Share

Kabanata 5

Kabanata 5

"Ducani ako...kasi nagtatrabaho ako sa Ducani Empire. May rule kami sa kompanya na dadalhin namin ang apelyido ng may-ari sa lahat nang panahon para maisapuso namin ang pagiging bahagi ng kompanya."

Napasimangot si Saki at halos tusukin ng tinidor si Kanor. "Yung legit na Ducani ang hinahanap ko hindi yung promoted to be a Ducani!"

Mahinang humalakhak si Kanor saka tinaasan ng kilay si Saki. "Bakit? Hindi ba ako papasa bilang tunay na Ducani, hmm?" Mapanuya nitong nilapit pa ang mukha kaya uminit nang husto ang pisngi ni Saki. "Sabihin mo, Saki. Hindi ba?"

Saki's heart almost jumped out of her chest when Kanor traced his fingertips on her burning cheek. Nahigit niya ang kanyang hininga at kinabig ang sariling ulo palayo bago pa siya traydorin ng kanyang sistemang nagwawala na dahil sa lalaki.

Naging mapanuya ang ngiti sa mga labi ni Kanor, halatang naaaliw sa nakikitang reaksyon niya. Naningkit tuloy ang singkit na niyang mga mata. "Tigilan mo ako baka makalmot kita diyan."

Kinagat ni Kanor ang ibabang labi upang pigilan ang sariling matawa. "You look adorable when you're getting angry." Ani Kanor sa deretsong ingles.

Napakurap si Saki sa gulat. "Did you just speak with a flawless american accent?"

Napawi ang kurba sa mga labi ni Kanor, ngunit mayamaya rin ay bumalik ang carefree nitong awra. "Na-impress ba kita?" Ngumisi ito. "Galing ko 'no?"

Muling sumimangot si Saki. Napalitan na naman ng iritasyon ang kanyang pagkagulat. Dinampot niya ang tinidor at dinuro sa mapang-asar na nilalang sa kanyang harap. "Isa pa talaga, Kanor, malilintikan ka na sa'kin. Kapag talaga nakapag-asawa ako ng Ducani lagot ka."

Hinuli ni Kanor ang kanyang kamay at nilapit ang mukha sa kanya. Muling nahigit ni Saki ang kanyang hininga at nagwala nang husto ang kanyang puso nang bumaba ang tingin ni Kanor sa kanyang mga labi.

"Hindi na ako makapaghintay." Ngumisi ito.

Lumuno si Saki. "M—Makapaghintay na ano?"

Umangat sa kanyang mga mata ang tingin ni Kanor. "Na makapangasawa ka ng Ducani..."

Hindi maintindihan ni Saki kung bakit tila may kumurot sa kanyang puso dahil doon. So Kanor is actually looking forward for her to marry a Ducani? Akala ba niya ay hindi ito naniniwalang makakapagpa-ibig siya ng isang Ducani?

Tinaasan niya ito ng kilay kahit pa nag-iinit pa rin ang pisngi niya dahil hawak nito ang kanyang kamay.

"Akala ko ba hindi ka naniniwalang papasa ako para sa magkakapatid na Ducani?" May bakas ng sumbat niyang tanong.

Umismid si Kanor at hinaplos ng hinlalaki nito ang likod ng kanyang kamay. This guy doesn't just know how to touch her nerves. Kaya rin talaga nitong buhayin ang mga parte ng kanyang pagkataong nilalaan lamang niya sa pangarap niyang mapangasawa.

"Hindi ko sinabing hindi ka papasa bilang asawa ng isang Ducani. Ang sabi ko, hindi lang ganda ang kakailanganin para makapagpa-ibig ng isang Ducani." Kaswal na tugon ni Kanor. Patuloy ito sa paghaplos sa likod ng kanyang kamay habang titig na titig sa kanyang mga mata.

Nilunok ni Saki ang sariling laway, pilit na pinakakalma ang sarili dahil sa binubuhay na init ni Kanor sa kanyang katawan.

"Kung gano'n, ano pa sa tingin mo ang kailangan ko para mabingwit ang isa sa mga Ducani?"

Sandali siyang pinagmasdan ni Kanor habang may kung anong emosyong nakapinta sa mga mata nito. Tila may nais itong sabihin, ngunit nang dumating na ang kanilang order, umayos na ito ng upo at inaya na siyang kumain, parang sinasadyang huwag nang sagutin ang tanong niya.

"BWISIT na ulan. Ang hilig sa surprise." Inis na sabi ni Saki habang pinupunasan ng kanyang panyo ang kanyang basang katawan. 

Inabutan na sila ng ulan kanina nang maisipan ni Kanor na ayain siyang maglakad-lakad muna pagkatapos nilang magpababa ng kinain. Hindi sila kaagad nakasakay ng taxi kaya ngayon, para silang nilunod na dalawa. Mabuti na lang at hindi mabilis mabasa ang bag niya kaya safe ang phone niya at wallet—pati ang de-keypad na cellphone ni Kanor na itinago niya kanina sa bag niya nang magsimulang bumuhos ang traydor na ulan.

"Mukhang mahihirapan tayong bumyahe sa pinakamabilis na rota. Siguradong baha kaagad sa daang 'yon." Ani Kanor saka umubo.

Nabaling ang tingin ni Saki sa katabi. Halatang nilalamig ito dahil yakap ang sarili. Paano, ito kasi ang mas nabasa ng ulan dahil pinasilong siya nito sa shed na hindi rin gaanong nakatulong dahil basa rin ang kalahati ng katawan niya habang si Kanor ay matyagang nag-abang sa gilid ng daan. Malamig ang simoy ng hangin at halatang iyon ang mas ininda nito.

Nakonsensya naman si Saki dahil hinayaan niya itong mag-abang ng taxi para sa kanila. Bahagya niyang inanggulo ang kanyang katawan paharap dito at hinawi ang basang buhok na dumikit sa noo nito. Natigilan naman si Kanor sa ginawa niya ngunit hindi rin ito umalma.

Saki gulped when Kanor's eyes stared at hers lazily. Tila binibigyan siya nito ng permisong gawin ang nais niya kaya naman nilabas niya sa bag niya ang rolyo ng tissue. Pumutol siya ng sapat na tissue saka marahang pinunasan ang basang mukha ni Kanor.

Hindi alam ni Saki kung bakit kahit nakabukas ang aircon ng taxi, naramdaman na lamang niyang uminit ang kanyang pakiramdam lalo na nang umusog pa palapit sa kanya si Kanor at ipinatong ang braso sa upuan. Kumiskis sa isa't-isa ang kanilang mga tuhod kaya lalong nagliyab ang pakiramdam ni Saki. Hindi siya boba, pero sa pagkakataong iyon, tila gusto niya na lamang hubarin ang basang polo ni Kanor at damhin ang bumakat na magandang hubog nitong katawan.

Napalunok siya sa kahalayang naisip. Iniwas niya ang tingin kay Kanor at pinagpatuloy ang pagpunas sa mukha nito kahit nanginginig ang kanyang mga kamay ngunit tila napansin iyon ni Kanor. Kinuha nito ang kamay niya na kinatigil niya at nang ipagkiskis ni Kanor ang mga palad nito sa kanyang mga kamay na tila pinapainit ito, tuluyang umawang ang kanyang mga labi.

She can't help but scan his handsome face. Kanor actually has the features of a magazine cover type of guy. His built is perfect for his height. Nadepinang mabuti ang panga nito at makapal din ang itim na kilay. His aristocratic nose matched his soft and thin pinkish lips Saki wonders how would it feel like to kiss it.

Nakagat niya ang ibabang labi sa naisip. Halikan? Kailan pa siya nagnasa sa labi ng isang lalakeng hindi Ducani ang apelyidong dala-dala? Iba talaga ang epekto ni Kanor sa kanya. Hindi ito healthy para sa mga pangarap niya!

"Ang lamig ng kamay mo." Puna ni Kanor saka siya tinignan.

Uminit ang mukha ni Saki nang mahinang pigain ng binata ang kanyang nilalamig na kamay. Gusto niya iyong bawiin dahil sa kuryenteng nadarama sa simpleng paghawak nito sa kamay niya pero ang malanding bahagi ng isip niya, hayun at todo ang pigil sa kanya.

"Nilalamig lang ako." Tugon niya at binawi na nang tuluyan ang kanyang kamay.

Saki is going to lie if she'd say she didn't want Kanor to keep her hand warm, but the friction everytime they touch is just too overwhelming. Hindi siya handang aminin sa sariling attracred siya rito. Hindi siya naging NBSB para lang mahulog sa isang lalaking hindi naman Ducani.

Naging tahimik sila habang nasa byahe, hanggang sa marinig nila ang pagtunog ng phone ni Kanor na nasa loob ng bag ni Saki. Nilabas ni Saki iyon at ibinigay kay Kanor, ngunit bago nito iyon nakuha ay nasilip pa niya ang pangalang nasa screen.

Sandali siyang tinignan ni Kanor bago nito sinagot ang tawag. Iniwas pa nito ang tingin at binaling ang mga mata sa labas ng sasakyan bago nagsalita.

"Lianne?"

"K—Kanor? Kasama mo ba si Tatay?" Dinig ni Saki mula sa kabilang linya dahil kulob ang taxi at may kalakasan ang volume ng tawag.

"Hindi. Naiwan pa sila. Bakit?"

"Ahm, hinahanap na kasi siya ni nanay tsaka ni Lori. Pinapatanong din ni Lori kung kailan ka ulit makakadalaw. Nami-miss ka na raw niyang marinig magkaraoke."

Mahinang natawa si Kanor. Ewan ba ni Saki pero medyo nainis siya dahil doon. Humalukipkip siya at bumaling na lang sa kabilang bahagi ng daan habang "hindi naman sinasadyang" makinig sa usapan.

"Pupuntahan ko si Tatay sa opisina tapos sabay nalang kaming pupunta diyan. Malakas ang ulan. Ang tatay niyo pa naman feeling waterproof ke-tanda na. Oo. Sige, Lianne. Hintayin niyo na lang kami. Sabihin mo kay Lori hintay lang. Bibilihan ko siya nung paborito niya."

Lalong sumimangot si Saki. Hindi siya nagseselos kasi hindi naman Ducani si Kanor at lalong hindi niya ito type pero naiinis siya at ayaw na niyang halughugin sa isip ang rason kung bakit.

Nang matapos ang tawag, dumukot ng limandaang piso si Kanor sa bulsa at ibinigay ito sa kanya. Pinangunutan niya ito ng noo dahil alam niyang ito na naman ang magbabayad ng pamasahe niya.

"Hoy, Kanor. Bakit ba ang laki lagi ng perang iniaabot mo tsaka bakit ba lagi mong sinasagot ang pamasahe ko?" Hindi na niya napigilang magtanong.

Bumuntong hininga si Kanor. "Nagkataon lang na walang mas maliit."

"Nang halos limang beses na? Grabe naman yatang pagkakataon?" Tinaasan niya ito ng kilay.

Pumungay ang mga mata ni Kanor. "Saki, nagkataon lang talaga."

Sinimangutan niya ito. "Ano bang klaseng trabaho ang meron ka roon sa Ducani Empire at ang laki palagi ng pera mo?"

Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni Kanor. Iniwas nito ang tingin at sa driver na lang inabot ang limang daan. "Pamasahe niya, manong. Pakibaba na lang ako sa susunod na unloading station." Seryosong ani ni Kanor saka siya tinignan ulit. "Binata ako. Sarili ko lang ang ginagastusan ko kaya solo ko ang sahod ko. Hindi rin ako maluho at madalas akong baunan ni Tatay Manny ng pagkain kaya naitatabi ko ang pera ko."

Tila natauhan si Saki nang makita ang pagiging seryoso ni Kanor. Nanibago siya bigla dahil hindi niya pa ito nakitang ganito sa kanya sa ilang linggo nilang pagkakasama.

Hinilamos ni Kanor ang palad sa kanyang mukha saka nito tinapik ang kanyang balikat. "Maligo ka kaagad pag-uwi mo para hindi ka magkasakit. Babalik lang ako sa Ducani Empire." Seryoso pa ring ani ni Kanor nang tumigil sa gilid ng daan ang taxi.

Akmang lalabas na ito ng sasakyan nang hawakan ni Saki ang manggas ng polo nito. "T—Teka."

Muling nabaling sa kanya ang tingin ni Kanor. Sandali siyang lumunok at sa kauna-unahang pagkakataon, nilunok niya ang kanyang pride para rito.

"Hindi ko sinasadyang ma-offend ka."

Tumango si Kanor at pilit na ngumiti. Inipit nito ang kanyang ilong saka nito binuksan ang pinto ng sasakyan. "Wala yon. Sige na bago pa kayo ma-traffic lalo. Kailangan ko ring puntahan yung kaibigan ko."

Pakiramdam ni Saki ay may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya nang tuluyang lumabas ng kotse si Kanor at nagmamadaling pumara ng isa pang taxi. Hindi niya alam kung dahil ba pakiramdam niya ay na-offend niya ito sa tanong niya o dahil alam niyang may babaeng pupuntahan si Kanor kaya siya nakaramdam ng ganoon.

Oh, she'll be doomed if it's the latter. Hindi rin niya iyon mapapayagan kung sakali kaya naman inabala na lamang niya ang sarili sa kanyang phone upang mawaglit sa isip si Kanor.

Mayamaya ay nakatanggap siya ng email mula sa head ng kanilang events organizing team para sa benefit party na ihahandle nila bukas ng gabi. Naroon ang list ng mga guests nila, at nang mapasadahan iyon ng tingin ni Saki, halos tumalbog palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso.

All the guests' names were only the initial of their first name and then their last name. Hindi makapaniwala si Saki. Apat ang K. Ducani sa kanilang list!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Genevieve Mendoza
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status