Share

Kabanata 3

Kabanata 3

Umikot kaagad ang mga mata ni Saki nang makita na naman ang pamilyar na bulto na palabas ng Ducani Empire at talagang nakatitig pa sa kanya. Tignan mo nga naman? Hindi pa pala nasisisante ang kumag? Akala pa naman niya ay tinamaan ito ng malas nang makilala siya at milagrong nawalan ng trabaho. Nilalanghap pa rin pala nito ang amoy ng building ng mga asawa niya.

Mataray niyang tinaasan ng kilay ang lalake saka niya tiniklop ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. "Nandito ka na naman?"

Nakakalokong ngumisi ang lalake saka nito binagsak ang dust pan. Mwinestra nito ang kamay na tila sinasabing iyon ang pakay nito sa lugar pero pinaningkitan ito ng mga mata ni Saki.

"Madam, janitor ako rito. Nandito ako para alisin ang mga kalat sa lugar na 'to." Tila nakakalokong tugon nito bago siya tinaasan ng kilay. "Kayo ho? Nandito na naman kayo?"

Nanlaki ang mga mata ni Saki at umawang ang kanyang bibig. "At ang kapal ng mukha mong paringgan ako pagkatapos mong sirain ang mood ko last week?"

The guy pursed his lips and scanned her from head to toe before he shook his head. "Hindi naman kayo mukhang basura pero bakit tinatamaan yata kayo?"

"Gago!" Singhal ni Saki at mangani-nganing ihinampas ang bag niya rito.

Humalakhak ang lalake saka sinimulang magwalis. "Sige lang. Pausukin mo lang ang ilong mo para ganyan ang itsura mo kapag dumaan ang kotse ng mga pangarap mo."

Nagtagis ang bagang ni Saki ngunit nang mapagtanto niyang anumang oras ay maaari nang dumaan ang kotse ng mga Ducani ay pinigilan niya ang sariling sumabog sa galit. Inis niyang kinuyom ang kanyang mga kamao at pilit pinakalma ang sarili kahit gusto na niyang kalmutin ang lalake.

Ano bang trip nito at tila gusto siya nitong pikunin? Sa ganda niyang iyon ay imbes na magpapansin sa kanya, tila goal pa nitong bwisitin siya.

Hindi kaya kapanalig ito ng unicorn group nina Fiona? Bigla niyang naitanong sa sarili.

Napatingin tuloy siya rito. Maputi ito sa kabila ng pagiging janitor at wala rin siyang mabakas na tigyawat sa mukha nito. Medyo tumutubo ang balbas at bigote nito ngunit hindi ito dugyot tignan. Isa pa, ang haba ng pilikmata nito at ang mga labi ay mamula-mula pa.

Baka nga. Hindi malabo. Sa panahon ngayon, madalas ay iyong mga gwapo ay hanap din ay gwapo.

Mataray na ibinaling ni Saki ang tingin sa matayog na gusali. Pinangako niya sa sariling isang araw ay mabibihag niya rin ang isa sa nagmamay-ari no'n, at makakatuntong din siya sa pinakamataas na palapag no'n hindi bilang empleyado kung hindi bilang asawa ng isang Ducani.

And this guy, gay, whatever he may be, will not stop her from reaching that dream. Isang pagpapapansin lang. Iyon lang ang kailangan niya.

But the sun set once more and she didn't have a glimpse of any of the Ducani's. Sa huli ay bigo na naman siyang umalis sa harap ng gusali at tinungo ang sakayan ng fx.

Gaya ng tipikal na mga araw, pipila na naman siya nang matagal para lang makasiksik sa tinipid sa aircon na sasakyan. Kung sana kasi ay hindi ginto ang pamasahe sa taxi, hindi sana nagtitiis ang ganda niya sa mausok na lansangan para lang pumila.

Tamad niyang tiniklop ang mga braso habang nakikinig ng kanta. Funny because she's half-japanese but she appreciates K-pop songs more. Pinakikinggan niya ang kantang "Run" ng kanyang paboritong boy group.

She was silently humming the song. Paminsan-minsan ay matipid na kumukurba ang sulok ng kanyang mga labi kapag naiimagine ang nasa music video. Oh, how she loved those boys, pero paborito niya iyong si Cookie. Nainlove siya lalo rito noong naging itim ang kulay ng buhok nito. Madalas kasing iba ang kulay ng buhok ng mga ito gaya niya pero gusto pa rin niya sa lalake ay iyong natural ang kulay ng buhok.

The line moved slowly. Mausok ang paligid at nagsisimula na ring kumulog kaya kung hindi siya makakasakay sa susunod na fx ay paniguradong uuwi siyang basang sisiw. Masyadong madilim ang kalangitan kaya sigurado siyang malakas ang magiging buhos ng ulan pag nagkataon.

"Oh, dalawa pa!" Sigaw ng barker kahit pa halos halikan na ng mga pasahero ang isa't-isa sa loob. 

Napangiwi si Saki. Panglima pa siya sa pila kaya hindi na talaga siya aabot. Wala tuloy siyang magagawa kung hindi ang tiisin pa nang kaunti ang mausok na paligid. Palagi niyang pinapaalala sa sariling magdala ng mask kaya lang ay lagi rin naman niyang nakakalimutan. Saka lang siguro niya iyon maaalala kapag diagnosed na siya ng lung cancer sa dami ng nalanghap niyang usok ng mga sasakyan.

Gumuhit ang kidlat sa kalangitan at sinundan iyon ng malakas na pagkulog. Napatingala si Saki habang mariing magkalapat ang mga labi. Kung siniswerte ka nga naman! 

Ilang sandali lang ang hinintay ni Saki at tuluyang pumatak ang ulan. Walang silungan ang paradahang iyon dahil kasalukuyang "under-renovation" ang nasabing waiting shed. Hindi rin niya ugaling magdala ng payong kaya ngayon ay halos hindi siya makapagdesisyon kung mananatili sa pila gaya ng nasa harap niya o aalis na lang muna.

Pero isang oras na siyang nakapila! Wala ring payong ang nasa harap niya at tanging hoodie lang ang ginamit na panangga sa ulan. May lahi yatang plastic ang balat ng babae at feeling water-proof.

Gustong magmura ni Saki. Nababasa na ang kanyang mga gamit at wala siyang choice kung hindi umalis sa pila nang bigla niyang madama ang isang kamay na humablot sa kanya at hinila siya pabalik sa pila iyon nga lang ay mga dalawang tao ang pagitan mula sa orihinal niyang pwesto.

Nang magtama ang tingin nila ng taong gumawa no'n ay ganoon na lang ang pagsalubong ng kanyang mga kilay. "Ikaw na naman?"

Ngumisi ang lalake at pinayungan siya. "You're welcome, ma'am." Sagot nito.

Napasimangot si Saki. "You're welcome mong mukha mo ang tigas mo mag-ingles."

"Papansinin mo pa ang accent ko hindi ka na lang magthank you." Sagot nito bago tinignan ang paligid.

"Mamaya lalakas pa lalo 'tong ulan. Wala ka bang app ng Uber?" Tanong nito sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. "At himalang alam mo ang Uber?"

Umismid ang binata at nilapit pa nang bahagya ang mukha sa kanya. Holy mother of Good graciousness! Bakit ngayon niya lang napansing hawig nito ang crush niyang si Cookie kapag seryoso ang titig nito?

"Taga-mundo ako. Natural alam ko kung ano ang Uber." Seryosong tugon nito.

Napalunok si Saki nang maramdaman ang pag-init ng kanyang mukha dahil sa pagtama ng mabangong hininga ng binata. Aba? Parang alaga pa ng dentista ang perpektong mga ngipin nito? Gaano ba kalaki ang sahod ng janitor sa Ducani Empire at parang afford ng kumag na ito ang maalagaang mabuti ang sarili?

Hindi na namalayan ni Saki ang matagal na pagtitig dito kaya nang hawakan siya nito sa baba saka ito mahinang pinisil, umawang ang kanyang bibig at lalong uminit ang magkabila niyang pisngi dahil sa makahulugang ngiting nasa labi ng binata.

"Tinanong lang kita kung may app ka ng Uber hindi ko sinabing magbook ka na ng bridal car." Tila natatawang bulong nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Saki at nahampas niya ang...lintik! Bakit ang tigas ng dibdib?! Ano bang ginagawa ng janitor at parang regular sa gym ang hubog ng katawan ng kumag na ito?!

"A—Ang kapal mo talaga." Nag-iinit ang pisngi niyang iniwas ang tingin dito.

Humalakhak ang lalake. "Sige na magbook ka na ng kotse."

"Ayoko nga. Baka mamaya kung saan mo pa ako dalhin." Inirapan niya ito.

Tumaas ang kilay ng lalake pati ang sulok ng labi nito. "Ah? So ineexpect mo pa lang sasakay din ako?" Tumawa ito ng malutong kaya lalong uminit ang mukha ni Saki.

"Ang gago mo!" 

Pinigil nito ang tawa. "Ang gwapo ko."

Natigilan si Saki. "K—Kapal..."

Nakagat niya ang ibabang labi. Really, self?! Stuttering?! Ayaw talagang kontrahin?!

If she could only slap herself right now. Naiirita siya sa reaksyon ng kanyang katawan sa lalakeng ito. Para bang sa kabila ng pagiging tigre niya rito ay madali siya nitong ituring na kuting.

Tinalikuran na lamang niya ito at nilabas niya ang kanyang phone para magbook ng Uber. Ayaw niya sana dahil tumataginting na two hundred eighty pesos din iyon samantalang bente lang kapag fx kaya lang ay hindi naman siya patatahimikin ng lalakeng ito kung hindi pa siya makakaalis doon.

She booked a car and looked at him. Natigilan pa siya nang makitang nakatitig pala ito sa kanya. Sinimangutan tuloy niya ito.

"Okay na. Pwede mo na akong hindi guluhin." Mataray niyang ani rito pero hindi na siya sinagot ng lalake. Pasipol-sipol na lamang ito habang nakatingin sa mga dumadaang sasakyan pagkatapos ay susulyap sandali sa kanya kaya tinataasan niya ito ng kilay ngunit ngingisihan lang naman siya nito.

Mayamaya ay humugot ito ng malalim na hininga at tumingin sa kanya. "Kanor nga pala."

Tumaas ang kilay ni Saki. "Tinatanong ko ba?"

"Hindi." He licked his lips then smiled. Puta naman tigilan mo ang gwapo mo eh! "Pero gusto kong sabihin." Kumindat ito sa kanya.

Nagwala na nang tuluyan ang puso ni Saki. Kung hindi ba naman tinamaan ng lintik? Ang puso niya ay nararapat lang tumibok sa isang Ducani hindi para sa isang Kanor na nagpupunas ng sahig ng building na pag-aari ng pangarap niyang mapangasawa!

Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang cellphone nitong de-keypad. Akala niya kahit mga crew sa fastfood ay naka-smartphone na pero ang isang ito naka-keypad pa rin.

"Bro?" Ani Kanor pagkasagot sa tawag. Sandali siya nitong sinulyapan bago kumunot ang noo nito.

Mayamaya ay nagpalinga-linga ito at nang tila may natanaw sa kung saan ay bigla nitong binaba sandali ang cellphone at may dinukot sa bulsa. Kinuha nito ang kamay niya at nilagay iyon sa palad niya bago nito pinasa sa kanya ang payong.

"Mauna na ko. Pamasahe mo." Paalam nito at saka tuluyang nagsimulang sumugod sa ulan.

"Teka!" Takang-takang tawag ni Saki rito ngunit hindi na siya pinansin ni Kanor.

Kunot ang kanyang noo niyang pinanood itong humalo sa mga taong tumatawid at nang tumunog ang phone niya senyales na naroon na ang kotse g kinuha niya sa Uber, napatingin siya sa nilagay ni Kanor sa kanyang palad.

Nanlaki nang kaunti ang mga mata at umawang ang kanyang mga labi. 

Isang libong piso?!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Genevieve Mendoza
Great story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status