Share

CHAPTER 202

"Ano bang nangyari?!" hindi napigilan ni Yesha ang magtaas ng boses. Alam niyang mali na magtaas siya ng boses pero hindi niya maiwasan. Natatakot siyang may mangyaring masama sa anak niya. "Anak, walang may kasalanan kaya kumalma ka! Nagulat lang din kami na inaapoy na siya ng lagnat at--"

Naputol ang sinasabi ng kaniyang ina. Nag-iinit ang ulo niya at masyado siyang natatakot. "Ma! Muntik malunod ang anak ko. Sino ba kasi ang nagdala sa kaniya sa pool?" Napasabunot na siya sa sariling buhok. Pinapakalma naman siya ni Shawn nang pilit.

"Anak, puwede bang kumalma ka? Wala silang kasalanan, lahat kami ang alam namin ay nasa crib si Queen, walang may gusto ng pangyayari, okay?" Napaiyak na lamang siya sa isang tabi. Kung alam lang niyang may posibleng mangyaring masama sa anak niya hindi na lang sana siya nagpumilit na umalis. Hindi na lang sana niya pinilit si Shawn na pumunta sa kulungan kasama siya upang siguraduhin na tama ang hinala niya. Hindi sana siya nagpad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status