Share

Kabanata 8

Kabanata 8

Nahaplos ni Saki ang kanyang mga labi habang wala sa sariling naglalakad patungo sa taxi bay. Pakiramdam niya ay nakalutang pa rin siya sa ere kapag naaalala niya kung paanong matapos niyang itango ang kanyang ulo, tuluyang lumapat ang malalambot na mga labi ni Kon Ducani sa kanyang mga labi.

It was quick, but magical. Like a kiss of a prince in a fairytale she used to dream about when she was young. Ni hindi nga gumalaw si Kon at pareho lamang na sumara ang kanilang mga mata habang dinadama niya ang bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.

Para siyang nanaginip. Tila hindi pa rin nga niya mapaniwalaang nahalikan siya ng isang Ducani. Talaga nga yatang pagdating sa Ducani, nahuhubad ang maskara niyang tigresa.

She squirmed and then tried to calm herself down again. Para siyang timang sa itsura niya at pasalamat na lamang siyang madaling araw na kaya kaunti na lamang ang pwedeng makakita sa kanya.

Dinukot niya ang kanyang phone sa kanyang pouch bag saka dinial ang numero ni Kanor. May usapan silang maglulugaw at alam niyang iyon ang pinaka perfect time para ipagmalaki rito na pumasa siya sa isang Ducani. Sayang nga lang at masyado siyang nalasing sa halik nila at nakalimutang kunin ang numero nito. Isa pa, pagkatapos siya nitong halikan, nagpaalam na itong uuwi na dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin. Ang akala nga niya ay nadismaya ito sa halik na pinagsaluhan nila pero nang ngitian pa siya nito saka sinabing "I will remember that. Thank you, Saki," halos malaglag siya sa silyang inuupuan niya.

This night is as magical like in the movies. Panalangin na lamang niyang hindi ito ang una at huli kung hindi ay baka talagang magresign na siya sa trabaho niya at mag-apply na lang na janitress sa Ducani Empire gaya ni Kanor. Mukha namang maganda ang compensation plan sa kumpanyang iyon dahil parang ang daming pera ni Kanor para magpa-derma at manlibre ng sasakyan pauwi.

Labag man sa loob niyang kumain ng lugaw dahil hindi iyon makatarungan sa gandang mayroon siya, gusto niyang makita si Kanor nang masampal niya ito ng katotohanang malaki ang tyansa niyang maging isang Mrs. Ducani. Napangisi tuloy siya nang ma-imagine kung ano ang magiging reaksyon ni Kanor kapag nalaman nitong hinalikan siya ng isang Ducani.

Nangunot ang kanyang noo nang hindi sinagot ni Kanor ang tawag niya. Dati rati naman ay sandali palang, sinasagot na kaagad nito ang tawag na animo'y hinihintay nito ang tawag niya.

Naisip na lang niyang idial ulit ang numero nito ngunit nang tatlong ring pa lang ay pinatay na nito ang tawag niya, takang-taka siyang napatitig sa kanyang phone.

Aba't ang hinayupak? Ako pa talaga ang pinapatayan ng tawag?

Mariing magkalapat ang kanyang mga labi habang nagtitipa ng text para rito. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya gayong pinatayan lang naman siya nito ng tawag.

"Hoy ano na? Akala ko ba kakain tayo ng lugaw?!" Aniya sa text, pilit kinakalma ang sarili alang-alang sa wrinkles-free niyang mukha. Hindi siya papayag na magkakaroon siya ng mga guhit sa mukha dahil lang may damuhong tinotopak ngayong gabi at ayaw sagutin ang tawag niya.

Wala pang ilang minuto ay nakapag-reply na ito. Ibig sabihin ay gising pa ang loko pero kung patayan siya ng tawag akala mo ay hindi ito ang nagyaya sa kanya. Ang mga lalake nga naman.

"Wag na inaantok na ko. Umuwi ka na." —Kanor

Naningkit ang mga mata ni Saki kasabay ng unti-unting pagkulo ng kanyang dugo. No, she isn't being this impulsive just because she's on her period, but because Kanor is being annoying right now in a way she can barely recognize. Never. Never siya nitong tinanggihan o inindian at hindi niya iyon matanggap!

Ayan ang napapala mo! Sinabi na kasing huwag mong sinasanay ang sarili mo sa presensya ng isang tao.

That's the sad part of life. We do not control other people's mind and heart. They can change in a snap if they want to. Childish man isipin pero ito ang pinakaayaw ni Saki sa lahat.

Magtitipa sana siya ng sagot nang muling nagtext si Kanor. Nang mabasa niya ito ay halos mabasag ang mga ngipin niya sa sobrang pagngingitngit dala ng inis.

"Umuwi ka na. Tinatamad pa kong makita ka." —Kanor

"Aba't!" Halos pumutok ang kanyang mga ugat sa ulo. "Ang punyetang ito?! Ang kapal ng mukhang tamaring makita ako?!" Singhal niya sa kanyang cellphone. Kung hindi lang ito bago, siguradong naihagis na niya ito dala ng sobrang bwisit kay Kanor.

Teka bakit ba siya naiinis? Was it because she finds his reply offensive on her end or because she isn't used to seeing Kanor this way. Pinagtitripan ba siya ng kumag o totoo ang sinasabi nito? Tanong niya sa sarili pero kasalanan din yata ng alak sa kanyang sistema dahil natatalo na ng kanyang emosyon ang kanyang rasyonal na pag-iisip.

"Ang kapal mo magyaya hindi mo naman pala itutuloy. Bwiset! At FYI, MAS NAKAKATAMAD MAKITA YANG LETSE MONG MUKHA!" Reply niya rito bago siya sumakay ng taxi at sinabi ang kanyang address.

Nang muling tumunog ang kanyang cellphone ay dali-dali niyang tinignan ang sagot nito.

"Okay, sorry. Tulog na ko."

Napaawang ang bibig niya. Jusko patawarin! Pero gusto niya yatang sugurin ito at komprontahin kung bakit biglang ganito ang pakikitungo nito sa kanya.

Calm your self down, Saki. Ang ganda-ganda ng gabi mo. Paalala niya sa sarili, ngunit hindi niya pa rin magawang alisin ang kanyang inis. Siguro ay dahil kahit kailan, hindi siya tinantanan ni Kanor at kapag nagyayaya ito, talagang hindi ito titigil hangga't hindi siya nito napapapayag. Isa pa, hindi natutulog ang kumag na hindi man lang nakakapag-goodnight sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang manibago.

Sa huli, hindi rin niya natiis na hindi magtipa ng text para rito. Ayaw niya naman ng lugaw pero sa hindi malamang dahilan, natagpuan na lamang niya ang sariling tinitext si Kanor ng mga salitang hindi niya inasahang sasabihin niya dala ng inis niyang hindi niya matumbok kung saan ba talaga nagmumula.

"EDI MATULOG KA! BANGUNGUTIN KA SANA! MAGLULUGAW AKONG MAG-ISA!"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Genevieve Mendoza
interesting
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status