Share

CHAPTER 176

SAKTONG pagkarating ni Shawn ay nabasa kaagad ni Yesha ang pagod sa mukha nito. Inilapag muna niya ang prutas na binabalatan saka tumayo at nilapitan ang lalaki. Bagsak ang balikat nito ngunit nakaplaster pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi. Nasasaktan siya sa ngiting iyon. 

"Hi, hon. You okay?" Pagtatanong niya nang makalapit at makahalik sa lalaki. "Yeah. Ikaw? Ayos lang ba kayo rito ni lola kanina? Wala naman bang nangyari?" kaagad siyang umiling. Naging maganda kasi ang araw na ito dahil kahit papaano ay nabawasan din ang bored nilang dalawa. Nakapagpahangin din at marami rin silang napag-usapan. Aminin man ni Yesha at sa hindi, talagang nakatulong 'yong paglabas nila. 

"Ayos naman kami ni lola. Kanina nagpahangin kami pero may bantay kami. Sa garden lang naman ng hospital. Kumusta  pala ang nilakad mo?" Inalalayan niya ang nobyo hanggang sa makaupo. Pilit lamang ang naging ngiti nito. "Ayos naman, nagkaproblema lang pero naayos din namin." 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status