon, eh," sagot ni Hexy saka napangiti.Niyakap siya ni Maverick nang mahigpit saka hinalikan ang kaniyang noo."Ako naman ang bubuhay sa inyo ng mga magiging anak natin," malambing nitong saad."Nakakapanibago ka naman," natatawang wika ni Hexy."Pero kung sakali mang may baby na tayo, sana kamukha mo," dagdag pa niya saka tumingala kay Maverick."Hindi puwede. Dapat kamukha natin pareho, and hopefully be as smart as you," sambit naman nito.Lumabi naman si Hexy."Grabe. Imagine
Hindi niya alam kung ngingiti siya sa kaniya dahil sa pagkabigla."Don't worry, I'm just here to say hello. I hope you're okay," wika ni Brandon.Ngumiti naman si Hexy sa kaniya."Maayos naman po ako, Sir. Kayo po, kumusta po kayo?""I'm good. Maraming negosyo ang nawala sa'kin, dahil kay Brix. Pero mas mabuting pera ang mawala, than him. He's doing good," sagot naman nito habang nakangiti."Gano'n po ba? Napadaan po kayo?""May meeting ako kanina diyan sa malapit. I decided to pass by here, then I saw you. Hindi ko alam na birthday mo ngayon, nakita ko lang na may hawak kang cake ang gifts, kaya nag-assume ako," natatawang sambit ni Brandon.Hindi naman umimik si Hexy at napangiti lang sa kaniya."Kung hindi lang nawala si Vanessa, makakabawi pa ako sa kaniya sa mga events sa buhay niya," biglang malungkot na sabi ni Brandon."Puwede niyo pa rin namang bisitahin si Vanessa sa puntod niya. Siguro ay matutuwa po siya," saad ni Hexy.Tumango-tango naman si Brandon."Mauna na ako, ha? Ma
Mabigat ang pakiramdam ni Hexy habang nagmumulat ng kaniyang mga mata.Agad niyang nakita sa gilid ng kama si Blessie habang nakatingin sa kaniya.Hindi pa man nagsasalita si Hexy ay lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang noo niya upang suriin kung mainit pa siya."Nahimatay na naman po ba ako?" Nahihiyang sambit ni Hexy saka tumingin kay Blessie."Oo. Ilang oras ka na ring tulog. Sana sinabi mong masama ang pakiramdam mo. Joaquin told me that you are not okay since yesterday," malumanay nitong sagot saka naupo sa gilid niya.Napahawak naman si Hexy sa kaniyang ulo."Nasaan po ba ako?"Tumingin siya sa kabuuan ng kuwarto at hindi iyon pamilyar sa kaniya."Nandito ka sa private room ko dito sa restaurant," sagot ni Blessie saka tumayo.Napatigil naman sila nang bumukas ang pintuan kaya napasilip agad si Hexy at umasang si Maverick iyon."You're awake. Nagdala na ako ng pagkain para makakain ka. Ang taas ng lagnat mo. Mas hot ka pa sa araw," pagbibiro ni Joaquin sa kaniya saka inilapag