Share

Chapter 9

KABANATA 9

••••••

"Hmm, let's find her" nakangising sabi ni Koshiro at tumingin sakin.

"O-okay, aalis na ako. Magsisimula na ang klase" sabi ko at dali daling naglakad papuntang classroom. 

"Good day, class. Pumunta kayong lahat sa swimming area. May P. E tayo" utos sa amin ng teacher. Sumunod ako kela Koshiro at kinuha ang swimming attire na susuotin namin. 

Buti nalang sakop nito ang buong katawan.

Napakurap ako ng mabilis nang makita kong sabay sabay silang naghubad at nagbihis.

"Tsk, magbihis ka na Ouen" 

"Ha? Naiihi kasi ako, cr lang ako" pagpapaalam ko at tumakbo papunta sa loob ng cr. Pumasok ako sa isa sa cubicle at naghubad. 

"Ouen? Nasaan ka?" boses palang alam ko ng si Ryan ang nagsalita. 

"Nandito ako sa pinakadulo!" may napansing akong lumipad paitaas at nahulog sa ulo ko ang isang saging. 

"Anong gagawin ko dito?" 

"Ilagay mo sa labas ng brief mo para bumukol!" 

"Ano?!" 

0_o

"Aish, sundin mo nalang" 

"Oo na, ito na nga e'. Baka naman malamog 'to?" 

"Matigas na saging yan" sinunod ko nalang ang sinabi niya at sinuot ang gagamiting swimming attire para sa P. E namin. 

Pagkalabas ko ay tumingin kaagad si Ryan sa nakabukol at nag thumbs up. Sabay kaming pumunta sa mga kaklase namin. Pagkarating namin ay hindi maiwasan ng mga kaklase kong tumingin sa ibaba ko, tinakpan ko naman ito at iniwas ang tingin. 

Bakit ba kasi kailangan ng ganito? 

May mga saging rin ba ang mga lalaki? 

Nakita ko namang nakatingin sa akin si Koshiro kaya iniwas ko agad ang paningin ko at lumapit sa magtuturo sa amin. 

"Sir, hindi po kasi ako marunong lumangoy pwede po bang hindi nalang ako lumangoy?"

"Kaya ka nga nandito para maturuan kang lumangoy" aniya ni sir at mahinang pinukpok ang ulo ko. Napakamot nalang ako ng ulo at sumabay sa pag stretching nila. 

Marunong naman ako lumangoy, ano lang baka kasi malaman nila na babae ako. Kinakabahan na kasi ako simula noong nalaman nilang may nakapasok na babae dito. 

"Ouen, it's your turn. Sa gilid pwede mong kapitan kapag hindi mo talaga kaya" sabi ni sir, hinanda ko ang position ko at ng pumito na si sir ay lumangoy ako ng pa freestyle, sa swimming sa free style ako mas nag eenjoy. 

Ano kayang pagkain mamaya? 

Nagugutom na ako

Matatanggal kaya yung saging? 

Umahon na ako at tinanggal ang goggles na nasa mata ko at inayos ang buhok ko. Tinignan ko saglit ang bukol sa gitna ko at mabuting hindi man lang ito nagalaw sa pwesto.

"I taught hindi ka marunong, but you're the fastest swimmer in this section. Good job" nakangiting pagpuri sa akin ng nagtuturo. 

"Thank you, sir" tinignan ko naman ang mga kaklase ko including Ryan na namamangha sa ginawa ko. 

"The class is over, maari na kayong magpahinga" 

"Yown, wooohh!" 

Pagkatapos ng klase ay sabay kaming dumiretso ni Ryan papunta sa dorm namin. Kanina ko pa napapansing tahimik si Ryan kaya hindi ko siya makausap.

"Ouen, huwag kang mag alala. Hindi nila malalaman na babae ka" seryosong sabi sa akin ni Ryan. "Ibalik mo lang ang ugali mo, hindi ako sanay na nakikita kitang tahimik at takot na may makaalam sa pagkatao mo" dugtong niya at niyakap ako. Napangiti naman ako at niyakap siya pabalik. Suwerte ako na nagkaroon ako ng ganitong kaibigan. 

"Hoy, ano yan!" agad ko namang natulak si Ryan at nilingon kung sino ang sumigaw sa pintuan. Nakita ko si Jaleb na nanlalaki ang mata habang nakaturo sa amin. 

"Ano na namang iniisip ng marumi mong utak ah!" sigaw ko sa kanya at nilapitan siya. 

"Bakit kayo magkayakap?" gulat na tanong niya habang nakatakip sa bibig. 

"Normal lang naman ang yumakap ah" 

"Oo nga. Yakapin mo nga rin ako, Kuya Ouen" sabi ni Jaleb at nagpacute sa harap ko. 

"Ayaw ko" 

"Sige na, pleaseee" 

"Ayaw ko nga." 

"Niyakap na rin ako nila kuya Leiyh dati, ikaw naman ang yumakap sa akin" 

"Hoy bata, ayaw nga ni Ouen. Ako nalang yakapin mo" singit ni Ryan habang hawak ang pwet at niyakap si Jaleb. 

"Anong kacheesyhan ang nangyayari dito?" sabi ni Leiyh. 

"Ano bang ginagawa niyo dito?" 

"Takas tayo, punta tayo doon sa bar nila Marshall" nakangiting sabi ni Koshiro. Kaya pala mas gwapo sila sa akin ngayon kasi pupunta sila ng bar. 

"Wala kaming susuotin" sabi ko sa kanila. 

"Okay lang yan, huhubaran din naman tayo doon kaya ano pang silbi ng damit, HAHAHA" sabi ni leiyh at tinanggal ang tatlong butones ng suot niyang polong black. 

"Anong huhubaran?!" sigaw ko

"Marami bang babae doon?" tanong ni Ryan habang malaki ang ngiti. Huwag mong sabihing sasama 'to sa bar. 

"Yes, here's your clothes." sabi ni Marshall at kinindatan kami. Kinuha agad ni Ryan ang damit na ibibigay at sinara ang pinto ng dorm namin para magbihis. 

"Saan nga ulit tayo pupunta?" tanong ko, nakalimutan ko kaagad kung saan kami pupunta dahil sa iniisip ko kanina. 

"Bar" maikling sabi ni Ryan habang nag aayos at nagpapabango. 

'Sa bar maraming babae' 

'Maraming alak' 

'Maraming saya ang mararanasan' 

Kinuha ko kaagad ang damit na ibinigay sa akin at sinuot ng mabilis. Nag gel na rin akong buhok at nagpabango. Nagpogi sign na rin ako, ganitong mukha ang gusto kong makita palagi. Ang perpekto kong mukha. 

"Let's go, boys!" sigaw ko habang tumatawa at inakbayan si Jaleb at Leiyh. 

"Huwag kang maingay, Ouen. Tatakas lang tayo" inis na bulong sa akin ni Koshiro. Nag okay sign naman ako sa kanya at sinundan kung saan sila dadaan para makatakas. 

Tumigil kami sa likod ng university at nakita ko kung gaano kataas ang aakyatin namin. 

"Pupunta ba talaga tayong bar o sa langit?" tanong ko sa kanila. 

"As if you're going to heaven, HAHAHA " sabi ni Marshall at tumawa tawa. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at tinignan kung ano ang susunod nilang gagawin. 

"Bakit kayo naghuhukay? Engkanto ba kayo?" naguguluhan kong tanong sa kanila ng makita kong naghuhukay sila ng lupa. 

"Ito na." bulong nila at may tinaas na kahoy at pumasok sila sa loob no'n. Sumunod na rin kaming dalawa ni Ryan at namangha kami ng malamang may short cut pala sila dito para makatakas. Akala ko pa naman aakyat kami sa dingding. Naglakad lang kami nang naglakad at nang makalabas kami ay may tumambad na sa aming kotse. 

"Pasok na" nag unahan kaming pumasok sa kotse at nagkwentuhan habang umaandar ang kotse. 

Ang dami kong nalaman sa kanila. 

Marshall Sullivan, 1st year college na siya, 19 yearsold at tatlo silang lalaki na magkakapatid. Siya ang pinakabunso ang mga kuya niya ay nagtatrabaho na at siya nalang natitirang mag aral. Matinik sa babae at palaging babae ang laman ng isip. 

Leiyh Hoo, 1st year college na rin siya, 19 years old. Buwan lang ang pagitan nila Marshall kaya parang parehas na rin sila. Siya ang pinakamatanda sa grupo namin. Nag iisa siyang lalaki sa limang magkakapatid, puro babae na ang iba. Medyo matured na siya mag isip pero kapag tinopak, hindi ko nalang alam. 

Jaleb Park, grade 11 student, 17 years old na siya. Siya lang daw ang nag iisang anak ng pamilya niya. Siya ang pinakabata sa amin. Makulit siya at madaldal, hindi siya nawawalan ng sasabihin. 

Koshiro Kazan Takeuchi, grade 12 student, 18 years old. Tatlo silang magkakapatid, dalawang lalaki at isang babae. Palagi siyang may regla---wait ang mga babae ay nireregla bakit ako wala pa? Back to the topic. Palagi siyang may regla, mainitin ang ulo, nasa kanya na lahat ng iisipin mong kasamaan ng ugali. 

Adryan Xaivery, grade 12 student, 18 years old. Dalawa silang magkapatid, si Ate Ericka pati si Ryan. Kababata ko ang isang 'to, tumigil siya sa pag aaral sa eskwelahan dahil gusto niya raw akong samahan mag aral sa bahay. May sapak ang isang 'to, halos magkaparehas lang kami ng ugali dahil palagi kaming magkasama kahit sa pagtulog. 

Ouen Preston Callanta, yeah. That's my name, my handsome name. a grade 12 student, 17 years old at nag iisang lalaki--- what i mean is nag iisang babae sa buong clan ng Callanta. Alam niyo naman siguro kung ano ang sitwasyon ko ngayon, ieenjoy ko nalang muna kung anong buhay ang mayroon ako ngayon. 

Gwapo naman silang lahat. 

Kayo nalang ang mag imagine kung gaano sila ka gwapo sa paningin niyo. 

Huwag niyo lang kalimutan kung gaano ako ka gwapo. Mas gwapo ako sa kanilang lahat. 

"Nababaliw ka na naman, Ouen. Tumatawa ka dyan mag isa. Nandito na tayo kaya umayos ka na" sabi ni Ryan at inayos ang buhok. Lumabas na kami sa kotse at nag usap usap.

"Makikita niyo kung gaano karaming babae ang lalapit sa akin" sabi ni Jaleb at ngumisi. Bata pa ba talaga ang isang 'to? 

"Tsk... chill guys. We all know who's the most handsome here." sabi ni Marshall at ngumisi. 

"Nakalilimutan niyo ata ako. Sa level ng kagwapuhan, ako ang pinakamataas sa inyong lahat" sabi ni Ryan at nag gwapo sign. 

"I'm excited" sabi ni Leiyh at kitang kita sa mukha niya ang excitement. Sabay sabay kaming pumasok at nagulat ako ng biglang nagtakbuhan ang mga babae papunta sa amin. 

Ngumisi ngisi pa si Marshall na nasa harapan ko dahil alam niyang sa kanya lalapit ang mga babae. Ngunit napatigil ako ng sa akin nagsilapit ang mga babae at hinila ako papunta sa dance floor. Tinignan ko silang lahat na nakanganga ngayon habang tinitignan ang mga babaeng nakapulupot sa akin ngayon. 

"Hi, baby. Ngayon lang kita nakita dito" sabi ng babaeng nasa kanan ko, napatawa naman ako ng mahina at bumulong sa tainga niya. 

"Ngayon lang din ako nakakita ng ganyan kagandang babae" bulong ko at tumawa ng mahina. 

"Hi, anong name mo?" napalingon naman ako sa kaliwa ko ng magsalita ito habang gumigiling giling. 

"Ouen" ngumisi ako at tumingin sa mga kaibigan kong nakabusangot ang mga mukha. 

"Puntahan niyo rin yung mga kaibigan ko" sabi ko sa mga babaeng nasa harapan ko na kung ano ano ang tinatanong. 

"Hey, drink this" sabi ng nasa kanan ko at inabot sa akin ang alak na hawak niya. 

"Sure, thanks baby" 

'Patay, hindi pa ako umiinom ng alak kahit kailan' 

Tinignan ko muna ang alak na nasa kamay ko at ininom. Kakaiba ang pakiramdam na nararamdaman ko ng inimon ko ang alak. Sinabayan ko nalang ang dalawang babaeng nasa tabi ko habang nakapikit. 

Nahihilo ako... 

Nag iinit ang pakiramdam ko... 

Ryan POV

I'm making myself busy by drinking in the counter. Nawalan ako ng gana mambabae ngayon. 

Tumalikod ako at nakita ko si Ouen na sumasayaw at dikit na dikit sa mga babaeng lumapit sa kanya. Uminom ba siya ng alak, medyo iba na kilos niya. 

Hindi pa naman yun umiinom ng alak. Napatayo ako ng makita kong tinanggal niya ang tatlong butones ng suot niya. 

yawa, mamaya maghubad ang bobong yan. 

"Ohhh, that was hot" bulong sa akin ni Marshall. 

"Sobrang hot naman ni Kuya Ouen" si jaleb

"Pambihira, mas marami pa siyang babae na nabingwit kaysa sa atin" sabi ni leiyh habang nakaakbay kay Koshiro

Napatingin naman ako sa kanila at sabay sabay kaming napalunok ng tumingin sa amin si Ouen, naglipbite siya at kinindatan kami. 

"We are boys." sabi ni Marshall habang nahihirapang magsalita. Nabalik kami sa ulirat ng tumili ang mga nasa unahan naming mga babae dahil sa ginawa ni Ouen. 

"Y-yes" sabay sabay naming sang ayon sa sinabi ni Marshall. Nakita naming binigyan ulit siya ng babae ng alak at ininom niya naman agad ito at niyaya niya ang dalawang babae na umupo sa couch sa gilid. 

"Pumunta tayo dito para magsaya hindi para panoorin si Ouen" sabi ni Leiyh, sabay sabay naman kaming umiwas ng tingin kay Ouen at pumunta sa mga kanya kanya naming babae. 

__

Tatlong oras lang kami sa bar dahil may pasok pa kami bukas. Inalalayan ko na si Ouen pumasok sa kotse at pumasok na rin ako at umupo. 

"Ang daya, si Ouen lang ata nag enjoy" nakangusong sabi ni Jaleb. Hindi siya nalasing dahil juice lang naman ang pinainom namin sa kanya. 

Sabay sabay naman kaming napatingin kay Ouen na nakasandal lang sa akin. Hindi kami masyadong natamaan ng alak dahil nakatatlong bote lang naman kami maliban kay Ouen at Koshiro na mahina ang tolerance sa alak, mabuti nalang kahit papaano ay nakatatayo naman si Koshiro. 

Nahihilo lang ako. 

Pinaandar na ni Koshiro ang sasakyan at nang makauwi na kami sa leiven ay pumunta na kaming dorm nila Koshiro, doon nalang daw muna kami matulog. 

"Ako na muna ang aalalay sa kanya" sabi ni Koshiro at inagaw sa akin si Ouen na dumidilat dilat na. Umupo na muna kaming lahat sa upuan at tinignan si Koshiro sa pag alalay kay Ouen. 

Pipikit na sana ako ng makita kong hawakan ni Ouen ang pisngi ni Koshiro at dahan dahang nilapit ang labi niya kay Koshiro. 

Pipigilan ko sana sila ng matumba ako, ang tanging nagawa ko nalang ay ang tignan silang naghahalikan. Nakita kong hinawakan ni Koshiro ang likod ng ulo ni Ouen para idiin si Ouen sa kanya at yumukod para mas mailapit ang katawan niya kay Ouen para diinan ang halik.

"Gago ka, Koshiro" bulong ko at pinilit na tumayo para pigilan siya. Nagulat ako ng biglang tumalsik si Koshiro dahil sa pagkakasapak ni Leiyh. 

"Walang ganyanan, Koshiro" seryosong sabi ni Leiyh at binuhat si Ouen na bagsak ngayon at pinasok sa kwarto. Pinilit ko ng tumayo ng maayos at papasok sana sa kwarto ni Ouen para magpahinga na ng pigilan ako ni Marshall.

"Let's sleep together." 

___

Ouen POV

"Ouen, gising na" sabi niya at tinapik tapik ang pisngi ko para magising. 

"Ang sakit ng ulo ko" dahan dahan naman akong umupo at hinawakan ang ulo ko. Inalalayan akong maglakad ni Leiyh papunta sa sala ng dorm nila dahil pagewang gewang pa ako maglakad. Nakita ko silang tahimik na hinihintay ako. 

"Hey, zup" sabi ko at umupo sa upuan ko. "Grabe, ang sakit ng ulo" dugtong ko pa at uminat inat. Tinignan ko naman sila na sobrang tahimik at iniiwas ang tingin sa akin. 

"Bakit ang tahimik niyo?" tanong ko at nagsimula ng kumain at tinanggap ang binigay na kape ni Leiyh. 

"Huwag ka na ulit iinom, Ouen" seryosong sabi ni Ryan at kumain. 

'May nagawa ba akong masama kagabi?' 

"Nagwala ba ako kagabi? Pasensya na ah, first time ko lang kasi uminom"

"Worse" sabi ni Marshall at dahan dahang kumain. 

"Ta's may pumatol naman" singit ni Ryan. Napatingin naman ako kay Jaleb na kanina pa patawa tawa sa gilid. 

"Hoy, Jaleb! Kanina ka pa tawa nang tawa. Sabihin mo nga sa akin kung anong ginawa ko kagabi" magsasalita na sana si Jaleb ng takpan ni Leiyh ang bunganga niya. 

"Wala rin akong maalala kagabi. May nangyari ba, kanina pa kayo ilag sa akin" nakakunot noong tanong ni Koshiro habang nagkakamot sa batok. Tinignan ko kaagad ang suot kong damit at nakita kong nakabukas ang butones nito. 

"Huwag niyong sabihing narape ako?" kinakabahang tanong ko sa kanila at tinakpan ang katawan ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status