Share

CHAPTER 47

"MAAA!" masayang sinalubong niya ang kan'yang ina. Hindi niya pinansin si Shawn na abala sa pagpaparada ng sasakyan. "Yesha, anak! Napabisita ka, hindi mo man lang ako tinawagan." sinimangutan siya ng kan'yang ina at bakas sa boses nito ang pagtatampo.

"Surprise nga ma e, ikaw talaga huhu. Na-miss po kita." niyakap niya ang kan'yang ina at hinalikan ito sa pisngi. Natuon naman ang mata nito sa kasama niya kaya hinarap din niya si Shawn. "Hello po, tita." bati nito sa kan'yang ina. Pero dahil iba ang ibig sabihin niyon sa kan'ya, kaagad siyang nag-iwas ng tingin dahil nag-init ang kanyang pisngi.

"Pasok kayo, hijo. Hindi man lang kayo nagpasabi sa akin. Ipinagluto ko sana kayo." sabay silang pumasok ni Shawn sa loob. Ang ina naman niya ay abala sa pagluluto kahit na ilang ulit na niya itong pinigilan. Balak niyang ipagluto mamaya ang ina ng hapunan kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ang hayaan ito. Nami-miss na rin naman niya ang luto ng kaniyang mama.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status