Wala ako sa aking sarili ng maihatid ako pabalik ni kuya Zach sa amin. Blangko ang mga mata ko at maging ang pakiramdam ko ay wala. Hindi ko nga alam kung ano ang sinasabi ni kuya Zach sa akin kanina habang bumabyahe kami pabalik dito. Maging si mommy ay hindi ko naririnig ang sinasabi niya sa akin. Naging tahimik ang paligid ko. Pagka-akyat ko sa aking k'warto, ni-lock ko ito at hinarangan ng aking gaming chair. Ayokong may kumausap sa akin ngayon. Nilapag ko sa tabi ng aking table ang pinamili namin. Nakalimutan ko tuloy ang bagong bag, hindi ako nakabili. Umupo ako sa sahig ng aking k'warto at sumandal ako sa gilid ng kama. "Bakit mo nakalimutan ang anniversary natin, Xerxes? Hindi lang niyon kasama mo pa si Edel. Hindi ka na ba masaya sa relasyong mayro'n tayo?" Huminga ako nang malalim at pinalo nang mahina ang aking dibdib. Sinandal ko ang aking noo sa tuhod ko. "Pinaglalaban kita laban sa sakit na mayro'n ako..." aniya ko sa aking sarili at
Para pa rin akong nakalutang sa alapaap dahil sa nangyari kahapon. Ang sarap sa pakiramdam ang ginawang sorpresa ni Xerxes sa akin. Ang dami ko tuloy na-upload na pictures namin sa facetagram ko, nagcomment nga si Tiny, e. "Hala, kayo na ang sweet na couple. Hmmp! Happy anniversary to my fave couple!" Na-heart ko tuloy ang comment niya at ang maging ibang nagcomment sa post ko. Tinaas ko ang aking index finger, pinagmasdan ko ang singsing na binigay niya sa akin. Simple lang ito na crown ang design at may naka-engrave na 'X' and 'A'. Xerxes and Alistair. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya kagabi, lumuhod lang naman siya sa akin at sinabi ang mga sinasabi ng mga nagpo-propose sa mga kasintahan nila. "Ali, si Xerxes nasa ibaba." Napatingin ako sa pinto ng k'warto ko ng may kumatok at nagsalit roon, si mommy."Mommy, bababa na po ako!" masayang sabi ko sa kanya at tumayo na sa aking gaming chair. Magtatype na sana ako ng aking
"Good morning, World!" masayang bati ko sa aking sarili sa salaming nandito sa k'warto ko.Ang ganda ng panaginip ko kagabi. Isa raw akong bida sa isang k'wento tapos ang prince charming ko si Xerxes. Kinasal kaming dalawa at nagkaroon ng maraming anak sa panaginip ko.Panaginip. Napaisip ako bigla dahil sa panaginip ko. Mangyayari pa kayo iyon? O, magiging isang panaginip lang ang mga iyon? Iniling ko ang aking ulo upang mawala ang aking iniisip. Hindi dapat ako magpatalo roon. Lumalaban ako para sa kanya at kila mommy. Matatalo kita, gagawin ko lahat para manalo kontra sayo at saka ko pinalo nang mahina ang aking kaliwang dibdib.Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko, "wake up, Ali! Dapat maging masaya tayo dahil gumagana ang gamot sa atin kaya 'wag tayo mag-isip na hindi maganda." kausap ko sa aking sarili sa salamin. Ngumiti ako sa huling pagkakataon sa salamin bago pumasok sa bathroom, maliligo na muna ako at bababa na rin. Mamaya na ang laban nil
"Babe?" Napataas ang aking tingin ng may marinig akong tawag galing sa labas ng pinto ng k'warto ko."Yes, pasok ka po." sabi ko sa taong nasa labas ng k'warto ko. Kumatok muna ito ng tatlong beses at nakita kong pinihit na niya ang seradura ng aking pinto. Niluwal nu'n si Xerxes na naka-jersey short and plain black shirt ang suot niya. Napatigil ako sa aking tinatype sa laptop at sinara na ito. "Ba't naka-jersey ka? Maglalaro ka rin, Xerxes?" pagtatanong ko sa kanya at tinignan ang suot niya mula ulo hanggang paa niya. Umiling agad siya sa akin, "ito lang sinuot ko. Sabi kasi ni mom." nahihiyang sabi niya sa akin at napahawak pa siya sa kanyang batok. "Ah, akala ko isa ka rin sa member nila kuya Zachary, e. Pupunta na ba tayo? Tapos ka na mag-review?" pagtatanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin, "tara?" Nilahad niya sa akin ang kanyang kanang kamay at sabay kaming bumaba."Hindi review ginawa ko kanina, Ali, mismong examination na i
"Xerxes, dalian mo ang kilos. Mahuhuli tayo sa pagsundo kay Tiny. Aawayin tayo nu'n!" sigaw ko sa kanya.Paano kasi ang bagal niyang kumilos para siyang pagong. Kung 'di pa ako pumunta sa bahay nila, naghihilik pa siya dahil sa kalasingan. Buti na lang 'di siya pinagalitan ni tita Mia maging si kuya Zachary din kasi lasing. Nanalo sila kagabi sa game nila kontra Maravilla University, iyon din kasi ang pangalan ng team nila. Pinangalan nila ang campus nila.Sobrang daming tao sa bahay nila Xerxes kagabi, pumunta rin kasi ang mga teammates ni kuya Zachary kaya sobrang gulo at ang ingay ng buong paligid kagabi. Hindi ko na nga napagilan si Xerxes na huwag uminom, paano naman kasi tinawag ako ni mommy tapos pagbalik ko ayon nasa table na ng mga player si Xerxes, nakiki-inom na rin. "Ayan kasi uminom ka kagabi. Sinabihan na kitang susunduin natin si Tiny sa airport. Ikaw talaga, Xerxes. Pasaway ka kahit kailan, 'di ka naman marunong uminom, e." sermon na sabi
"Welcome home, Tiny! Welcome to the Philippines!" masayang bungad ko sa aking bestfriend ng makita ko siyang naglalakad palapit sa amin. "Ang kinis ng face mo, Tiny!" sabi ko sa kanya. Iyon talaga ang unang napansin ko, walang pores ang face niya. "Sira! Hindi ka pa rin nagbabago, Ali." suway niya sa akin at pinanggigilan ang aking pisngi. "Late kayong dalawa, ano?" sumbat niya sa amin pero may pagtatanong sa kanyang sarili."Hindi, ha?! Ang aga kaya namin dumating, 'di ba, Xerxes?" pagtatanggi ko sa kanya. Pinandilatan ko nang palihim si Xerxes para tumango siya kay Tiny.Tinapik ni Tiny ang pisngi ko, "lumalabas na naman niyang mannerism mo, Ali." Turo niya sa aking mata. "Pinandidilatan mo si Xerxes tapos kinikiskis mo niyang palad mo. Ganyan ka 'di ba kapag kinakabahan." pang-aasar niya sa akin.Napanguso ako sa sinabi niya. Hindi pa rin niya nakakalimutan itong mannerism ko. "Hindi ko naman kasalanan na late kami dumating. Si Xerxes kasi," t
"Kinikilig ako sa pinag-usapan natin kagabi, Tiny! Sana makita natin pangalan niya sa bulletin board!" masayang ani ko sa kanya habang kumakain kami rito sa dining. "I just wish he could enroll, Ali! Para malaman natin ang kursong kinuha niya." marahan na sabi niya sa akin at tumango ako sa kanya. Sumubo ako ng aking pagkain at nginuya ito. "Gwapo ba si Griffin? Ngayon lang kitang nakitang na-inlove, ha? Talagang sinundan mo pa siya." pang-iintriga kong sabi sa kanya at sumubo ulit. Ngumiti siya sa akin nang napakalaki, "Sort of, Ali. Hindi ko siya maikumpara sa ibang lalaki." Kuminang lalo ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. "Mommy!" hiyaw kong tawag, "si Tiny inlove na po siya, mommy!" "Huwag ka ngang maingay, Ali! Nakakahiya ka! Ako ang nahihiya sayo, e." saway na sabi niya sa akin at pinalo pa niya ang aking kamay. "Natutuwa lang kasi ako sayo, Tiny. Nu'ng mga bata pa tayo matatakutin at takot kang lumapit sa ibang lalaki kaya nga naging m
"Last week na ng bakasyon. Pasukan na this monday." bagot na sabi ko kay Xerxes.Nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan dito sa tapat ng bahay namin kung minsan binibilang ko ang mga kotse na dumadaan sa tapat. "Hay!" malakas na buga ko, "nakakatamad na araw, Xerxes!" ani ko sa kanya pero tumingin lang siya sa akin at bumalik ulit sa kanyang binabasa. Nagbabasa siya ng isang english novel. Hindi ko alam ang title nu'n pero wala akong ganang magtanong sa kanya. Napatayo ako ng makitang may naglalakong dirty ice cream. Kumaripas ako nang takbo paloob sa bahay namin na hindi nagpapaalam kay Xerxes. Kumuha ako ng pera sa coins purse ko at lumabas na rin, "kuya ice cream, pabili po!" marahan na tawag ko sa kanya buti na lang naabutan ko pa siya. Huminto ito sa tapat namin. "Iyong tinapay po, kuya. Dalawa po!" tukoy roon sa tinapay na nabibili rin sa mga bakery. Masarap kasi niyon lalo na kung ice cream palaman. Nakatingin lang ako kung paano siya