Share

CHAPTER 162

NAKANGITING pinagmamasdan ni Yesha ang mga mahal niya sa buhay na nagtatawanan sa ginagawa nilang bahay. Patapos na ito at dahil napagpasyahan nilang tumambay rito, ang lahat ay nakitambay na rin. Alam kasi ni Yesha na ito lang din ang pinakamakakatulong sa kaibigan niya para naman kahit papaano ay maging okay na ang kalagayan nito. 

Abala na ito ngayon sa pakikipagkwentuhan sa kaniyang ina. Akala pa nga ni Yesha hindi papayag si Shawn na pumunta sila rito. 

Mas okay na rin ito dahil alam niyang makakapagpahinga kahit papaano ang nobyo. 

"Ang laki na ng tiyan mo, Yesha." Nakangising sabi ng kaibigan nila Shawn na si Callus. Inirapan niya ang lalaki. Ang sinabi niya ay silang lima lang pero nang malaman ng mga kolokoy, kaagad nagsipag-drive ang mga ito kasama ang mga girlfriend at nakisiksik sa tambayan nila. Well, gusto niyang maka-bonding ang mga girlfriend ng mga ito. "Siguro kasi buntis ako." Paasar niyang sagot. Nagtawanan naman ang lahat.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status