Share

CHAPTER 106

RAMDAM na ramdam ni Yesha kung gaano kasakit ang pinagdadaanan nito. Kahit sino naman yata ay ma-t-trauma at paulit-ulit na sisisihin ang sarili kung ang tao mismo sa paligid mo ikaw rin ang sinisisi.

"Palagi mo lang tatatagan ang loob mo, ha? Nandito lang ako. Hanggang sa gumaling ka, hindi kita hahayaan na matalo ng takot mo." Tango lamang ang naging sagot nito. "Mama mo? Kumusta siya?" Napangiti si Yesha. Alam nito kung ano ang nangyari sa kaniyang magulang. Alam nito kung ano ang nangyari sa kaniyang ina.

"Medyo maayos naman na ang lagay niya. Kaya ikaw, magpaggaling ka na rin, ha?" Sunod-sunod ang naging tango nito. "Huwag mong iisipin na kasalanan mo ang nangyari. Sa ngayon, kailangan mong kumain ha?"

Napangiti siya nang hindi mahirapan sa lalaki. "Dito ka lang, bibili ako ng pagkain. Mabilis lang ako." Pagkapaalam niya ay lumabas siya at inihabilin muna ang lalaki sa isang nurse.

Lumabas siya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status