Share

CHAPTER 184

INIHANDA ni Yesha ang mga beer para sa mga kaibigan nila. Balak nilang mag-celebrate nang mahaba dahil sa proposal. Kabuwanan na rin niya kaya naman talagang bawal siyang uminom. Tamang tulong lang siya sa pag-ayos kahit ayaw ng mga ito. Alam ni Yesha na tuloy-tuloy na ang kasiyahan nila at magkakaroon na rin sila ng isang tahimik na buhay. 

"Magpahinga ka na kaya muna, hija?" Napangiti siya nang makalapit ang ina ni Shawn sa kaniya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na talagang kasama na nila ito at mas lalong hindi siya makapaniwala hanggang ngayon na mukhang diyos ang ina ni Shawn. Sobrang bait at sobrang ganda. Medyo nawawala na rin ang mga pasa nito sa katawan kaya naman mas lalong lumalabas ang tunay nitong ganda. Nakakatuwa dahil magkakasundo rin sila. Ang mamita naman ni Shawn nagpapahinga muna habang hindi pa ayos ang mga pagkain. 

"Ayos lang po ako, ma. Kayo nga po ang dapat magpahinga, dapat magpagaling lang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status