Share

Kabanata 7

Kabanata 7

Kon sipped on his glass of champagne while looking at the scene at the end of the staircase. Prenteng nakakalso ang isa niyang kamay sa wooden railing habang ang mga mata ay hindi naaalis sa dalawang pamilyar na bultong kanina pa niya pinanonood nang lapitan siya ng kapatid na si Keeno kasama ang sekretarya nito. Ang dalawa ay parehong suot ang kanilang mga maskara gaya niya at ang mga mata'y sinundan ang direksyong kanyang tinitignan sa ibaba.

Tinapik ni Keeno ang kanyang balikat saka ito ngumisi. "Look who Krei just found?"

Umismid si Hayriss. "You're lucky it's not Keios who's talking to her right now, boss."

Kon smirked before he drank the last of his champagne. "Keios likes the innocent ones. That woman is a tigress." Tumingin siya kina Keeno at Hayriss. "Trust me. Hindi rin siya uubra sa isang iyan kung nagkataon."

Mahinang natawa si Keeno. "And Krei isn't going to hit on that girl if he knows you like her."

"Should I warn sir Krei?" Alok ni Hayriss sa mapanuyang tono.

Binasa ni Kon ang kanyang ibabang labi bago nilawakan ang kanyang ngisi. "Takot lang ni Krei na mangaliwa. Baka lahat ng kaso na meron ang bansang ito, ipataw sa kanya ng girlfriend niya pag nagkataon."

Pare-pareho silang natawa sa kumento niya. Keeno knows Kon made a good point anyway. Ipapanalangin na lamang niyang hindi magkabukuhan si Saki at Kon ngayon gabi kung hindi ay sira ang plano ng kapatid. He knows why Kon is doing all this disguise in front of Saki. Lumaki man sa hirap ang kanyang kuya Kon at malayo sa nakagisnan nilang apat, ito naman ang pinakananiniwala sa tunay na konsepto ng pag-ibig. Hindi niya ito masisisi. Khalil Ducani had fallen inlove with Kon's mother in the most unexpected way. Siguro kung hindi lang magulo ang pamilyang mayroon ang kanilang tatay, hindo siguro sila nabuhay sa mundong apat.

But despite how their dad and Kon's mother's love story ended, the brothers decided to put the past behind them. Mas nagfocus sila sa pagmamahal bilang magkakapatid at iyon ang pinakamahalagang bagay para sa kanilang mga nakakaalam ng katotohanan tungkol kay Kon.

Nilabas ni Kon ang kanyang phone at nagtipa ng text para kay Saki bago sila inaya ni Sancho Lankova na sumali na sa kasiyahan sa baba.

Keeno and Hayriss went down firat together with Sancho. Nang tuluyang nakarating sa ibaba ang tatlo, inaya na rin nila si Krei, dahilan upang maiwan sa ibaba si Saki.

Lumunok si Kon at pinatay ang kanyang cellphone. There's this idea going on inside his head and no matter how crazy and risky it may sound, gusto niyang subukan. Bahala na lang si Batman. Basta ngayong gabi, gusto naman niyang ipakilala si Konnar kay Saki. The most mysterious among the Ducani's.

"WAG MONG KAKALIMUTAN. May schedule tayong maglugaw date mamaya." -Kanor

Nakagat ni Saki ang ibabang labi upang pigilan ang sariling ngumiti. Ewan ba niya kung bakit mas natuwa pa yata siya sa pagpapaalala ni Kanor ng tungkol sa "lugaw date" nila pagkatapos ng trabaho niya keysa iyong kaninang kausap na niya si Krei Ducani. 

Okay, she gets it. Para ba naman kasi siyang lutang kanina. Ni hindi nga niya masyadong nakausap ang lalakeng isa sa mga pinangarap niyang makausap. Almost seventy percent of the moment, she was just staring at his covered face. Alam naman niyang guwapo ito sa kabila ng maskarang nakatakip sa mukha ng binata. Hindi lang niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay may kahawig ito.

Inipit niya sa kanyang kili-kili ang hawak na program saka nagtipa ng reply kay Kanor.

"Kakain ng lugaw hindi magdi-date. Assuming ka talaga."

Kahit pa mataray ang kanyang reply, ewan ba niya kung bakit hindi niya napigilang ngumiti habang sinisend iyon kay Kanor. She knows that Kanor has this extraordinary impact on her she often denies to herself, but she'd rather get ugly than let him know about it. Ang isang iyon pa? Eh saksakan iyon ng kapreskuhan kapag kasama siya.

Iikot sana siya upang bumalik sa lamesa ng mga organizer nang tumama ang balikat niya sa isang lalake. Nalaglag ang cellphone niya sa sahig at muntik na siyang mawalan ng balanse, mabuti nalang at mabilis siyang nasalo ng lalakeng nakabanggaan niya.

"Oh, sorry." The guy apologized with his soothing voice that kind of sounds familiar to her.

Napaawang ng bahagya ang mga labi ni Saki nang matitigan ang mga mata ng lalake. It looks...familiar—and undeniably magnetic.

Inalalayan siya ng lalakeng makatindig ng maayos kahit pa nangatog ang mga tuhod niya sa hindi malamang dahilan. Dinampot nito ang kanyang cellphone na maswerteng hindi nabasag dahil sa carpeted ang sahig. Inabot ito ng lalake sa kanya saka ito matipid na ngumiti.

"You okay, miss?" The guy asked, his minty with a hint of champagne breath touched his face.

Tila nagbalik siya sa katinuan dahil sa tanong ng lalake. "U—Uhm, yeah. I uh, I just thought you're someone I know."

Nakita niya ang paggalaw ng adam's apple ng lalake senyales ng paglunok nito ng sariling laway bago nito sandaling binaling sa ibang direksyon ang tingin. "Oh, hmm." Mahina itong tumawa. "Really? That's impossible. I just got home yesterday." He said in his british accent. The guy stared at her eyes again in a questioning manner.

She bit her lower lip to stop herself from saying anything stupid. Ngunit hindi talaga niya maiwasang isiping sobrang pamilyar ng lalake...pati na ang klase ng emosyong nagagawa nitong ipadama sa kanya ngayon.

"Maybe I was wrong. It's kinda impossible anyway. I mean with all the accent and classy look." She forced an awkward smile. "Sorry."

Ngumisi ang lalake. "Right." He chuckled nervously. Mayamaya ay luminga-linga ito sa paligid. "Would you like to grab some drinks with me?"

THIS IS SO NOT GOOD. Paalala ni Saki sa kanyang sarili nang muling magrequest ang lalake ng panibagong inumin sa barista. She's supposed to be working pero dahil ipinaalam siya ng lalake sa mismong head ng team nila, hindi na siya nakatanggi.

Okay, maybe she likes this, too. May kakaiba sa misteryosong lalakeng ito na hindi niya masabi gamit ang mga salita na abot ng kanyang bukabularyo. All she knows is she feels comfortable with him. Hindi niya malaman kung bakit.

"Scotch on the rocks and frozen margarita." Ani ng barista pagkalapag ng kanilang inumin sa bar counter.

"Thanks." Simpleng tugon ng lalake bago dinampot ang kanyang baso.

Tumikhim si Saki. Dama na niya ang pag-init ng kanyang pisngi dahil hindi naman talaga siya manginginom. Tanging flavored beers nga lang ang iniinom niya at sobrang dalang lamang na mangyari iyon ngunit heto siya at nakikipag-sabayan sa misteryosong lalake.

"I find it odd that you haven't asked for my name yet and you didn't say yours." Putol ni Saki sa katahimikang namagitan sa kanila.

The guy smiled, flashing his perfect set of white teeth. Naalala tuloy niya si Kanor at ang hindi niya mapaniwalaang magandang mga ngipin nito.

"Well," he licked his pinkish sexy lips. "Would it matter if I'd still ask? Doesn't seem like a big deal to me."

Bahagyang umarko ang kilay ni Saki. Hindi niya inasahan iyon ngunit siguro nga ay may ganoon talagang klase ng lalake. Shw thought maybe most guys are just like that. They're more interested in knowing the brand of a woman's underwear rather than her name.

Hindi siya sumagot kaya nang napansin ng lalake ang pananahimik niya ay inabot nito ang kamay sa kanya. "Fine. For formality's sake, I'm Kon."

Lumunok si Saki at tinanggap ang kamay nito. "I'm Saki."

Kon shook her hands before taking a sip on his glass. "So Saki, what's your story?"

Hindi alam ni Saki kung ano ang mayroon si Kon at natagpuan na lamang niya ang sariling kinikwento rito ang kanyang buhay. She's never been that open to a stranger. Ngunit pagdating kay Kon, tila pakiramdam niya ay nawala ang kanyang mga inhibisyon na sabihin dito ang tungkol sa nanay niya, sa nangyari sa kanila noong bata pa siya, pati ang kung paano niya binuhay ang sarili niya matapos mamatay ang kanyang ina.

Kon's eyes stared intently at her with a hint of concern. Hindi ito nagtanong habang nagkikwento siya na tila sobrang interesado ito sa kanyang mga sinasabi at tila wala itong balak husgahan maging ang mga baluktot na pananaw niya sa buhay.

"So yeah, that's my story." Pagtapos ni Saki sa kanyang pagkikwento. Halos doon lamang niya napagtanto ang mga nasabi niya. Bigla tuloy siyang tinamaan ng hiya sa dami ng nakwento niya rito. Nadampot tuloy niya ang kanyang margarita at napainom doon.

Nang mapansin ni Kon ang pagkahiya niya ay marahas itong bumuntong hininga. "Looks like we almost have the same story."

Natigil siya sa pagsipsip sa straw at kunot-noong tinignan si Kon. "In what way?"

Magsasalita na sana si Kon nang tumugtog ang isang malamyos na musika kasunod ay ang pag-anunsyo ng isang lalake tungkol sa purpose ng party. Sabay silang napatingin sa stage kung saan nakatayo ang host ng pagtitipon, ngunit mayamaya ay naagaw ng isang lalakeng may berdeng mata ang atensyon ni Saki nang lapitan nito si Kon saka nito ito binulungan.

Kon shrugged his shoulders before he smirked. "Dude, what else do we expect from Azul anyway? He's just like my brother."

The guy with green eyes and white half mask chuckled. "I bet Keios would be surprised. Siya nga pala, he just called. He's not gonna make it tonight."

Nalukot ang noo ni Saki. Tama ba ang narinig niya? Kapatid ng lalakeng kausap niya at kainuman niya si Keios Ducani?

Ibig sabihin ang lalakeng ito ay isa ring...Ducani?!

Nang magpaalam ang lalakeng kausap ni Kon ay napansin nito ang nagtataka niyang titig kaya naman napangisi ito sa kanya. "Why?"

"A–Are you a Ducani?" 

Kon didn't answer. Ininom niya ang kanyang alak saka niya inanggulo ang katawan paharap kay Saki. He was so close to her that their proximity feels so suffocating on her end. 

"Does my surname matter? Do you think you'd like me if I am a Ducani?" He asked in a husky tone, sending chills down her spine.

Lumunok si Sako ng sariling laway. Pakiramdam niya ay biglang nagpalpitate ang kanyang puso dahil holy pancit canton, he might be a freaking Ducani!

"U–Uhm..." Hindi niya kayang magsalita. Pakiramdam niya ay nalunok niya ang kanyang dila at kung ibubuka niya muli ang kanyang bibig, baka ungol na ang lumabas dito.

Bumaba ang tingin niya sa mamula-mula nitong mga labi at nang mapansin iyon ni Kon, kinagat nito ang mga labi nito saka ito bumuntong hininga.

Nahigit ni Saki ang kanyang hininga nang ibaba ni Kon ang ulo nito hanggang sa matapat ang mukha nito sa kanyang tainga. Halos makagat na ni Saki ang kanyang ibabang labi nang madama niya ang mainit nitong hiningang humaplos sa kanyang balat.

"If I'd tell you the truth, that I am a Ducani, would you give me the permission to kiss you?" He licked his lower lip. "Cause honestly, your lips look like it's inviting me...and God knows how much I wanna taste it right now."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Genevieve Mendoza
very interesting story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status