Seenmore 🫶♥️ TRAPPED SERIES#3
[Samantha] Mas lalong naging mahirap ang sitwasyon niya dahil kahit sa kanilang bahay ay dinudumog na siya ng mga reporters. Hindi na siya nakakatulog dahil lumaki ang issue tungkol sa bintang sa kanya at kahit saang balita ay laman siya. Sinabi na niya kay Zandro ang gustong mangyari ni Troy. Pero hindi niya ito nakitaan ng pagkagulat— Na para bang alam na nito ang tungkol sa bagay na ‘yon. “Ito ang JKT news channel nagbabalita. Pumanaw na ang batang babae na inabuso at sinaktan ng isang guro. Ayon sa mga doktor ay tuluyan ng bumigay ang katawan nito at ngayon nga ay pumanaw na—“ Nanginig ang katawan niya sa pagkabigla at nabitiwan ang basong hawak. “D-Diyos ko!” Tinakpan niya ang bibig at saka malakas na napahagulhol. Agad na lumapit sa kanya ang mama niya at dinaluhan siya. “M-Ma, si-si Shiela, w-wala na po siya!” Parang piniga ang puso niya sa sakit. Tanggap naman niya kung sakali na hindi ito magbigay ng statement para tulungan siya— Isa lang ang gusto niya, at iyon ay guma
[Samantha] “Ano ang ginagawa mo ditong impakta ka?” Gigil na tanong niya. Kung abot lang niya ito ay kanina pa niya hinila ang buhok ng babaeng ‘to. Mas lalo lang siyang nagngitngit sa galit ng matinis pa itong tumawa— Ibang-iba talaga ito sa Mila na kilala niya noon. “Gusto ko lang naman makita kung ano ang lagay mo dito sa loob.” Luminga pa ang babae sa paligid at saka marahan na tumango-tango. “Mukhang bagay ka naman pala dito.” “Gagà! Mas bagay ka ditong sinungaling ka!” Hindi siya palamurang tao— Pero kapag ang plastik na babaeng ito ang kaharap niya ay mapapamura yata siya ng sobra. “Ang kapal ng mukha mong dalawin ako dito. Eh ikaw ang dahilan kung nandito ako. Hindi ka lang makati, sinungaling ka pa!” Galit na lalapitan sana siya nito pero pinigilan ito ni Troy. “Maghinay-hinay ka sa pananalita mong babae ka—“ Pagak niya itong tinawanan. “Bakit? Ano ang kinagagalit mo sa dawalang sinabi ko? ‘Yong malandi ka, o makati ka?” “Púta ka—“ “Mas púta ka!” Galit niyang putol r
[Samantha] "Walanghiya ka!" Inis na inis niyang pinaghahampas si Zandro ng alisin nito ang piring niya sa mata. "Halos mamatay na siya sa takot dahil sa pag aakalang si Troy ang nag utos sa dalawang pulis na kunin siya sa loob. "Gusto mo bang mamatay ako sa takot." Nagsimula na siyang mapahikbi. "B-Bakit ngayon ka lang... k-kanina pa ako naghihintay sa'yo." Lumambot ang ekspresyon ni Zandro ng makitang umiiyak na siya. Agad siya nitong niyakap at kinulong sa bisig nito. "I'm sorry, darling. Kinailangan kong umisip ng plano para matapos na ang lahat ng ito." "Z-Zandro, ayaw kong makulong." Natigilan siya ng may maalala. "Sa tingin ko ay may kinalaman sila Mila at Troy sa nangyari kay Shiela. Kasabwat nila ang janitor... P-Please, pagbayarin mo sila sa ginawa nila." Pagmamakaawa niya sa nobyo. Naalala niya ang nakangiting mukha ni Shiela kaya lalo lang siyang naiyak. Dahil sa kanya ay nadamay ito. Dahil sa kanya ay nasira ang mga pangarap nito.. Pero ang higit na may kasalanan ay
[Samantha] Nagliwanag ang mukha niya sa narinig. Nagmamadali siyang tumayo. Halos mapaiyak pa siya sa sobrang saya. Makikita na niya ang mga taong mahal niya. “Sumama ka sa amin, Miss Samantha. Ihahatid ka na namin.” Natigilan siya. Biglang naging mabuti ang pakikipag-usap at pakikitungo sa kanya ng tauhan ni Troy. Binalewala nalang niya ‘yon at sumunod dito. Pagdating sa bahay nila ay agad siyang sinalubong ng yakap ng mama niya, maging ang tito at tita niya ay narito. Si Pablo ay tuwang-tuwa din. “Ang laki ng pinagbago ni Troy.” Natigilan siya sa sinabi ni Pablo. “Hindi naman siya dating ganyan.” Umiiling na wika ni Pablo, baka ang pagkadismaya sa mukha nito para sa kaibigan. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Hinahanap ng mata niya si Zandro. “Ma, si Zandro?” Nakaramdam siya ng kaba ng isa-isang nagsialis ang ilang kaanak nila sa bahay nila na para bang aya sagutin ang tanong niya. Mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya ng makita kung paano lumungkot ang mukha ng mam
[Samantha] Hindi siya sumuko. Hinanap niya si Zandro pero tatlong araw na pero hindi niya ito nakita. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya nang ulo. Naninikip ang dibdib niya sa sakit parang pinapatay ang puso niya. “Anak, kumain ka na. Kailangan may lakas ka para sa pagharap mo sa bukas. May dahilan si Zandro kaya ginawa niya ito—“ “Dahilan?” Humihikbing tumingin siya sa ina. “Ma, naman… hindi pa naman tapos ang kaso ko. May laban pa ako pero hindi niya hinintay ‘yon.” Pinahid niya ang luha at pumasok sa kwarto niya. Nangako ito sa kanya na hindi aalis sa tabi niya. Na hindi siya nito iiwan. Pero nasaan ito ngayon? Oo, ayaw niyang makulong. Inaamin niya na natatakot siya. Pero hindi niya hiniling na ipamigay siya nito sa iba kapalit ng kalayaan niya. Mas nanaisin niyang magtiis muna sa loob ng kulungan at maghintay na lumabas ang katotohanan kaysa ang mawala ito sa kanya. Lalo siyang naluha sa singsing na nasa ibabaw ng tokador niya. Bago umalis si Troy ay sapilitan nitong i
[Samantha] Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ina na para bang kanina pa siya hinihintay. Umiiyak na yumakap siya rito. Hindi ito nagtanong, o nagsalita, hinayaan lang siya ng ina na umiiyak na parang bata sa dibdib nito. Lahat nalang ng lalaking minahal niya ay sinasaktan siya. Sana pala ay hindi nalang niya ulit pinapasok si Zandro sa buhay niya kung alam lang niya na sasaktan siya ulit nito. Lalong nadagdagan ang bigat ng kalooban niya ng kinagabihan ay dumating si Troy para dalawin siya. Nakangiting hinarap ito ng mama niya. Alam niya na napipilitan lang ito na ngitian ang binata. Nakakabwisit naman kasi ang ugali ni Troy. Malayong-malayo dati. Kung dati ay parang gentleman pa, ngayon ay wala na itong kagalang-galang. Mayabang na pinatong ni Troy ang paa sa maliit nilang mesa at saka sumenyas. “Hindi ikaw,” Sabi nito sa kanyang ina ng lumapit ito. “Si Samantha ang pinapalapit ko.” Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. ‘Bahala ka sa buhay mo.’ Isip-isip niya. “I’m callin
[Samantha] Walang kabuhay-buhay na nakatingin siya sa wedding dress na nasa kahon. Kung kay Zandro ito galing ay baka nagtatalon pa siya sa tuwa habang isinusukat ito. Kaso galing ito sa demonyóng si Troy. Lumabas siya ng bahay para magpahangin at para gumaan sana ang bigat ng dibdib niya. Pero nakita niya si Mila kaya mas lalo lang siyang naimbyerna. Kasama ito ni Troy habang todo ngising nakatingin sa kanya na tila inaasar siya. Kung wala lang si Troy ay baka nasapak niya ito sa mukha. Gusto niyang iiwas ang mukha nang hahalikan siya ni Troy, pero hinawakan nito ang pisngi niya ng madiin at tumingin sa kanya ng may pagbabanta, kaya naman si Mila ay lalong napangisi. Parang tuwang-tuwa pa ito sa ginagawa sa kanya ni Troy! Nakakakilabot ang dalawang ‘to. May relasyon ang mga ‘to pero ayos lang sa kanila na makitang may kinakalantari ang isa’t isa. Ano bang klaseng pag iisip ang mayro’n ang dalawang ‘to? Nagtataka siya dahil kahit ikakasal na sila ay walang pamilya ni Troy mal
[Samantha] Dama niya ang kilabot sa buo niyang katawan. Sa tuwing tatawagin siya nitong ‘Love’ ay kinikilabutan talaga siya sa hindi malamang dahilan. O baka dahil iyon ang tawag sa kanya noon ni Jc, at magkaboses na silang dalawa. Tumingin sa mukha niya ang binata habang inilalagay sa likod ng tenga niya ang buhok niya. “Nakakatuwa namang marinig na bukal na sa loob mo ngayon ang pagsilbihan ako. I like that, Samantha, natututo ka na at alam mo na ang dapat mong gawin para mapabuti ka.” Bumulong ito sa tenga niya sa nakakatakot na paraan. “Dahil sa suwayin mo ako ay hindi na ako mangingiming gawin ang plano ko sa’yo… Oo, baliw ako sa’yo pero mas baliw ako sa pera.” Anito sabay halakhak ng malakas. Sumenyas ito sa tauhan na bitiwan na si Pablo. Nahintakutan siya ng isakay siya ni Troy sa sasakyan nito. “Saan mo ako dadalhin?” “Sasamahan kitang mamili. Hindi ba’t ginagawa mo ‘yan para sa akin?” Nginisihan siya nito ng makitang natigilan siya. Mukhang hindi nito kinagat ang sinabi