Share

CHAPTER 100

HINDI napigilan ni Yesha na matawa sa hitsura ng kaniyang nobyo. Para kasing gulat na gulat si Shawn na maaga rin gumising ang kaniyang ina.

"Good morning, hijo. Himala yata at nauna sa 'yo si Yesha?" may halong pang-aasar na tanong nito sa lalaki. Napakamot naman si Shawn sa kaniyang ulo. Alam niyang nahihiya ito sa kaniyang ina. "Napuyat kasi ako tita," sagot nito na ikinapula ng kaniyang pisngi kahit wala naman silang ginawa. Tinginan pa lang ng kaniyang ina alam na niya kung ano ang ibig sabihin. Alam niyang mang-aasar lang ito.

"Ma, alam mo? Kumain ka na lang po kaya." Iiling-iling niyang ani sabay subo sa ina. Baka kasi kung saan na naman mapunta ang usapan nila. "Anak, huwag mo na akong intindihin. Kaya ko na kumain. Kumain na rin kayo ni Shawn baka kasi mamaya ay magutuman 'yan."

"Ma! Kaya na niya ang sarili niya. Hindi na niya kailangan ng tulong ko sa pagkain."

Kaagad namang sumabad si Shaw

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status