Share

HIS LOYAL WIFE 2

Galit na galit nga sa akin ang asawa ko ng gabing 'yon. Nagkasagutan kami at sa huli ako ang talo dahil nakita niya ang ginawa ko kay Berta.

Ang masakit lang kasi mali ang taong kinampihan niya. Ako 'yong asawa pero hindi niya man lang inalam ang totoo. Wala naman siguro ang mababago kapag nalaman niya ang pambabastos na ginagawa sa akin ni Berta baka nga sabihin niya pa na; Well done, Berta.

Hinatid kami ni Manang sa labas ng gate kung saan naghihintay ang taxi na ne-rent ko. Iyong driver kasing ibinigay sa akin ni Z katulad rin ni Berta halos silang dalawa ang magkasundo. 

Ayokong makasama 'yong mga taong mapanghusga at masama ang tingin sa akin.

Isa pa baka kung ano pa ang sabihin no'n kay Z na mas lalong ikakagalit no'n sa akin.

“Oh, mag-iingat kayo ah? Tsaka, mamaya ayusin niyo na rin 'yong problema niyo ni Sir.”

Tumango lang ako kay Manang bago sumakay sa taxi na pinagbuksan mismo ng driver. Sinabi ko sa kaniya ang buong pangyayari at may tiwala ako sa kaniya na para nga siyang pangawalang Nanay ko. Pagsasabihan niya daw si Berta para hindi na maulit ang nangyari sana naman magpasabi si Berta.

Wala naman kaso sa akin kung ayaw nila sa akin na pagsilbihan nila well at least kaunting respeto naman bilang asawa ng boss nila.

“Ma'am, nandito na ho tayo.”

“Maraming salamat, Manong!” Ibinigay ko ang bayad bago bumaba. “Ma'am! Sobra ho ito.”

“Sinadya ko po talagang may sobra dahil nakarating kami ng ligtas ng baby ko.”

“Naku! Maraming salamat, Ma'am! Makakabili na ako ng gamot ng anak kong may sakit! Sana ho madami pa akong maisakay na katulad niyong mabait.”

Napangiti ako ng makita ang saya sa labi ni Manong. Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong sa ibang tao kahit sa maliit na halaga.

Isa na akong Ina kaya ng banggitin niya ang tungkol sa anak niya nag-alala agad ako. Tinanong ko pa nga siya kung ilan pa ang kailangan niya pero sapat na daw ang ibinigay ko.

“Gusto mo bang mag play, baby Zy? Hm...” Pinanggigilan ko ang pisngi nito. “Ang gwapo naman ng baby na 'yan, eh. In love si Mommy!”

Bakit hindi ako maiinlove sa mukha ng anak ko eh kamukha-kamuha niya ang gwapo niyang Daddy. Nakakatampo nga kasi ako nagdala ng nine months tapos kamukha lang ng Daddy. Hmp!

Dinala ko sa nursery playgrounds sa mall. Isang makulay at talagang magugustuhan ng mga baby. Linggo ngayon, katulad ng sinabi ni Z hindi siya sasama kaya kaming dalawa lang ni Zy.

Isa pa wala na rin siya ng magising kami sabi ni Manang maagang umalis dahil may tatapusin sa opisina eh kapag usapang opisina wala naman akong laman doon.

Hindi ko na siya pinagkaabalahang tawagan o i-text na lumabas kami ni Zy. Unang-una, humindi na siya at pangalawa, galit siya sa akin.

Iba't-ibang activity for baby ang nandito ang pinakanagustuhan ko 'yong karera ng mga baby sa paggapang. Months from now sure akong makakasabay na din dito si Baby.

Pagkatapos sa nursery playgrounds room. Naglunch ako sa restaurant na nandoon lang din sa mall. Madami-daming tao sa loob ng restaurant pero hindi nakaligtas sa mata ko si Z na naglalakad sa labas ng restaurant kasama si Obrey at ang baby nila.

Si Obrey Rellosa ay long time girlfriend ng asawa ko at ang sabi pa ni Berta ito rin ang First love ni Z kaya kahit na mag-asawa na kami si Obrey pa rin ang pipiliin nito.

Ang totoo kasi niyan sa isang party lang kami nagkita ni Z. Birthday ng Uncle kong Senator kung saan imbitado lahat pamilyang kilala sa lipunan. Mga politiko, negosyante o maging artista. Maliban sa kilala siya sa lipunan, isa rin siya libo-libong inaanak ni Uncle.

Uminom lang naman ako ng gabing 'yon dahil sa nahuli ko ang boyfriend ko na kasipping ang matalik kong kaibigan na si Kayla. Ang kapal pa ng mukha nila na magpakita sa party ng Uncle ko at kung kaya niyang ipagpalit ang limang taon pagsasama kaya ko rin.

Si Z ang lalaking nakakuha ng attention ko ng gabing 'yon habang nag-iinom sila ng Uncle. As in, para akong kalapating mababa ang lipad na umaaligid sa kaniya.

Sa kalasingan ko may nangyari sa aming dalawa pero sigurado akong hindi lang ako lasing dahil hindi niya ako papatulan kong nasa matino siyang pag-iisip na alam niyang may nobya siya.

Nang magising ako. Nasa sofa ako kung saan dinaos ang event yakap si Z tanging coat ni Z ang saplot sa katawan ko at mas ikinagulat ko pa si Uncle nasa couch lang din sa harapan namin!

Gulat na gulat talaga ako ng araw na 'yon, inatake pa ng high blood si Uncle sa kakaalala kung paano nangyari na ikinasal niya kami ng gabing 'yon!

Bago pa naging Senator ang Uncle ko ay isa rin itong abogado at may sariling law firm. Ang mas masaklap, hindi nagustuhan ni Z ang nangyari well, sino ba namang gugustuhin 'yon?

Gusto naming ma-annual kamo bago pa malaman ng mga pamilya namin. Lalong-lalo na si Z na may fiancee siya at naghihintay na lang silang maikasal.

Si Uncle rin ang nag-process ng annulment dahil siya din ang may kagagawan! Nang una nahirapan kaming kumbinsihin siya na ipawalang bisa ang kasal namin dahil may nangyari sa amin ni Z.

Pamangkin niya ako at inaanak niya si Z kung maari ayaw niyang may madihado sa aming dalawa dahil kung meron man ay ako 'yon dahil siya ang naka-una sa akin.

Isang araw nagising ako na duguan ako, akala ko menstruation pero doon ko nalaman na buntis ako!

Si Uncle ang una kong sinabihan no'n dahil hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa magulang ko ang ginawa kong kagagahan. Hindi ko naman akalain na ang araw na malaman kung buntis ako ay araw ng kasal ni Z kay Obrey at si Uncle pa mismo ang tumutol at dala-dala ang marriage certificate namin ni Z.

Nang pumutok ang balitang 'yon naging masama ako sa tingin ng lahat. May iba rin naman na nagsasabi na si Z ang masama dahil may asawa na siya pero magpapakasal pa sa iba!

'Yong kaibigan kong si Kayla, imbes na humingi ng tawad sa ginawa niyang pag-agaw sa ex ko siya pa ang unang nagpalabas na gawain ko daw talaga ang mang-agaw ng lalaki dahil muntik ko na sa kaniyang maagaw ang ex ko!

Sympre, pinaniwalaan si Kayla dahil isa siyang sikat na artista samantalang ang ex ko naman ay isa siyang singer! Pareho silang sikat kaya napakadali lang sa kanila na bitbitin ang pangalan ko sa kahihiyan dahil isa lang akong anak mayaman na tambay sa bahay!

Itinakwil akong parents ko dahil sa kahihiyan at kung hindi man may nang-iwan sa akin ay si Uncle Senator 'yon. Marahil, guilty rin siya sa nangyari dahil sa harapan niya kami pero hindi niya sinaway.

Si Uncle ang nagdecide na magsama kami ni Z para sa ikakabuti namin dahil magkakaanak kami pero mabilis na umayaw si Z dahil pakakasalan si Obrey dahil dinadala nito ang anak niya!

Binantaan ni Uncle si Z na ipapakulong sa isang kurap mata inuwi niya ako sa bahay niya dahil wala na akong mapupuntahan pa dahil kinalimutan na ako ng pamilya ko.

Ilang beses ko pang tinanong si Uncle kung anong kaso ang isasampa niya kay Z kung sakaling iwan niya ako. Ako na ang gagawa pero hindi sinabi ni Uncle at confidential. Impossible naman kasing rape dahil ginusto naman namin pareho.

Iyon rin ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin sina Berta at kung bakit mas gusto nila si Obrey kaysa sa akin.

Limang buwan ang tanda ng anak ni Obrey sa anak ko katulad ng anak ko lalaki rin ito at Oliver ang pangalan.

Kusang tumulo ang luha ko. Ang sarap kasi nilang pagmasdan ang sakit naman sa dibdib ko. Hindi siya sumama sa amin at ngayon alam ko na si Obrey ang tumawag sa kaniya ng nag-uusap kami no'n.

Kompleto silang pamilya. 'Yong mga ngiti ni Z hindi ko makikita kung hindi niya kasama ang mag-ina niya. Halatang mahal na mahal niya ang anak nila ni Obrey. Walang minuto na hindi niya ito hinahalikan at kung titigan niya ito para kumikinang ang mga mata niya.

Si Obrey naman namimili ng mga gamit ni Oliver sympre nandito kami sa nursery store. Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-dami ng nursery store dito ko pa na isipang pumasok at bilhan ng gamit ang anak ko.

“Ma'am, are you okay?”

Nilingon ko ang sales lady na nakasunod sa akin. Masyado na akong nalilibang sa panunuod. Nahihiyang pinunasan ko ang pisngi ko at tiningnan ang cart na dala ko which is tapos na akong mamili sadyang napako lang ako ng pumasok sila Z.

“Yeah, napuwing lang ako.”

Nagulat ang sales lady, well, sino bang hindi na nasa malinis na store ka mayroong ganu'n? Hindi naman nagtanong pa ang sales lady at in-assist niya ako hangang counter.

Nang makapagbayad ay mabilis kong kinuha ang pinamili ko upang makaalis na sa store dahil ayoko na makita niya pa kami. Lalo lang siyang magagalit dahil hindi niya alam na umalis kami sa bahay.

“Ma'am Mary!”

Napako ako sa harap ng pinto ng store nang umalingangaw ang pangalan ko dahil sa sigaw ng sales lady. Para akong robot na lumingon sa kaniya nakangiti siya sa akin at inabot ang card ko.

Ngunit wala doon ang attention ko kundi kay Z na ngayon ay nakatingin na rin sa gawi ko. Agad akong napayuko dahil patay na naman ako nito mamaya.

“Naiwan niyo po ang card niyo.”

“Salamat.”

Sa pagmamadali kong lumabas na untog ako sa glass door kaya masamang tingin ang itinapon ko sa guard kasi kanina hawak niya 'yon bakit niya isinara?

Umiyak si Baby kaya sinapo ko ang ulo nito dahil ang tanga-tanga ko na untog ang anak ko!

Hapon na kaya na isipan ko ng umuwi habang nag-aabang ng taxi. Nadaanan kami ni Vico. Kaibigan siya ng ex ko at naging kaibigan ko na rin. Siya ang naghatid sa amin ni Baby sa mansion.

“Wow! Ito pala ang bahay ni Zyron! Kaya naman pala nagpabuntis kaagad sa gagong 'yon kasi ubod talaga pala ng yaman!” Umiling pa ito. “Higit ngang madaming pera kaysa kay Cholo.”

Isa yatang pagkakamali na pumayag akong nagpahatid sa kaniya dahil narinig ko na naman ang pangalan ng taksil kong ex!

“Salamat ah! Sobrang salamat sa mga sinabi mo!” Pikon kung sabi na ikinatawa nito.

“Hindi mo ba ako aalukin ng juice? O thank you kiss, pwede na rin!”

Inilapit nito ang mukha sa akin na nakapikit habang nakanguso. Hahampasin ko nasa siya ng pareho kaming nagulat ng may tumikhim sa likod ko.

“Berta, ikaw pala.” Inirapan ako. “Akin na ho 'yan, Sir! Sa susunod ho, wag kayo dito sa harap ng mansion ng boss diyan sa kabilang bayan may motel!”

Sarkastikong inagaw ni Berta ang mga pinamili ko kay Vico at agad naman itong pumasok sa loob. Alam ko naman na inutusan iyon ni Manang na kunin ang mga pinamili ko sadyang labag lang sa loob nito ang sumunod.

“Menopause na ba 'yang kasambahay niyo?” Napakamot si Vico sa ulo. “Pinagmamalupitan ka ba dito?”

“Anong sinasabi mo?” Nahihiyang umiwas ako ng tingin.

“Hoy, joke lang 'yon. Baka serysohin 'yong kanina! Alam mo naman na kahit kaibigan ko si Cholo hindi pa rin ako sang-ayon sa ginawa niya.” Sinilip niya ang mukha ng anak ko. “Anong pangalan niya? Ninong ako ah!”

“Ayoko nga! Ayoko na magkaroon siya ng Ninong na katulad mo!”

“Ide Daddy na lang!”

Napahiyaw ako sa gulat dahil sa busena at mabilis na sasakyan na papalapit sa amin. Hinawakan ako ni Vico sa braso at kinabig papunta sa gilid. Kusang bumukas ang gate kaya mabilis naman itong nakapasok sa loob ng mansion.

“Ang angas ng asawa mo ah!” Pinatunog ni Vico ang daliri niya. “Sabihin mo lang kong kailangan mo ng kapatid na reresbak, tatamaan 'yan sa'kin!”

“Kapatid?”

“Oo, kapatid ang tingin ko sa'yo maliban na lang kung gusto mo ako, ide papatulan na kita!”

“Oo, gusto kita!” Gustong patayin!

Binatukan ko siya at gigil na hinila ko ang buhok niya. Babatukan niya ako pero natigilan siya. Tumayo siya ng tuwid at namulsa habang nakatingin sa likuran ko.

“I don't like trash park in front of my house.”

Dahan-dahan akong lumingon kay Z. Walang emotion ang mukha nitong nakatingin kay Vico at sa sasakyan nito bago dumapo sa akin ang mata niya.

“Get in.” Napalunok ako ng makita pag-ingting ng panga niya.

“Ah... Eh.” Hinarap ko si Vico. “Salamat ulit!” Kumaway ako sa kaniya at kumaway rin siya sa akin na para bang sinasabi niyang wag ko siyang iiwan. Oo, palabirong tao si Vico pero bahag ang buntot niya.

“Nag-enjoy ba ang baby ko?—Ay gago ka!”

Napatakip ako sa bibig ko. Nagulat kasi ako sa malakas na kalabog ng pinto kaya mabilis akong napalingon kay Z na madilim ang mukha habang ako naman ay malaki ang mata dahil nakamura ako sa harap ng anak ko dahil sa kaniya!

“Gago?! Ako pa ngayon ang gago?! Samantalang na gagawa mong makipaglandian sa duwag na 'yon sa tapat pa mismo ng bahay ko! Wala ka na ba talagang kahihiyan sa katawan?!”

“Z...”

“Putangina! Wala pang kamuwang-muwang ang batang 'yan, mas mabuti pang sabihin mo na nag enjoy ka kasama ang duwag na Natividad na 'yon!”

Sa lakas ng boses niya at tindi ng galit nito kulang na lang sapakin niya ako. Nakayuko na lang ako sa harapan niya habang pinipigilan ang luha ko.

“Z, tama na...”

Umiiyak na nilapitan ko ang anak ko dahil halos mawalan na ito ng hangin sa kakaiyak. Dinala ko ito sa veranda upang patanahin. Nawawalan ako ng lakas na pareho kaming umiiyak.

“Hush...”

Pinunasan ko ang mga luha ni Baby. Ang sakit lang na sinusubukan kong patanahin ang anak ko pero hindi ko magawa sa sarili ko.

Bakit ba galit na galit siya sa akin na wala naman akong ginagawang masama? Kung meron mang magalit sa aming dalawa ako 'yon! 

Alam niya naman ang plano ko sa araw na 'to mas pinili niya pa rin na makasama ang iba niyang mag-ina.

Oo, ako na ang mang-aagaw! Ako na ang may kasalanan pero ako pa rin ang asawa niya at ang babaeng 'yon ay kabit! Maaring ito nga ang mahal niya pero sa batas kasal kami at matibay na akin lang asawa ko! Natatakot akong ipagsigawan 'yon dahil baka imbes na humakbang siya papalapit sa akin, sa iba siya mapunta.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Black_Jaypei
Hello! Enjoy reading the free chapter!🫶
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status