Ilang araw silang nanatili sa hospital hanggang sa pumayag ang doctor na lumabas na ang kaniyang ina. Alam niyang hindi siya na dapat siya mag-alala pero hindi niya mapigilan at maiwasan. Sila na lamang kasing dalawa kaya sobra niyang inaalagaan ang kalusugan ng kaniyang ina. Ayaw ni Yesha na matulad ito sa kaniyang ama na napabayaan lang nila ang health.
Pagkarating nila sa bahay ay kaagad niyang pinapasok ang kaniyang ina sa kwarto nito. Balak kasi muna niyang maglinis ng buong kabahayan kasama si Shawn. Ang sabi pa nga ng lalaki, dapat daw kumuha na lang sila ng mga puwedeng maglinis. Pero ayaw naman niyang pumayag. Gusto niya siya mismo. Para alam ni Yesha kung talaga bang nalinisan nang maayos ang buong bahay.
Baka kasi mamaya ito naman ang pagkaabalahan ng kaniyang iina. Atlis kapag nakita nitong malinis ang paligid, wala itong puwedeng maging excuse.
"Yesha, magpahinga ka na lang muna. Ipagluluto kita ng puwede mo
SUNOD sunod na tawag ang natanggap ni Yesha mula sa lola ni Shawn. Alam niyang nag-aalala rin ito. Alam naman kasi ito kung ano ang nangyari sa kaniyang ina. At talagang na-m-miss na niya ang pagiging hyper nito."Hi, apo. Kumusta ka na riyan?" bungad na tanong nito nang masagot niya ang tawag. Napangiti na lamang si Yesha. Naramdaman din niya ang pagtabi sa kaniya ni Shawn. Alam niyang makikiusyuso lang sa kaniya ang lalaki."Ayos naman po ako, lola. Kayo po riyan? Kumusta po kayo?" Hindi niya alam kung kailan ito ulit babalik sa pilipinas kaya naman mabilis niyang sinasagot ang tawag ng matanda."Ayos naman ako, hija. Ikaw nga ang inaalala ko riyan. I talked to Shawn and ang sabi niya ay na-discharge na ang mama mo." Napabaling naman siya sa lalaking nasa tabi niya. Hinawakan ni Shawn ang kaniyang kamay at pinisil iyon. "Yes, lola. And, ahm... medyo okay na po siya. Nagbabawi na lang po siya ng lakas."
ALAM ni Yesha na hindi sila titigilan ng ina sa kakaasar kaya naman napagpasyahan niyang tumambay sa kusina at hayaan si Shawn na asikasuhin ito. Medyo malakas pa naman ang trip ng kaniyang ina ngayon. Para sa kaniya ay ayos na iyon kaysa na naman ma-stress lang ito sa pag-iisip ng kung anu-ano."Yesha?" biglang sulpot ni Shawn dahilan upang gulat na humarap siya rito. Tinawalan lang naman siya ng loko. Mukhang nahahawa na rin sa ina niya. "Grabe ka makapanggulat!""Haha, sorry, baby. Anyway..." Humakbang ito papalapit sa kaniya dahilan upang mapaatras siya. "A-ano?""Nothing. It's just, i wanna kiss your lips."Mabilis niya itong tinulak at saka kinuha ang tsinelas niya. "Alam mo, Shawn? Huwag kang malandi sa bahay ng mama ko." Sabi niya sabay iwas ng tingin. Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang pisngi. Hindi niya akalain na kahit saan ay talagang lalandiin siya ng lalaki. Kung nandito lang si Erika
TOTOO naman ang sinabi ng ina ni Yesha. Kung noon nga palagi siyang na-re-reject ngayo pa kayang nalagpasan na niya an lahat ng hamong 'yon? Alam niyang marami nang pinagbago at hindi na siya dapat pa masyadong mag-alala.Mabilis niyang tinapos ang pagliligpit saka binalikan ang lahat ng kaniyang dapat na gawin. Sinabihan na rin ni Yesha na magpahinga ulit ang kaniyang ina. Wala rin namans iyang nakuhang tawag mula sa hospital kaya naman siya ang nagkumusta sa kaniyang pasyente. Ang sabi ay nag-panic attack na naman daw ito pero hindi na siya masyadong hinahanap.Mas okay na rin iyon para naman masanay ito. Kailangan niya 'yon para maging mabilis ang recover."Reading books again?" tanong ni Shawn na ngayon ay naupo rin sa kaniyang tabi. "Yeah. Wala naman akong magawa. Ayaw ko naman manood kasi ang boring na ng mga palabas ngayon," sagot ni Yesha na walang halong pagbibiro. Totoo namang medyyo boring na. Ang daming eksen
HINDI napigilan ni Yesha na matawa sa hitsura ng kaniyang nobyo. Para kasing gulat na gulat si Shawn na maaga rin gumising ang kaniyang ina."Good morning, hijo. Himala yata at nauna sa 'yo si Yesha?" may halong pang-aasar na tanong nito sa lalaki. Napakamot naman si Shawn sa kaniyang ulo. Alam niyang nahihiya ito sa kaniyang ina. "Napuyat kasi ako tita," sagot nito na ikinapula ng kaniyang pisngi kahit wala naman silang ginawa. Tinginan pa lang ng kaniyang ina alam na niya kung ano ang ibig sabihin. Alam niyang mang-aasar lang ito."Ma, alam mo? Kumain ka na lang po kaya." Iiling-iling niyang ani sabay subo sa ina. Baka kasi kung saan na naman mapunta ang usapan nila. "Anak, huwag mo na akong intindihin. Kaya ko na kumain. Kumain na rin kayo ni Shawn baka kasi mamaya ay magutuman 'yan.""Ma! Kaya na niya ang sarili niya. Hindi na niya kailangan ng tulong ko sa pagkain."Kaagad namang sumabad si Shaw
NAKASIMANGOT na pinapanood ni Yesha ang ina kasama ang mga kaibigan ni Shawn. Hindi taaga siya sang-ayon sa gusto nitong kasama ang mga kaibigan pero wala naman siyang magawa dahil ito ang kagustuhan ng kaniyang ina. Ayaw naman niyang mas lalo lamang lumala ang sitwasiyon nito. Gusto niyang makitang masaya ito at kayang-kaya iyon ibinigay ng mga kaibigan ng nobyo."Nakasimangot ka na naman," wika ni Shawn na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang tabi. "Kasi naman, e. Ang gugulo ng mga kaibigan mo.""hahaha, alam mo namang ganyan talaga sila. Pero aminin mo, natutuwa ka." Tipid ang ngiti siyang napatango. Talaga namang natutuwa siya. Nakikita niya kung paano sumaya at tumawa ang mama niya. "Ayaw ko lang naman na inaasar nila tayo.""Gusto mo makabawi?" Nakangising tanong nito ikinakunot naman ng kaniyang noo. "Ano na naman 'yan?""Ace already in love, Hanz still trying his best to get the girl he love.
TAHIMIK na nakaitig sa kawalan si Yesha nang bigla na lamang may nagtakip ng kaniyang mata. Nanghuhula niya itong tinanggal at laking gulat niya nang makitang si Erika iyon."Owemjii! Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa kaibigan. Nagkibit-balikat naman ang babae sabay taas ng pizza na dala."Visiting you and tita. Shawn called me earlier. Sabi niya ay pumunta ako para naman daw may makausap ka." Napangisi na lamang siya sa sinabi nito. Hinila ang kaibigan paupo. Alam niyang masyadong maraming hindi na-missed si Erika sa buhay niya. "Naistorbo ka pa,"Natawa siya nang hampasin siya nito sa braso. "Ako? Naistorbo? Hindi ka naman istorbo sa akin, e. Actually, bored din talaga ako. Kahapon pa ako nakatunganga sa bahay. Okay na rin itong nandito ako para naman ma-refresh kahit papaano ang utak ko." Tila malalim ang pinaghuhugutan nito kaya kinunutan niya ng noo ang kaibigan."Ano bang nangyari?" tanon
NAPAILING na lamang si Yesha nang malaman kung anong klaseng laro iyon. Ano pa nga ba ang usong-uso kapag kasama ang mga kaibigan?"Si Yesha na!" Natatawa at pasigaw na sabi ni Callus. Napangiwi na lamang siya nang tanungin nito. "Truth or dare?"Walang pagdadalawang isip siyang sumagot. Dahil alam niyang medyo loko loko itong si Callus ang una ang kaniyang pinili."I'll go with truth," sagot niya. Mas lalo lamang lumapad ang ngiti at si Yesha naman ay napadampot ng juice. "Nag-sex na ba kayo ni Shawn?" walang preno nitong tanong dahilan upang maibuga niya ang kaniyang iniinom.Alam ni Yesha ang sagot. Namumula ang mukha niyang umiling. Makukurot pa siya ng mama niya dahil sa mga kalokohan ng mga ito, e. "No."Malisyoso itong tumango saka inabot ang bote. Kaagad na ipinaikot iyon ni Yesha at napunta sa kaibigan ni Shawn na si Hanz."Anong gusto mo sa babae?"
NATATAWANG pinanood ni Yesha ang mga lalaking hanggang ngayon hindi pa rin tapos sa pag-aayos ng table. Marurunong naman ang mga ito iyon nga lang mas maarte pa pala sila kaysa sa inaasahan. "Ace, please faster. I'm fvcking hungry. The dragon inside my tummy wants to go out."Nanlaki ang mata ni Yesha sa sinabi ni Hanz. "Then go to the bathroom." bara naman ni Ace rito. Napapailing na umupo na lamang sila habang hinihintay si Ace na gumagawa ng sandwhich. Naramdaman naman ni Yesha ang pagtabi sa kaniya ni Shawn."What do you want to do later?" tanongnito dahilan upang awtomatiko siyang napatingin sa kaniyang ina. "Ma? Ano po gusto niyong gawin mamaya?" ang gusto lang niya ngayon ay ang mag-enjoy ang kaniyang ina. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-anong hindi naman matutuwa ang kaniyang ina."Kahit ano, basta mag-enjoy kayong lahat ayos na ako roon."Sumingit naman sa usapan nila si Callus. "Kung ganiy