Share

CHAPTER 62

Napalunok si Hexy nang makitang seryoso si Maverick kahit hindi magkasalubong ang mga kilay nito.

Dumating siya kasama ni Donna at tatlo pang tauhan nila.

Halata namang nagulat si Donna sa sinabi ni Maverick. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kina Maverick at Hexy.

Napangisi naman si Joaquin sa hindi kalayuan habang tinitignan ang reaksyon ni Donna pati na ang mga nakikinig.

Luminga-linga si Hexy at napansing lahat ng mga guests nila ay nakasuot ng office attire.

"Ibig sabihin..."

Hindi niya naituloy ang sasabihin at namasa na naman ang kaniyang mga palad nang ma-realize na mga empleyado iyon nina Maverick.

"What are you waiting for? Tapusin mo na ang kinakain mo, dahil tapos ka na rin sa trabaho mo. Kayo rin," turo ni Maverick sa kasama ng lalake.

Napanganga naman si Hexy.

"And you," baling ni Maverick sa babaeng nanulak kay Hexy kanina.

Nanlaki naman lalo ang mga mata nito nang ituro siya ni Maverick.

"P-Po?"

"I know what you did to my girlfriend. The four of you, arrange your things
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status