Share

67. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

Kinabukasan ay nabigla siya dahil maraming tao ang dumating sa bahay nila. Karamihan ay kamag anak at malalapit na kaibigan ng pamilya nila. May kanya-kanyang dalang putahe ang mga ‘to at mayro’n din nagdala nang alak.

“Samantha, marami man ang nanghuhusga ngayon sa’yo, wag mo kalimutan na marami pa rin kaming naniniwala sayo.” Wika ni Manang Nimpa. “Kahit bihira lang kayo magbakasyon dito noon ay naniniwala kami na mabuti kang bata. Mabuting tao ang mga magulang mo kaya kanino ka pa ba magmamana?

“Tama si Manang Nimpa, Samantha.” Singit ni Jennilyn. “Kaya magpakatatag ka dahil may mga taong naniniwala sayo.”

Sobrang umaapaw ang puso niya sa tuwa ng marinig ang mga payo at pagpapalakas ng loob ng mga ito sa kanya. Sa kabila ng panghuhugas at pag aakusa sa kanya ay mayro’n paring mga tao na naniniwala sa kanya.

Umupo sa tabi niya si Jennilyn at bumulong. “Ano, kamusta na ang relasyon niyo ni Zandro?” Tonong tsismosang tanong nito. “Alam mo ang swerte mo sa kanya kasi mah
SEENMORE

♥️🫶

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status