Share

Kabanata 4

Kabanata 4

Maingay ang mga empleyado ng maintenance department na masayang nagkakasiyahan sa function room ng building. Talagang tinupad ni Keeno ang sinabi ng kapatid. In order to help Kon give the old janitor the money it needed, he threw an insane hawaiian party for the maintenance team.

Sumimsim sa kanyang beer si Keeno habang pinanonood mula sa main table ang kapatid na malayang nakakasalamuha ang kanilang mga empleyado. Kon was obviously keeping himself from getting close to their table—where he was supposed to be seated—to avoid their employees from getting a hunch of who Kanor Baltazar really is.

"Boss." Hayriss snapped her fingers to get his attention. Nabaling naman sa kanyang sekretarya ang kanyang atensyon.

"What is it?" He casually asked before taking another sip.

Pinindot ni Hayriss ang tip ng kanyang electronic pen saka may chinekan sa kanyang tab. "Your brother, Keios, rescheduled his flight. Imbes na sa makalawa, mamayang gabi ang lapag ng eroplano niya."

"Too early." Umismid si Keeno at nilingon muli ang kapatid na si Kon—na halatang gamay talaga ang pagiging Kanor dahil sa napakanatural nitong pagkilos bilang isa sa kanilang mga empleyado.

Hayriss' eyes watched him, too. Gumuhit ang matipid ngunit manghang ngiti sa mapula nitong mga labi. Bukod sa kanila ni Krei at pinakamatalik nilang kaibigang si Stilyan at Sancho, si Hayriss ang nag-iisang nakakaalam na empleyado ng kompanya tungkol sa tunay na katuhan ni Kon.

"When will you tell Sir Keios about Sir Kon?" Mahinang tanong ni Hayriss.

Sandaling sinulyapan ni Keeno ang kanyang sekretarya. "He's not ready for that bomb yet. Besides," binalik ni Keeno ang tingin sa kapatid na naka-pulang hawaiian polo at board shorts na pinabili pa nila sa driver sa Divisoria dahil hindi gusto ni Kon na isuot ang mga branded na hawaiian clothes para hindi raw ito mahalata. "I'll let Kon decide kung kailan niya balak ipakilala ang sarili niya."

Ngumisi si Hayriss. Tiniklop nito ang payat na mga braso sa tapat ng mayamang dibdib. "Looks like he's got no plans to reveal himself yet. Mukhang nag-eenjoy din siyang makipag-date bilang kung sino siya ngayon."

Keeno was thankful they're far from the  other employees. Masaya rin ang mga ito dahil sa mga kwentuhang nagaganap habang kumakain kaya alam niyang walang nakakarinig sa kanila. Kakatapos lang din kasi ng kanilang party games—na matinding inayawan ni Kon—at mamaya lamang ay ang "raffle" nila na siyang pinaka-highlight ng party dahil sa tumataginting na three hundred thousand pesos na grand prize.

Keeno's brow shot up. "Date?"

Lumawak ang kurba sa mga labi ni Hayriss. "While you were in Sydney, maagang umuuwi si Sir Kon para ayaing kumain at ihatid pauwi yung babaeng laging nakatambay sa labas ng building."

Mahinang natawa si Keeno dahil sa balitang iyon. Kinalso niya ang kanyang magkabilang siko sa mesa at tinignan si Kon na pinalilibutan ng mga babaeng empleyao.

"That's interesting. Hindi niya nakwento sa akin ang bagay na yan."

Umismid si Hayriss. "He's got a tough woman this time."

Unti-unting nabura ang masayang kurba sa labi ni Keeno. Gumuhit ang lungkot at awa sa kanyang mga mata at nang titigan niya si Kon na humahagalpak ng tawa, hindi niya napigilang magpakawala ng marahas na buntong hininga.

"Sana nga, Hayriss. Kon had already lost enough..."

"AND THE grand prize goes to..."

Everybody held their breaths. Ngunit si Kon, tahimik lamang na nakangiti habang nasa isang sulok hawak ang bote ng kanyang beer. Nang tignan niya si Tatay Manny na tutok na tutok sa sekretarya ni Keeno na siyang bubunot ng winner, may init na humaplos sa puso niya.

He knew how it felt like to be that desperate to have enough money to help save someone he really loves. Dalawang beses na siyang nawalan, kaya hindi niya alam kung kakayanin niya kapag naulit pa iyon. Pero masaya siyang sa pekeng raffle na ito ay mapapaabot niya ang tulong kay Tatay Manny.

Hayriss smirked as she read the paper with nothing written on it. Lalong tumindi ang antisipasyon ng mga empleyado, ang ilan ay panay ang dasal na sana ay sila ang maswerteng nabunot ni Hayriss.

Nagtinginan naman sina Keeno at Kon. Umismid lamang si Kon at nang tuluyang tinawag ang pangalan ng matandang janitor na siyang dahilan ng lahat ng ito, nilabas ni Keeno ang kanyang phone upang i-text si Kon.

"Heck of a show. Anyway, Sancho's expecting us tomorrow night to join the benefit party." —Keeno

Ngumisi si Kon pagkabasa sa text. Agad din siyang nagtipa ng reply. 

"Thanks for helping out, man. Tell Sancho I'll be there."—Kon

"Don't mention it. Wala ka yatang date ngayon?" —Keeno

Sumulyap si Kon sa kanyang relo. Mayamaya ay lalong lumawak ang kurba sa kanyang mga labi. "Actually, I'm leaving now."

Pagka-send ni Kon ng text ay ibinulsa na niya ang kanyang de-keypad na cellphone. Umayos siya ng tindig at inisang lagok ang natitirang laman ng kanyang beer bago niya inilapag ang bote sa mesa. Hindi na siya nag-abalang magbihis ng uniform. He knew Saki will be outside by now, at kahit ilang beses siyang tinataboy nito at tinatarayan, natatagpuan pa rin nila ang sariling kumakain ng hapunan nang sabay.

YOU ARE being impossible Misaki. Asik ni Saki sa sarili nang mamalayan na naman ang sariling nakatayo sa labas ng Ducani Empire. These past few days, alam niya sa sariling hindi na tulad ng dahilan niya noon ang rason kung bakit siya tumatayo sa labas ng building ng mga Ducani. Tila may pwersang humihila sa kanya para hintayin palagi ang isang taong madalas man niyang makabangayan, palagi siyang nauuto na yayaing kumain at ihatid pauwi.

Tulad ngayon. She's wearing her red floral dress dahil sa isang event na inasikaso niya. Bukas na kasi iyon at nag-set up na sila ng ilang kailangan para sa venue na gaganapin sa isang malaking hotel.

Ilang minuto pa siyang naghintay hanggang sa matanaw niya na ang pamilyar na bulto ngunit gano'n na lang ang pagtataka nang makitang nakasuot ng pulang floral polo at white board shorts si Kanor. Napatingin tuloy siya sa outfit niya. Nagmukha silang couple na nagsuot ng matching outfits.

Couple? Saan naman nanggaling ang salitang iyon? Gusto niyang batukan ang sarili ngunit nang makitang natigilan si Kanor at hinagod siya nang tingin mula ulo hanggang paa, pakiramdam niya ay sinilaban siya nang buhay nang makita ang unti-unting pag-angat ng sulok ng mga labi nito.

That look on his eyes made her hair on her nape to stand to its ends. Tila nagustuhan nito ang kanyang damit kahit na hindi naman ito sexy o malaswa.

Kanor's steps got bigger. Nang marating siya nito ay kaagad niyang naamoy ang pinaghalong amoy ng pabango nito at alak. Ngunit kahit yata mag-amoy lupa pa si Kanor, magiging pinakamabango pa rin ito sa kanyang pang-amoy.

Kinurot ni Kanor ang dulo ng kanyang ilong habang matamis na nakangiti. "Bumalik ka na naman para sa akin." Humalakhak ito at tumama ang mainit at amoy alak na hininga sa kanyang pisngi.

Oh she could get wasted with just the smell of him. So manly. So addicting. So...So delicious.

Nahigit niya ang hininga sa naisip. Aba sandali? Si Kanor ang nakainom sa kanilang dalawa pero kung mag-isip siya ay parang siya pa ito g nilunod sa alak.

Sumimangot siya at tinarayan si Kanor. "I'm here for my future husband."

Hindi niya alam kung bakit tila naging mapanuya ang ngisi ni Kanor. Nilapit pa nito ang mukha sa kanya na tila inaasar siya. "A Ducani?"

Lumunok siya ay pilit nilabanan ang mapang-asar na titig ni Kanor. "Syempre! Sa isang Ducani ko lang naman ibibigay ang matamis kong oo."

Humalakhak si Kanor at umayos ng tindig. Mayamaya ay hinawakan niya na sa siko si Saki na madalas niyang gawin. "Sinabi ko na sayo. Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo at baka may makarinig sayo. Bigla na lang tuparin ang gusto mo."

Sarkastikong tumawa si Saki. "Aba maganda nga iyon na may makarinig na kayang tumupad sa gusto ko. Hindi na ako magtitiis maghitay dito sa labas ng building at magiging Ducani na rin ang apelyido ko."

Tumingin muli sa kanya si Kanor, kumislap ang mga mata at gumuhit ang makahulugang ngiti. "Pakasalan kita diyan eh." Bulong nito.

"Ano?" Kunot-noong tanong ni Saki dahil hindi niya narinig nang malinaw ang binulong ni Kanor.

Umiling ito. "Tara na kumain na tayo. Byernes ngayon may kare-kare kina Manang Dominga."

Saki wanted to protest. Ilang araw na silang kumakain ng dinner nang sabay dahil ewan ba niya kung anong klaseng karisma meron si Kanor at kahit anong protesta niya, nabibitbit pa rin siya nito patungo sa karinderyang paborito nitong kainan.

Pumwesto sila ni Kanor sa pinaka-sulok. May nakalagay pa roong karton na sinulatan ng "reserved" at inalis lang noong dumating sila. Hindi na nagreklamo si Saki. Sa totoo lang ay impressed siya sa pagkaing hinahain sa eatery. Masarap kasi at malinis. Pati ang mismong lugar ay presentable kahit kinapos sa budget ang mga kagamitan. Mabait din ang mga anak ni Manang Dominga na siyang katulong niyang nagpapatakbo sa maliit nilang eatery.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Mataray na tanong ni Saki nang makuha na ang kanilang order.

Ngumisi si Kanor. "Wala lang. Tinadhana lang na isuot ko to. Akalain mong pareho tayo?"

Tumaas ang kilay ni Saki. "Sinasabi mo bang mukha tayong couple?" 

Kumislap ang mga mata ni Kanor at gumuhit ang makahulugang ngiti sa mapula nitong mga labi. "Pwede naman. Gusto mo ba?" Pinatong nito ang kamay sa kamay niyang nasa mesa.

Nahigit ni Saki ang hininga nang madama ang kakaibang kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Hindi niya naiwasang titigan ang mapungay na mga mata ni Kanor. Those eyes. Parang napakaraming misteryong nagtatago roon.

Umiwas siya ng tingin at binawi ang kanyang kamay na pinakawalan naman ni Kanor bago ito prenteng sumandal sa backrest ng monobloc chair.

Kinuha na lamang ni Saki ang kanyang wallet at nilabas ang isang libo. Inabot niya ito kay Kanor na kaagad naman siyang pinangunutan ng noo. "Para saan yan? Wag mong sabihing inaalok mo ko ng pera kapalit ng..." Makahulugan siya nitong hinagod ng tingin bago ngumisi. "Maganda ka Saki pero nirerespeto ko rin ang pagiging lalake ko."

Nag-init ang mukha ni Saki. "Gago!" Nagtagis ang kanyang bagang at ibinaba niya ang kanyang panga. "Ibabalik ko lang yung binigay mong pamasahe ko noon. Hindi kita binabayaran para sa kung anoman yang kababuyang iniisip mo. Ang kapal mo! Hindi ka isang Ducani para ipaalala ko sayo."

Humalakhak si Kanor at tiniklop ang matipunong mga braso sa tapat ng dibdib nito bago siya makahulugang tinitigan sa mga mata. "Ducani ako..."

Napakurap si Saki. "A—Ano?"

Lumawak ang kurba sa mga labi ni Kanor. Umayos siya ng upo at nilapit ang mukha kay Saki na madali niyang nagawa dahil sa maliit na mesa sa pagitan nila. Halos hindi na makahinga si Saki dahil sa biglang pagbilis ng kabog ng puso niya. Ang dulo ng kanilang mga ilong ay ilang pulgada na lamang ang layo sa isa't-isa.

Kanor licked his lower lip and stared at Saki in her eyes before he whispered. "Ducani ako, Saki..."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Genevieve Mendoza
interesting story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status