MAAGANG gumising si Yesha upang maluto. Tulog pa rin ang lalaki hanggang ngayon at talagang tinupad nito ang sinabi na mag-b-bonding silang dalawa. Nahihiya siya pero gusto pa rin niyang samantalahin ang pagkakataon magkasama silang dalawa. Bihira lamang kasi itong mangyari at hindi niya alam kung kailan ulit.
Ilang oras ang kaniyang ginugol sa pagluluto bago niya napagpasyahang akyatin na ang lalaki. Naabutan niya itong kakatapos lang maligo.
"Good morning, love," bati ni Shawn na kaniya dahilan upang mapangiti siya. Good morning. Late ka naman nagising hahaha." Pareho silang natawa. Hinalikan siya ng nobyo sa noo. Amoy na amoy niya ang sabon nito.
"Ang bango mo..." Inilayo ng lalaki ang mukha niya. Napasimangot siya. Gusto lang naman niya itong amuyin, e. Ano bang masama? "kumain na lang tayo."
"Hahaha okay. Ang sipag naman ng misis ko." namula ang kaniyang mukha sa sinabi nito. Hindi niya alam kun
NATATAWANG yumakap si Yesha kay Shawn. Kanina pa sila nanonood ng walang kasawaang movie. Mamaya pa naman sila lalabas kaya gusto niyang sulitin ang oras na kasama niya ito."Gusto mo ng makakain?" biglaang tanong ni Shawn sa kaniya na kaniya namang ikinangiti. Umiling siya at saka mabilis na umayos ang pagkakaupo. "Busog pa ako. Wala rin akong maintindihan sa pinapanood natin." Natatawang reklamo niya.Sasagot sana sa kaniya si Shawn kaso biglang tumawag si Niks. Ilang segundo niyang tiningnan ang cellphone bago ito sinagot."Hello?""Hey, tumawag lang ako para mangamusta." Tumango siya. Naiilang siyang kausapin ito kapag kasama niya si Shawn. Alam niyang magiging masama na naman kasi ang timpla ng kaniyang nobyo. "Okay lang naman ako. Baka makapasok na ako mext weeo. Ayos na rin naman si mama" Naramdaman ni Yesha ang pagyakap ng nobyo. Maya maya pa ay tumayo ito at may kinuhang kung ano.&nb
HINDI maipaliwag ni Yesha ang sayang nararamdaman niya ngayon. Anong oras na silang dalawa nakauwi pero hindi pa rin siya pagod. Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi."Shawn, kailan kaya ulit ito mauulit?" tanong niya. Magiging abala na silang dalawa ulit at alam niyang bihira na naman silang makakalabas. "Kung kailan mo gusto," sagot nito sabay kindat. "sabihan mo lang ako."Matamis siyang napangiti at saka mahigpit itong niyakap. Mahal na mahal na talaga niya ito at hindi na niya kaya pang kumawala sa pagmamahal na iyon."Thank you for everything. Kahit saan tayo makarating hindi mawawala o magbabagoa ng nararamdaman ko para sa 'yo." Kung alamn lang sana o nababasa nito kung ano ang laman ng kaniyang puso, e. Pero hindi. Hindi na rin naman niya alam kung paano pa ipaparamdam sa dami na ng tulong nito sa kaniya.Hindi man siya kasing yaman ng lalaki, wala ma siyang pera na marami, alam niyang k
HABANG nasa byahe, hindi alam ni Yesha kung ano ang kaniyang dapat na maramdaman. Hindi siya mapakali sa kaniyang inuupuan. "Hey, love. Please, calm down. Daddy won't eat us haha." Sinamaan niya ng tingin si Shawn. Anong karapatan nitong pagtawanan siya? Gayong hindi na niya kayang ipaliwanag ang kaba."Eyes on the road, Shawn."Patuloy pa rin ang pang-aasar ng lalaki. Parang gusto na tuloy niya itong pingutin. Inabala na lamang ni Yesha ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Maraming pumapasok sa kaniyang isipan ngunit hindi iyon maganda kaya mas pinili na lamang niyang pumikit at ang ina niya ang isipin."Kumusta naman sa opisina mo?" paninimula niya nang mapagod kakaisip ng kung anu-ano. "Ayos lang, naroon naman ang sekretarya ko, alam kong kaya niyang gawin ang mga trabaho roon."Napangiti na lamang siya. Sobrang layo kasi ng ugali ng sekretarya ngayon ni Shawn kaysa noon, aminado siyang ma
HINDI maalis ni Shawn sa kaniyang isipan kung paano niya sasabihin kay Yesha ang lahat. Noong nagkaroon sila ng problema, sobrang kinain na siya ng takot. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin para lang mapatawad nito. Naisip na rin niyang sabihin dito ang totoo pero may kung anong pumupigil sa kaniya.Ilang beses na rin ba siyang sinabihan ni Hanz na magsabi na? Hindi na yata niya mabilang. Paano pa kaya kapag nalaman na talaga nito na isa siyang ex-convict at kasong rape pa ang naka-record sa pangalan niya. Isang mabigat at hindi basta-bastang kaso lang. Baka kamuhian siya ng babae, pandirihan sa kasalanang hindi naman niya ginawa pero hindi rin niya puwedeng aminin na wala siyang kasalanan."Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" tanong ni Yesha dahilan upang magising ang diwa niya. "Ha? Nothing. May napag-usapan lang kami ni Hanz. Ikaw? Bakit gising ka pa?" anong oras na sila nakauwi ni Yesha. Kung hindi pa nga niya ayain si Yesha,
PAREHO silang naging abala ni Shawn sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Marami pa siyang dapat na tapusing reports na kailangan niyang ipasa sa kaniyang professor. Kakarating lang din sa kaniya ng balitang sa susunod na linggo ay papayagan na lumabas ng hospital si Mr. Ortega."Hindi ka pa rin tapos?" malambing na tanong ni Shawn. Inilapag ng nobyo sa harapan niya ang tasang may laman ng kape. "Hindi pa, hahaha. Ikaw ba? Nakita ko kaninang ang damig papel sa table mo."' Tumabi ito sa kaniya. Kinuha ni Shawn ang biology book niya at saka ang notes na puno ng highlights. "Yeah, hindi ko na pinirmahan 'yong iba. Hindi pa naman kailangan this month."Sumimsim ito ng kape na siya ring ginawa ni Yesha. "Palabas na raw pala ng hospital si Mr. Ortega," aniya. Kahit na walang alam si Shawn sa mga ginagawa niya, alam niyang interesado pa rin itong malaman ang lahat ng nangyayari sa kaniya."Really? Good for him. Wanna eat something?
NATAWA ang lahat sa kalokohan ng boss niya. Maging si Yesha ay hindi nakapagpigil. "Hay naku, mag-uumpisa na ako." Natatawang nilagpasan niya ang mga ito. Dahil nasa stock room siya naka-assign kaagad siyang pumasok doon. Bumungad sa kaniya ang mga bagong school supplies na kailangan pa nilang i-pack."Hi, ate Yesha," bati ni Seah. Napangiti si Yesha saka inilapag ang kaniyang bag. "Hi, Seah. Kakarating ng mga ito?" Turo niya sa mga notebook. Tumango naman ito sa kaniya."opo, ate. Medyo dumami kasi ang mga mamimili natin this past few weeks. Kaya nag-decide si sir Niks na magdagdag ng tig tatlo per order." Mahabang paliwanag nito. Ilang linggo rin siyang nawala kaya hindi na niya alam kung ano ang nangyayari. Marami siyang trabaho na dapat tapusin. "Gano'n ba? Sige, sandali lang ha? Magbibihis lang ako." Mabilis niyang kinuha ang kaniyang pamalit saka mabilis na nagbihis ng uniform nila.Pagkalabas niya ay abala pa rin
HABANG nasa byahe ay naramdaman ni Yesha na nag-v-vibrate ang cellphone niya dahilan upang kaagad niya iyong kapain at tingnan kung sino. Napatingin din naman sa kaniya si Shawn. Alam na kaagad niya kung bakit."Si Erika," aniya sabay sagot ng tawag ng kaibigan. Kaagad niyang narinig ang mahihina nitong hikbi sa kabilang linya na siya namang ipinag-alala niya. "hey? What happened? Bakit ka umiiyak?" hindi na naitago ni Yesha ang pag-aalala. Minsan lang niya ito makitang umiiyak kaya sobrang hindi niya alam ang gagawin lalo na kapag hindi na nito kaya."P-puwede ba t-tayong magkita?" pumipiyok na tanong ni Erika sa kabilang linya. "Nasaan ka ba?""Nasa condo ko, p-puntahan kita." Napatingin siya kay Shawn na kanina pa rin niya nahuhuling tumitingin sa kaniya. "S-sige, sasabihan ko si Shawn.""S-salamat, Yesha. Hindi ko lang kasi talaga alam kung kanino na ako lalapit." Maging siya ay masyadong nadadal
KANINA pa siya tinatadtad ng text ni Shawn pero hindi magawang maakalis ni Yesha sa yakap ni Erika. Wala siyang nagawa kung 'di ang mag-reply na lang sa lalaki na huwag na silang magtabi. Dahil hindi naman niya magawang umalis sa pagkakayakap ng kaniyang kaibigan, natulog na lang din siya sa tabi nito.Mabuti na lamang din talaga at wala silang pason ni Erika. Kinabukasan, nagising si Yesha sa mahigpit na yakap sa kaniya ni Erika ngunit nang magmulat siya ng mata laking gulat niya nang biglang si Shawn na ang kaniyang katabi."Good morning," Nakangiti at parang ewan nitong bati sa kaniya. Napataas na lamang ang kaniyang kilay dahil wala siyang maalala na lumipat siya sa kwarto ng lalaki. "P-paano?""hahaha, kinuha kita sa kwarto mo." simpleng sagot ni Shawn sabay kindat. Mabilis siyang napabangon saka hinampas ito sa balikat. "Baliw ka! Si Erika?" Nagkibit-balikat naman ang nobyo niya. Napakamot na lamang si Yesha sa kaniyang ulo. Ano pa nga ba ang aasahan niya