Share

CHAPTER FORTY-SIX

Ngayon na ang dating ni Mama, masaya ako na may halong kaba dahil sa wakas makikita na namin siya ulit makalipas ng tatlong taon ngunit alam naming lahat na kaya lang siya uuwi dahil sa iskandalong ginawa ni Dana.

Mayroon kaming bahay sa Batangas Province malapit sa mga private beaches roon, at doon balak tumuloy ni Mama pagkagaling niya sa airport.

Kasalukuyan akong nasa biyahe at si Stefan ang nagmamaneho dahil gusto niya raw na malaman at makita ang eksaktong lugar ng bahay kung saan ako namalagi noong buhay pa si Papa.

"Are you excited?" tanong niya habang ang atensyon niya ay nasa daan.

"Yeah, it's been years since I saw my Mom," sagot ko na ikinatango niya.

"Alam ba niya 'tong misyong pinasok mo?" panguusisa niya pa ngunit umiling ako.

"She has no idea, dahil umalis siya kaagad ng bansa after what happened to Papa," sagot ko.

"I wish I could show my face in front of her, pero siguradong mag-hi-hysterical siya kapag nalaman niyang anak ako ni Charley Solevan," mapait niyang saad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status