Share

Chapter 2

Ang pagiging isang fashion designer ay hindi madali na kung ikaw ay isang junior pa lamang.

Pagkatapos ng mga araw ng paghahanap, sa wakas ay nakita ko ang tela na gusto ng aking senior. I needed to rush back to my office pero kumulo ang dugo ko sa taong bumangga sa akin pagkalabas ko ng mall. Binangga niya ang aking baby loves scooter. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may bumangga sa akin na mga walang mudong driver pero ang lalakeng iyon ay isang demonyo hindi man lang humingi ng sorry sa akin. I started shouting on top of my lungs, cursing that bastard rich boy na umalis lang na parang walang nangyaring masama at iniwan niya lang ako na nahihirapang akayin ang scooter ko.

Nang naging maaliwalas na ang bugso ng damdamin ko ay sasampa na sana ako sa scooter when I notice the big scratch on my baby scooter head. Umiinit talaga ang dugo ko sa lalakeng iyon If I have a gun kanina sarap barilin ang gwapo niyang muka. Sssh, hindi siya gwapo slight lang hindi naman kasi tempted ang kotse niya.

Inalis ko ang marahas kong pag-iisip dahil kailangan kong bumalik sa opisina. Nagtatrabaho ako sa isang fashion house ng isang designer company. I'm not satisfied being a junior fashion designer but I do everything to have a higher position. I'm not a newbie anymore but my bully senior always told me I need to learn more but it's been more than one year still I'm in lower position. Ang iba kong kasamahan dati ay nag apply sa ibang company luckily they got hired and unluckily I'm not. That was the reason why it became unbearable to be here but I had no choice because I want money. Hindi ako bet ng senior ko kaya no promotion happen.

Pagkatapos ng oras ng trabaho ko, umuwi agad ako sa appartment na pagod na pagod. I saw my parents whispering something and it made me roll my eyes. Gaya ng mga karaniwang Filipino parents, sinisikap nila akong hanapan ng pakakasalan upang makaahon sa kahirapan. May ipapakasal na sana sila sa akin ngunit nang bumagsak ang kumpanya ng aking ama ilang taon na ang nakararaan ay hindi na tuloy ang kasal. Kaya ngayon hinahayaan nalang nila akong mamuhay ng matiwasay dahil tiyak kong walang mga mayayaman ang gustong makipag-ugnayan sa aking pamilya lalo't kalat na kalat ang pag lugi at pag lulong sa casino ng aking ama.

Nakita ko ang mga magulang ko na kinukurot ang isa't isa habang naka upo kami sa hapagkainan upang kumain ng hapunan. Ginagawa nila iyon kapag may gusto silang sabihin sa akin. Ang unang sumuko ay siyang magsasabe kung ano ang gusto nilang sabihin. Ngumiwi si mama nang kurutin ng malakas ni papa ang braso niya. Pinandilatan niya ng masakit ang aking ama, habang hinimas ang kanyang braso.

"Umm.. Beatrice, kailangan ka naming makausap." Sabi ni mama na pilit na binanat ang ngiti dahil sa epekto ng pag kurot ni papa.

"Ano po iyon tungkol ba sa big project ni Dad? You look both happy kasi." Excited kong sabi.

"We almost have big project soon." Pinutol ni papa ang aming paguusap ni mama ng umubo siya ng malakas.

"Totoo?" Laking gulat ko.

"Oo, magiging maayos na ang buhay natin simula ngayon." Sabi ni mama with a genuine smile.

"Maganda rin ang buhay natin ngayon, mom. I don't even hate our current situation. We are in a decent area with a decent apartment. I am only frustrated about my job." Sabi ko na may mapait na tono ng pananalita. Alam kong magsisimula ang pag-uusap na ito tungkol sa halaga ng aming pamilya at hindi nga ako binigo ng aking ina.

"We are Asun family, Beatrice. The way we are leaving is a shame on Asun's name. We need to return our family name to its place. That's why, we think that it is better for you to get married." Sabi ni Mama na pa utal-utal dahil ata sa takot na magalit ako.

"Ito lang ang tanging paraan, Beatrice. Ikakasal ka sa isang mabuting pamilya upang maibabalik natin ang lahat nang nawala sa atin." Si papa na ang nag sabi na dapat sabihin ni mama.

"Woah.. Ano ba kayo? Saan nanggaling ang kasal na iyan? At sino ang ipapakasal niyo sa akin? Nag-uusap kayo na parang ayos na ang lahat at nag desisyon kayo na walamg pahintulot galing sa akin?" Umiling ako at sinubukang isubo ang natira kong pagkain kahit nanginginig na ang kamay ko sa galit.

"Well, it's almost fixed. The boy's family and I talked about it," Sabi ni Mama habang naka ngiti sa akin.

But inside my feelings, my reaction is panicking. Napakahirap para sa akin na labanan ang pamilya ko.

~Lucas Mitra Pov~

"Nangako ka sa kanila, ano pakiulit nga mommy?" hindi makapaniwalang tanong ko kay mommy mula sa aking narinig. Si mommy ay isang matalas na babaeng negosyante at halos lahat ng desisyon niya ay napapasakamay niya, kahit nga ako na 29 years old na hindi parin maka desisyon para sa sarili.

"I know you heard me well. Inayos ko na ang kasal niyo ni Beatrice, ang anak ni Amanda Asun ang aking komare. Nangako ako sa kanila na tutulongan ko silang ibalik ang dati nilang negosyong na bankcrupt." napa ubo ako sa sinabe niya, ano daw? tutulongan ang negosiyo? hindi ka guardian angel mom.

"How can you promise them something like that? It's my wedding, mom. You looks so many girls from very wealthy family but you chose that Amanda Asun's daughter. That Asun's family lost everything because of a very stupid investment and addictive in casino. You choose her daughter for what mom? Anong pinaplano mo?" Napailing nalang ako sa desisyon ni mommy, at hindi na ako nakapag salita pa.

"I chose her because unlike others she knows the importance of money and won't encourage any unnecessary luxury things. This girl is not materialistic, Son. Believe me she's kind, intelligent, pretty and probably submissive as well. This is exactly what I want for my soon to be daughter in law."

Alam ni mommy na hindi ako papayag sa gusto niya, kaya gusto niya agad akong ikasal sa anak ng kaibigan niya.

"I can't do it, mom. I am not ready to share my life without knowing her. I just want to enjoy my teenage life." Pamimilit ko.

Naningkit ang mga mata ni Mommy. "Noong twenty nine ang daddy mo, ay ikinasal na kami pero ikaw hindi pa handang magpakasal? Wala ka namang girlfriend o kahit sinong gusto mo, so anong problema dito? huwag mong sabihin hindi kapa naka move on sa haliparot at selfish na babaeng yon?" Here we go again, she always mention my ex every time we arguing.

"Mom! Can you please don't involve the person I don't see anymore. All I mean is I can't just marry someone whom I don't know and I am sure, I don't even remember her face." Sinubukan kong umiwas pero determinado talaga si mama.

"Meet her, tomorrow. I will let her parents know about it." Sabi niya sakin sabay alis sa dining table. Iniwan niya lang ang pagkain niya sa mesa na hindi manlang ginalaw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status