Share

69. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

Mas lalong naging mahirap ang sitwasyon niya dahil kahit sa kanilang bahay ay dinudumog na siya ng mga reporters. Hindi na siya nakakatulog dahil lumaki ang issue tungkol sa bintang sa kanya at kahit saang balita ay laman siya.

Sinabi na niya kay Zandro ang gustong mangyari ni Troy. Pero hindi niya ito nakitaan ng pagkagulat— Na para bang alam na nito ang tungkol sa bagay na ‘yon.

“Ito ang JKT news channel nagbabalita. Pumanaw na ang batang babae na inabuso at sinaktan ng isang guro. Ayon sa mga doktor ay tuluyan ng bumigay ang katawan nito at ngayon nga ay pumanaw na—“

Nanginig ang katawan niya sa pagkabigla at nabitiwan ang basong hawak.

“D-Diyos ko!” Tinakpan niya ang bibig at saka malakas na napahagulhol. Agad na lumapit sa kanya ang mama niya at dinaluhan siya. “M-Ma, si-si Shiela, w-wala na po siya!”

Parang piniga ang puso niya sa sakit. Tanggap naman niya kung sakali na hindi ito magbigay ng statement para tulungan siya— Isa lang ang gusto niya, at iyon ay guma
SEENMORE

This story is TRAPPED SERIES#3

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status