Share

Chapter 19

Nagising na lamang akong iniinda ang sakit sa aking paanan. Maliit na sugat lang naman ito sa dalawa kong paa pero talagang iniinda ko ang sakit at hapdi na nararamdaman ko lalo na kapag natatanaab. Nakapagpahinga naman ako ngunit sadyang hindi mawala sa aking isipan ang pag uusap namin ni Zale. Ganito naman ako palagi, lahat na lang iniisip ko. Ako rin minsan ang may kasalanan kung bakit masakit ang ulo ko dahil kahit maliit na bagay at wala namang kabuluhan ay iniisip ko pa rin. 

Pero hindi talaga mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Zale. Talagang pinapakita at idinidiin niya sa akin na may pagtingin sa akin si Harris. Ayaw kong maniwala, ayaw ko umasa, ayaw kong hayaan ulit si Harris na saktan ako.

Sa kanilang dalawa ni Zale at Harris ay aaminin kong mas gusto ko si Harris. Hindi ko alam kung bakit si Harris pa ang nagustuhan ko kahit na mas matino naman si Zale. Kahit na sinaktan ako ni Harris ay mas gusto ko pa rin siya, ma

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status