Share

Kabanata 9

Kabanata 9

Kon had to rush to the hospital when he heard the news. Mabigat man sa loob niyang hindi matupad ang pangako kay Saki na maglulugaw sila, kailangan niyang unahin ang nangyari dahil walang ibang makatutulong sa matandang janitor kung hindi siya.

It was the man he paid to watch over Lori who called him. Nag-hire siya ng sariling nurse para rito nang hindi nalalaman ni Tatay Manny upang masigurado niyang lahat ng kailangan ay nairereport sa kanya. Si Lori na lang ang mayroon ang janitor at dahil hindi siya nito itinuring na iba, walang sawa niya itong tutulungan sa abot ng kanyang makakaya.

Napabuga siya ng hangin matapos niyang ipasok sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone. Lumabas siya mula sa fire exit kung saan niya sinagot ang tawag, saka siya bumalik sa silid ni Lori, ang panganay ni Tatay Manny na nadiagnose na may butas sa puso. Lori's younger sister was taken by their mother. Naghiwalay kasi si Tatay Manny at asawa nito noong apat na taong gulang si Lori. Sumama ang asawa niya sa mayaman kesyo para raw sa pagpapagamot ni Lori ngunit para kay tatay Manny ay tinapakan ang pagkalalaki niya. Mula noon ay tinaboy na niya ang asawa at binuhay mag-isa si Lori. Mabuti na lang at kasama nila sa bahay ang kapatid ni Tatay Manny at ang pinsan ni Lori na si Lianne kaya naman may nagbabantay sa dalaga kapag nasa trabaho ang ama.

Lori's case is very sensitive. Hindi ito maaaring basta lang makaramdam ng sobrang emosyon. Iyong perang pina-raffle kunyari ni Kon at Keeno, ginamit para sa operasyon ng dalaga. Bagama't may mga organisasyong tumulong, naiwan pa rin ang malaking halaga na kinailangang bayaran.

Tulog na si tatay Manny na extrang bed na naroon ngunit nang pumasok si Kon sa silid, napansin niyang nakamulat si Lori at malungkot na nakatitig sa ama. Agad naman nitong pinalis ang namuong luha sa mga mata nang makita si Kon, bago ito pilit na ngumiti.

"Kanor, anong oras na hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Lori.

Kon forced a smile before he grabbed a chair. Naupo siya sa tabi ng kama ni Lori saka sinulyapan si Tatay Manny. The truth is, he rushed to the hospital because the old janitor passed out. Hindi pa pala ito kumakain at wala pang tulog dahil sinubukang kumuha ng extrang trabaho. Hindi maiwasang masaktan ni Kon. People like Tatay Manny does not deserve to suffer in life. Para kasi sa kanya ay masyado itong mabait para pahirapan ng mundo.

"Dito muna ako hanggang sa magising si Tatay Manny. Baka kailanganin niya ako mamaya." Nabaling kay Lori ang kanyang tingin. "Bakit gising ka pa?"

Lori breathed in deeply. "Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako kay Tatay, Kanor. Masyado na akong maraming problemang ibinigay sa kanya pati na kay tita at ate Lianne."

"'Wag mong sabihin 'yan. Masama sayo ang masyadong nag-iisip." Paalala niya rito ngunit tuluyang naluha si Lori.

"Mahal na mahal ko ang tatay ko, Kanor. Pangako ko sa kanya noon na paglaki ko, iaahon ko siya sa hirap...pero dahil sa lintik na sakit ko, kahit nagkaka-edad na ang tatay ko, pabigat pa rin ako." Humikbi si Lori. "Wala akong silbi, Kanor. Kung sana ay tinanggap ko na lang ang alok ng Mama ko na iwan si Tatay, baka wala na siyang problema ngayon."

"Lori, mahal na mahal ka ni Tatay Manny at ikaw na lang ang lakas na meron siya. Tatagan mo sana ang loob mo kahit para na lang sa kanya." Kanor sighed as he reached for Lori's hand to give it a squeeze. Pilit siyang ngumiti para pawiin ang sama ng loob nito. "Next week lalabas ka na. Bakit hindi tayo maghanda sa inyo? Namimiss ko na ang magvideoke kasama sina Lianne at nanay Maria."

Natawa si Lori. "Ang panget kaya ng boses mo."

Tumaas kunwari ang kilay ni Kanor. "Hoy, ako ang may pinakamataas na score palagi."

"Kasi sinisigawan mo 'yong mic." Natatawang ani ni Lori. Mayamaya'y huminga siya nang malalim. "O—Oo nga pala. Nakwento ni Tatay ang tungkol sa babaeng laging naghihintay sayo sa labas ng building ninyo." Iniwas nito ang tingin habang namumula ang mukha. "N—Nagseselos ako."

Hindi naiwasan ni Kanor ang makamot ang kanyang patilya. Lori has always been vocal with her feelings for him. Noon pa man ay malaki na ang pagkagusto niya rito kaya naman natatakot siya kapag ito ang nagiging usapan nila dahil nang minsang sabihin niya sa dalaga na hindi pa niya iniisip ang pagkakaroon ng karelasyon, inatake ito dala ng sama ng loob.

"Kaibigan ko lang si Saki, tsaka patay na patay ang babaeng 'yon sa mga Ducani kaya imposibleng magkagusto sa akin ang isang 'yon." Tugon niya kahit ang totoo, gusto niya si Saki. Mali. Gustong-gusto niya ang tigresang iyon.

Hindi pa nga lamang ito ang tamang oras para malaman iyon ni Saki. May gusto pa munang patunayan si Kanor. Isang bagay na alam niyang pinakamahalaga sa lahat.

Halos padabog ang pagbuklat ni Saki sa folder ng designs para sa upcoming project ng kanilang team. Palibhasa ay maghapong mainit ang ulo niya dahil sa lintik na Kanor na iyon na hindi pa nagpaparamdam sa kanya kaya pati ang mga kasama sa team ay napagbuntunan niya ng inis.

Alas kwatro y medya na ng hapon. Thirty minutes na lang at lalabas na siya ng trabaho pero hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung pupunta ba siya sa Ducani Empire ngayong araw. It's been raining cats and dogs since morning at syempre, wala na naman siyang dalang payong. Ayaw niya namang magpakabasang sisiw para kay Kanor na inindian siya sa lugaw date nila.

Tuluyan niyang nahampas ang kanyang mesa. At saan naman nanggaling ang mga salitang iyon sa isip niya? She doesn't come to the Ducani Empire for Kanor. Para sa future asawa niya ang effort niya kaya bakit sasabihin ng kanyang isip na para kay Kanor? At date? Bakit niya maiisip na date iyong paglulugaw nila kung ayaw niya sa ganoon?

Nahilamos niya ang palad sa kanyang mukha. She can't be falling for that janitor, can she? Hindi iyon ang plano. Ang misyon ay maging Mrs. Ducani hindi maging hamak na Mrs. Baltazar lamang!

"Ah! This is getting more and more frustrating!" Singhal niya sa sarili ngunit mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalakeng tantya niya ay nasa late twenties. He's wearing a smart casual ensemble of blue polo shirt and black pants match with a rolex watch, and by the way the man was dressed, Saki knew, he is an expensive fish. Idagdag pa ang western features nito na napakalakas maka-Hollywood vibe.

Look at that sharp jawline and protruding pair of dark green eyes? He looks sexy.

Kasing sexy ni Kanor... 

Nanlaki ang kanyang mga mata sa naisip kaya naman nang makita ng lalake ang kanyang ekspresyon ay bahagyang kumunot ang noo nito.

"Uh, is everything okay, Miss?"

"H—Ha?" Namula ang kanyang mukha sa hiya. "Y—Yes. Everything's fine." She cleared her throat. "Who are you by the way?"

"Oh, I'm Brent. Calliso Hotel sent me to check if you're already done with the planning? Kailangan kasing aprubahan ng boss ko 'yan." Sagot nito.

"Ah, yes." Tumango-tango siya at imwinestra ang kamay. "Please, have a seat. I'm actually on the final review already. Balak ko sanang i-send sa inyo sa susunod na araw."

"I see. Are you—" tumunog ang cellphone ng lalake. "Sorry, one second. Sir?"

Hindi alam ni Saki kung bakit ngunit nang marinig niya ang boses ng kausap ng lalake ay pakiramdam niya pamilyar ito sa kanya. Napalunok siya at napatingin sa kanyang cellphone, tila may kung anong ideyang naglalaro sa isip.

Mayamaya'y hindi na niya napigilan ang sarili. Dinial niya ang numero ni Kanor, ngunit busy ito. Hindi tuloy niya naiwasang pangunutan ng noo. Ngunit imposible. Napakaimposible.

Napailing na lamang siya sa kahibangan at ibinalik sa mesa ang kanyang cellphone.

Her discussion with Brent went on, hanggang sa matapos ang lahat. Sakto namang tapos na rin ang oras ng kanyang trabaho pero sa unang pagkakataon, hindi siya ang unang nagmamadaling umuwi. She stayed in her office, looking up at the ceiling hanggang sa hindi na siya nakatiis st dinial ang numero ni Kanor.

It took three rings...before she heard a woman pick up the phone. Dalawang beses itong nag-hello bago siya nakakibo, habang unti-unting sumisikip ang dibdib.

Saki cleared her throat. "H—Hello? Where's Kanor?"

"Lumabas siya para bumili. Sino ka?" 

Hindi gusto ni Saki ang tono ng babae. Naniningkit ang kanyang mga mata at naikuyom niya ang kanyang kamao. "I'm Saki. And you are?"

Sandaling tumahimik ang kabilang linya. Mayamaya ay narinig niya ang pagbuntong hininga ng babae.

"Girlfriend niya. May problema?"

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Genevieve Mendoza
great story
goodnovel comment avatar
Jose Tan
love the story pero Ang mahal!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status