Share

Chapter Twenty-Seven: A Gift To Her

Maagang nagising si Haydyn dahil sa tunog ng kanyang alarm clock. Binalingan niya ng tingin ang wall clock na naka sabit sa dingding ng kanyang silid at quarter three pa lang ng umaga nagbubulabog na ang kanyang alarm clock. Inis niya itong pinatay saka bumangon. Kinuha niya ang telepono na nasa mesa gilid sa kanyang kama. Halos isang daan na ang ginawa niyang pagtawag sa asawa pero hindi pa rin niya ito makuntak. Naiinis siya sa isipin na kasama ang kambal niya dito. Malaki ang gusto ni Hendrix sa kanyang asawa kaya impossible na walang mangyari sa kanila. 

Iniling na lamang ni Haydyn ang nasa isip at sinimulang kuntakin ang asawa. Dalawang tawag pa lang ang kanyang nasubukan pero parang gusto na niyang manuntok ng tao dahil sa inis. Out of coverage area pa rin ang sumagot sa kanya kaya itinigil muna niya ang pagkuntak. Daig niya pa ang babae na hindi mapakali kung ano ang gagawin. Bumaba siya sa kama at tinungo ang kusina para ipaghanda ang sarili ng kape

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status