Share

KABANATA 26

NANG makauwi na sina Marco at Athena ay agad namang nagluto si Athena ng sinigang na baboy habang nagsasaing si Marco. Si Aling Belen naman ay gusto sanang tumulong pero sinabihan siya ng dalawa na umupo na lamang at maghintay.

Walang nagawa ang matanda kaya bumalik na lang siya sa sala habang nanonood ng TV. Hindi rin naman nagtagal ay natapos na magluto si Athena at luto na rin ang kanin na sinaing ni Marco at agad naman nitong tinawag ang Mama Belen niya upang kumain na. Sakto namang tapos ng ihanda ni Athena ang mesa at naihain na ang ulam at kanin na kakainin nila para sa hapunan.

Habang kumakain ay nagkwe-kwento si Athena si Mama Belen ng mga alaala niya noong maliit pa sina Marco at Athena.

“Ang bilis talaga ng panahon ano?” simula nito, “noon ang liliit niyo pa pero ngayon ang lalaki na, at itong si Marco ay mas mataas pa sa akin.”

“Syempre naman po Ma!” nakangiting tugon naman ni Marco.

“Hmmm, tagal mo ngang mo di umuwi dito akala ko kinalumutan mo na rin ako.” napaismid
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status