PAGKATAPOS tapusin ni Mikael ang tawag ay agad siyang napasandal ng likod niya sa kanyang upuan sa likod ng sasakyan. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagbigay ng instructions sa kanyang driver na ihatid siya sa bahay nila ni Athena. Agad namang pinaandar ng driver nito ang sasakyan at tuloy-tuloy na ang direksyon patungo sa bahay nila ni Athena. Nang huminto na ang sasakyan ay agad namang ininform ng driver si Mikael na dumating na sila sa tapat ng bahay nila ng asawa nito. Agad namang nagmulat ng mga mata si Mikael at hindi na hinintay pa ang driver niya na pagbuksan siya ng pintuan, bumaba at lumabas na ito kaagad ng sasakyan. Pero gayun pa man ay bumaba pa rin ang driver gaya ng nakagawian nito. Pagkababa naman ni Mikael ay nagbigay kaagad ito ng habilin sa driver niya. “ Bumalik ka na kina Lolo at hindi mo na rin kailangan pang bumalik dito upang sunduin ako.” Seryoso ito at agad namang napayuko ang driver at sumagot, “ masusunod po, sir.” Pagkapasok ni Mikael sa bahay ni
NARINIG pa ni Mikael ang paghikab ni Athena sa kabilang linya bago siya sinagot nito. “Sinabi ko naman sa iyo na hindi ko iyan kailangan at nag withdraw lang ako ng 100k pesos pero hiram ito at ibabalik ko rin pag naging stable na rin ang aking sitwasyon.”“Hindi mo naman kailangan bayaran iyan, isa pa pera mo ang nasa loob ng account na ito, “ sagot naman ni Mikael sabay hilot ng batok nito, “you know what just send me your bank account number and I will transfer you the money from this card.” Nakaramdam ng guilt si Mikael sa kanyang systema. Naisip niya na mas mabuting kunin ni Athena ang pera na napagkasunduan nila sa kontrata at baka sakaling maibsan o mabawasan ang guilt na kanyang nararamdaman sa ngayon. “No. Hindi ko kailangan ang ganyang kalaking pera at sinabi ko na rin iyan sa iyo ng paulit-ulit. Maraming salamat na lang sa magandang pakikitungo mo sa akin sa loob ng halos tatlong taon at halos nakalimutan kong sabihin sa iyo ng huli tayong nagkita, na pakisabi kay Lolo
Five Years Later…MASAYANG naglalakad ang mag-iina habang papunta ng departure area ng airport sa NAIA. Matagal na panahon rin bago nakabalik si Athena sa bansang kung saan siya lumaki, nagkamulat, naging masaya at nasaktan pero sa kabila ng lahat ay masaya siya sa mga naging desisyon niya. Limang taon rin ang kanyang ginugol upang makapag pundar ng sariling negosyo at maging prominente sa buhay. Hindi naging madali pero salamat sa kanyang determinasyon at sa dalawang anghel na kasa-kasama iya ngayong lumalabas sa departure area ng airport. Dala-dala niya ang kanyang channel sling bag habang sa magkabilang kamay niya ay ang kanyang mga anak na sina Lily at Luca na magkaparehong 5 years old na. Alam niyang buntis siya ng kambal pero di niya inaasahan na fraternal twins ang dalawa kaya mas lalong nagalak si Athena ng makita niya ang mga anak niya noong bagong silang ang mga ito. Naka jeans at white v-neck t shirt lang si Athena. Sa loob ng limang taon ay mas lalong gumanda ang hubog
KABADO at kanina pa hindi mapakali ni Athena.Mabilis ang bawat pintig ng kanyang puso. Nag-iisip siya ng kung ano-ano habang naghihintay sa resulta ng kanyang test. Hanggang sa biglang pinatawag na ang pangalan niya ng assistant ng Doctor na nag check up sa kanya. “Mrs. Ruiz!” tawag nito sa pangalan niya. Agad namang sumagot si Athena sabay taas ng kaliwang kamay nito para makita siya ng assistant ng Doctor. “Nandito ako, Miss.”“Sige po, tuloy na po kayo Mrs. at hinihintay na po kayo ni Doc para sa resulta ng test mo.”“Umm, salamat.” nakangiting sagot ni Athena sa assistant ng Doctor bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto nito na kung saan ang tanggapan ng mga pasyente nito.Pagkapasok pa lang ay agad na bumungad sa kay Athena ang nakangiting mga labi at maliwanag na mukha ng Doctor sa kanya. “Hello Mrs. Ruiz, upo po kayo.” pagbati ng Doctor. Agad namang tumungo si Athena sa upuan na nasa harap ng table ng doctor. Komportableng umupo si Athena at ng maayos na ay agad siyang ng
"WALA akong balak na pakasalan ka ngunit si Lolo ay nagpupumilit,may kung anong pagbabanta ang ginawa nito at ayaw ko namang atakihin siya sa puso ulit kaya wala akong magawa, kaya heto at pumayag ako sa gusto niya since naiintindihan ko naman ang rason niya at di ko kinakaila na malaki ang naging utang na loob ng aming pamilya sa Lolo mo kaya.” Tahimik lang si Athena at pino proseso ang bawat katagang binibitawan ni Mikael habang patukoy ito sa pagsasalita.“At sa tingin ko naman hindi magiging problema iyon sa iyo o sabihin na lang natin kahit alang-alang nalang sa Lolo ko at sa Lolo mo.” Napailing ng ulo si Athena ng bahagya at diretsong tiningnan si MIkael dahil hindi niya ata naintindihan ang ibig sabihin nito.“Pa-pasensiya na pero hindi ko maintindihan paano na involve si Lolo dito.”Tumayo ng tuwid si Mikael at mas lalong lumapit pa kay Athena, si Athena naman ay napaatras hanggang sa naramdaman niya ang likod niya sa pader. Nakailang beses siyang napalunok ng laway sa sobra
NAGSIMULA ang pagbabago isang taon matapos magpakasal ang dalawa, isang gabing, dumating si Mikael na sobrang lasing. Halatang naparami ang inom nito ng alak. Nagulat na lang si Athena ng makita niya ang sasakyan ni Mikael na huminto sa labas ng gate nila at nag doorbell ito. Nagkataon na nakadungaw si Athena sa may bintana dahil sa hinihintay niya ang pag uwi ni Mikael. Mabilis na lumapit si Athena upang pagbuksan ng pinto ang drayber na akay-akay ang lasing na si Mikael.Agad naman niyang iginiya ang drayber patungo sa kwarto kung saan si Mikael natutulog habang alalay pa rin nito si Mikael. Nagbigay suporta rin si Athena sa pagpapahiga kay Mikael sa kama at ng matapos ay nagpasalamat si Athena sa drayber sa pagtulong nito at agad naman itong umalis.Tumingin si Athena sa kay Mikael na nakahiga sa kama, hindi niya mapigilang di lumapit at pagmasdan ito at habang ginagawa niya iyon ay napansin niya na basa ito ng pawis kaya naisip niyang palitan ito ng damit. Una niya munang inalis
NANG dumating si Athena sa ancestral house ng mga Ruiz , ay nadatnan niya lang ang isa sa mga katulong na kasalukuyang naglilinis sa harapan ng malaking bahay, "Magandang gabi po Maam.” bati nito sa kanya. “Good evening din po, nandyan ba si Lolo at sina Mama at Papa?” tanong naman ni Athena dito.“Uhm sina Maam at Sir po ay umalis pero si Don Simplicio po ay nasa loob Maam nasa study room niya po.” “Ah okay, sige salamat at didiretso na lang ako kay Lolo.”Ngumiti ng bahagya si Athena sa katulong at tuluyan na ring pumasok sa loob ng bahay. Pumunta si Athena sa study room ni Don Simplicio at ng nagkataon na nakabukas ng bahagya ang pintuan nito kaya sumilip siya ng kaunti sabay katok sa pintuan. Narinig at nakita kaagad ni Don Simplicio si Athena sa may pintuan na sumisilip kaya agad niya itong niyayang pumasok. Lubos naman ang kasiyahan ni Don Simplicio habang lumalapit si Athena sa kanya. "Nandito ka pala apo. Halika dito, mag-isa ka lang ba at hindi ba't sumama si Mikael sa'
"BAKIT naman siya uminom nang sobra-sobra? May problema pa naman siya sa tiyan niya nakaraang dalawang araw, medyo mas maayos na ngayon." nagtatakang tanong ni Athena."Uh... alam mo kasi pag sobrang masaya siya umiinom talaga iyan ng marami, huwag kang mag-alala sa susunod pagsasabihan namin." Casual na sagot ni Sandro para maiwasan niyang sabihin ang totoong dahilan.Tapos nakita ni Sandro ang kunot na noo ni Athena at seryoso itong nakatingin sa kay Mikael habang inaayos nito ang suit na halos nagusot na at pinapatayo kaya agad naman na lumapit si Sandro para tulungan si Athena na akayin si Mikael."Athena , nagmamaneho ka naman siguro ano, kasi hindi ako pwedeng maghatid sa inyo ngayon at ito ang susi ng kotse ni Mikael." sabi ni Sandro sabay bigay ng susi ng sasakyan ni Mikael sa kay Athena."Oo marunong ako, isa pa sumakay ako ng taxi papunta dito kaya, ako na ang magmamaneho pauwi huwag kang mag-alala.""Mabuti naman kung ganun, okay, sige tulungan na kitang isakay siya sa sasa