Share

NEW LEAF

Flowers started to bloom everywhere. Humahalimuyak ang napakabangong amoy niyon sa buong paligid. Aside from making the whole place beautiful, it also gave colors and life to the whole city. Idagdag pa ang napakasarap na simoy ng hangin. It’s cold but not chilly in Cordoba, Spain. A good time to spend some time outside with a book and good music.

“Spring. . .” Huminga nang malalim si Mhia, pagkuwa’y napangiti. Naroon siya sa may bintana at pinanonood ang napakagandang tanawin sa labas.

“Hola, preciosa!” (Hello, beautiful!) anang may-edad na lalaking naka-bike at padaan sa kinaroroonan niya.

“Buenos días, Augusto! Hoy llegas temprano.” (Good morning, Augusto. You’re early today.) Nginitian ito ni Mhia. Sanay na siya rito na laging bumabati sa kaniya sa umaga. Ilang blocks lang ang layo nito sa tinutuluyan nila sa Cordoba.

“Sí. Sí.” (Yes. Yes.) Tumango-tango ito. “I need to go to market early. I. . . I need to buy fresh milk and queso,” dagdag nito na medyo namimilipit pa ang dila sa pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status