Share

Kabanata 6

Kabanata 6

Kon watched his brother, Keeno, put its black ensemble of suit and tie. Siya ay tanging ang navy blue long sleeve polo, black pants, at black shoes mula sa isang kilalang boutique ang suot. Ang kanyang suit jacket at bow tie ay nakapatong lamang sa kanyang kaliwang hita, ang kanyang mga daliri ay panay ang tambol sa backrest ng sofang inuupuan.

The room smells like freshly brewed coffee because of Keeno's coffee brewer. Dahil sa sobrang hilig nito sa kape ay mayroon itong sarili sa kanyang silid. Wala namang problema roon si Kon dahil kahit paano ay gusto niya ang amoy ng kape, ngunit mas type lang talaga niya ang lasa ng tsokolate kaya madalas siyang alaskahin ni Keeno na "Milo". 

"Keios is expecting Dad to be in the party." Basag ni Keeno sa katahimikang namamagitan sa kanilang magkapatid. 

Kon sighed heavily. "I know. But sorry, bro. I don't think it's the perfect time to show myself to our dear little brother."

Sinulyapan siya ni Keeno mula sa body mirror. "Alam ko namang hindi ka pa handang humarap sa kanya bilang pinakamatanda sa amin, but I hope you will have more patience with him this time."

Napaismid si Kon. "Ako ba o ikaw?" 

Mukhang napagtanto ni Keeno ang tinutukoy ng kapatid. Humarap ito nang tuluyan kay Kon ng may ngisi sa mga labi.  "Oo nga pala. Akong  nga pala ang tigabugbog nila dahil sa pikon mo. Minsan naiisip kong ikaw ang utak at ako ang galamay. That, brother, is a bit unfair."

Umiiling na tumawa si Kon dahil sa sinabi ng kapatid. "Admit it. Madalas, ikaw naman talaga ang gustong sumapak sa dalawang pinakabata nating kapatid."

Pumakla ang ngiti ni Keeno nang biglang maalala ang kalagayan ng pangalawa sa bunso nilang kapatid. Of course they need to deal with it again sooner or later. Ang problema lang, nauubusan na talaga sila ng alibi sa tunay na lagay nito.

Nagpakawala ng marahas na buntong hininga si Keeno. "Anyway, some of  Klinn's closest college friends will be at the party. Dahil sa desisyon ni Dad na itago ang totoong lagay ni Klinn, mas nagiging mahirap tuloy lusutan ang mga tanong kung bakit hindi pa siya lumilitaw."

Tila kinurot ang puso ni Kon. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit hindi pa siya nagpapakilala bilang panganay na Ducani. Klinn is in coma due to a major accident. The doctors said even if he'll wake up, he might be in a vegetative state forever. Magdadalamhati ang lahat dala ng awa kay Klinn pagkatapos ay sasabay pa ang eskandalo niya bilang tunay na panganay? Hindi niya kayang bigyan ng ganoon kalaking isipin ang kanyang ama at mga kapatid. 

"No one else knows the guest lists but the organizers and the party is a masquerade-themed. So if you'll bump into one of Klinn's friends, just say that he's around or maybe left the party with some chic." Tugon ni Kon. 

Bumuntong hininga si Keeno. "I've used that alibi a hundred times already."

"It's not gonna hurt to use it one more time. Besides, it's always working." Kumindat si Kon sa kapatid. 

"Whatever." Keeno hopelessly replied. Ano pa nga ba ang magagawa niya. May point din naman ang kanyang kapatid. 

Tumayo si Kon at dinampot ang kanyang indian style mask na ang upper part lamang ng kanyang mukha ang natatakpan. Gusto niyang matawa ngunit tanging pagngiti lamang nang mapakla ang kanyang nagawa. Kailangan ba talaga niya ang maskarang iyon? He already has something better. His own face. Para sa kanya ay matagal na talaga siyang nakamaskara at madalas naiisip niya, sa oras kaya na tuluyan na niyang hubarin ang maskara, matatanggap ba siya?

Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay may kumurot sa puso niya nang bigla na lamang pumasok sa isip niya si Saki. He knows how much Saki wants to be with a Ducani. Natatakot siyang baka kapag nalaman na ni Saki ang tunay niyang katauhan, magbago ito at gustuhin na lang siya dahil sa apelyidong nakadugtong sa pangalan niya. Dahil kahit na hindi niya aminin sa sarili nang buo, gusto niya kung paano siyang tinatrato ni Saki ngayon. 

Yes, she's a tigress, but that angst towards him is real. Iyon ang totoong Saki at hindi nagpapanggap na saksakan ng bait dahil lang Ducani ang apelyido ng kaharap nito. Kon wants everything that way, as long as possible. He just hopes that he wouldn't regret it someday.

Dinukot niya ang kanyang phone sa bulsa saka dinial ang numero ni Saki. Gusto niya itong ayaing maglugaw mamayang gabi pagkagaling niya sa party kaya bibilinan na kaagad niya itong huwag munang matulog.

It took three rings before Saki picked up the phone. Pero halos hindi marinig ni Kon ang dalaga dahil sa ingay ng background. Halos sumigaw na rin si Saki sa lakas ng tugtog kaya kahit hindi niya naiintindihan ang sinabi ni Kon, sumigaw siya pabalik ng,  "nasa trabaho pa ako! Mamaya na tayo mag-usap!" 

Trabaho? Bakit ang ingay? Napaisip tuloy siya bigla kung anong trabaho ang sinasabi ni Saki. Ang katangahan naman kasi niya, sa ilang linggo na nilang pagkikita, ni minsan ay hindi niya nagawang tanungin kung ano ba talaga ang trabaho ni Saki palibhasa ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi pausukin ang ilong nito.

"Nasaan ka? Bakit para kang nasa party kung nagtatrabaho ka?"

"Nasa bar ka?"

"Saki? Nag-alala ako bakit maingay. Saan ka ba nagtatrabaho? Please lang wag sana sa bar. Bubuhayin na lang kita kesa magtrabaho ka sa ganyan."

"Fine. Tawagan mo ko kapag tapos na ang trabaho mo. Maglugaw tayo."

Nakagat ni Saki ang ibaba niyang labi nang mabasa ang mga text ni Kanor. Halos higit isang oras na rin mula nang mareceive niya ito at ngayon lamang niya nagawang mabasa sa dami ng ginagawa niya kanina. 

Ewan ba niya pero parang sinundot ang tagiliran niya nang maramdaman ang concern nito kaya lang hindi niya alam kung matutuwa ba siya roon sa parteng inisip nitong sa bar siya nagtatrabaho. Aba ang damuho? Pinagkamalan pa yata siyang pokpok!

Inipit niya ang hawak na event's program sa kanyang kili-kili upang replyan si Kanor.

"Kapal mo! FYI Kanor A. Baltazar ng kung saan mang lupalop, hindi ako pokpok ano! Events organizer ako at nasa isang malaking benefit party ako. Palibhasa siguro laman ka ng mga chipipay na bar kaya ang dumi ng utak mo!"

Tuon na tuon ang kanyang atensyon sa pagta-type sa phone kaya halos hindi na niya namalayan ang paglapit ng isang lalake sa kanyang tabi. Nang tapikin nito ang kanyang balikat ay halos tingalain na niya ang lalake sa tangkad nito. Maganda ang white ensemble nito ng suit and tie na tinernuhan ng phantom mask. Kitang-kita rin niya kung paanong gumalaw ang pisngi ng lalake para sa isang matamis na ngiti. Bigla tuloy siyang nahiya sa suot na itim na pixie dress at flats. Mukha siyang tinkerbell na sumapi sa mga demonyo. Wala rin siyang suot na mask at ang kanyang radio ay nakakwintas sa kanyang leeg. Pare-pareho ang itsura ng lahat ng events organizing team kaya naman hindi niya masabing kasing ganda niya ngayong gabi ang mga kasali sa event. Sayang. Ang gwapo pa man din ng kaharap niya at parang may kahawig pa hindi lang niya maalala kung saan niya nakita. 

"Y—Yes sir? Do you need anything?"

"Ah, yes. Pwede bang i-request na huwag i-reveal kahit kanino ang guestlist? My older brothers' call." Kunwari ay biro pa ng lalake kasabay ng paglawak ng ngiti nito.

"Ah, yeah we can do that but can I get your name, sir? Iinform ko lang ang head ng team tungkol sa request niyo." Nilabas ni Saki ang ballpen, handa nang magsulat sa likod ng program na hawak niya.

"It's Krei Ducani."

Halos mabitiwan ni Saki ang kanyang ballpen. Nanlaki nang husto ang kanyang mga mata at napatutok ang tingin niya sa lalakeng kaharap.

Holy cow! He's a freaking Ducani!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Genevieve Mendoza
Interesting story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status