Share

CHAPTER 191

"SIGURADO ka bang pupuntahan mo ang daddy mo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Yesha kay Shawn.

Ngayon, nagsisisi na siya. Sana kasi hindi na lang niya sinabi kay Shawn ang nakikita niya. Imposible naman kasi talagang makaalis ito sa bilangguan. Pero imposible rin namang nanaginip lang siya. Alam ni Yesha kung ano ang nakita niya sa balkonahe. Alam ni Yesha kung sino iyon, at alam ni Yesha na hindi siya nagkakamali kahit sobrang imposible rin talagang mangyari ng iniisip niya.

"Wife, gusto ko lang din siguraduhin na nakakulong nga siya. Ayaw kong balewalain yung sinasabi mo. Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Palagi kitang poprotektahan." Pinatakan siya nito ng halik sa noo. Natatakot at nag-aalala siya na baka gumawa na naman ito ng masama kung totoo ngang nakakalabas ito ng kulungan. Pero napakaimposible naman kasi.

Nagkokontra ang kaniyang isipan. Hindi niya alam kung ano ba ang papaniwalaan kaya mabuti na rin sigurong alamin ni Shawn. Gustuhin man niyang sum
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status