Share

CHAPTER 10

HINDI nagtagal ay tinutugpa na ng mga paa nila ni Dwight ang pampang. Para siyang robot na sunod-sunuran lang dito. Hindi pa rin sila nagkikibuan. Kapwa nagpapakiramdaman.

Pero habang naglalakad, ewan kung anong espirito ang pumasok sa kukote niya dahil pasimple niyang tinatapunan ito ng sulyap. Lalo na sa mamasel nitong mga braso at flat na tiyan. Naisip din niya kung ano kaya ang hitsura ng 6-pack abs nito? Aminado siyang noong sila pa ni Dwight ay hindi pa ganito katikas ang katawan nito. He changed a lot.

Pero teka, bakit pa ba niya pag-iinteresan ang mga maskels nito?

"Kung may balak kang maligo, hindi na kita masasamahan. Dito na lang ako," lakas-loob niyang sabi nang dere-deretso pa rin ito sa may dalampasigan. Naaabot na rin ng maliliit na alon ang mga paa nila.

"Hindi mo ako sasamahan maligo?"

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Wala akong maalalang sinabi ko na pati pagligo mo ay sasamahan pa kita. Ang sabi ko lang
Lee Jacobs

Hi Leesters! Thank-you for reading this chapter. Please continue to support this story!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status