Share

Kabanata 2

Kabanata 2

"Last sip..."

Inusog ni Mr. Ty ang baso ng alak sa pwesto ni Saki ngunit kaagad siyang umiling habang pilit na nakangiti. Ang damuhong ito? Gusto yata siyang lasingin nang mapagsamantalahan? Ramdam naman niyang matagal na itong nagkakagusto sa kanya kaya nga tuwing umuuwi ng China ang asawa't mga anak nito ay nagyayaya ito ng inuman sa bahay nito kasama ang buong team nila.

But Misaki wasn't born yesterday. Kahit na sabihing mayaman ang intsik niyang boss, hindi niya ipagpapalit ang sariling pangarap sa madaling makamit na karangyaan.

Besides, Saki believes she wasn't born to be someone's mistress nor just a second wife. She was made to be the first and the last. The one and the only.

Only of course, of a Ducani.

Sa mga Ducani lamang pipintig ang kanyang puso. Sigurado siya roon kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng nobyo kahit bente singko na siya.

"Sige na, Saki. Wag kang kj. Bibigyan naman kita ng bonus." Pang-uuto ni Mr. Ty.

Pekeng tumawa si Saki. Sumandal siya sa sofa at hinawi ang kanyang mahabang buhok. Saki likes experimenting hair colors. Noong isang buwan ay nag ombre siya ng green. Ngayon naman ay pinalitan niya ito ng gray kaya nagmukha siyang japanese doll. Natural ang kanyang puti kaya naman kahit half-japanese lamang siya ay talagang kinaiinggitan ng mga katrabaho ang kanyang kutis at singkit na mga mata.

"Mr. Ty naman." Malambing niyang ani sa kanyang boss bago niya tiniklop ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Ayaw ko sa lahat ay nag-aamoy alak."

"Minsan lang naman ito." Pilit ng kanyang boss at akmang uusog palapit sa kanya nang umakto siyang naalibadbaran.

"Urgh! And guys who smell like alcohol and cigarette really disgust me."

Natigilan ang kanyang boss. "Am I disgusting to you?"

Pekeng ngumiti si Saki. "Si bossing naman. Hindi naman sa ganun pero ayoko talaga ng amoy ng alak. Alam mo naman, baka mapunta sa akin ang amoy. Ayokong nangangamoy mabaho."

Nilabas niya ang kanyang perfume at nagspray sa sarili. "There. Amoy Saki na ulit. Ang bango ko hindi ba?" Mapang-akit niyang tanong sa boss niya.

Parang asong ulol na natulala sa kanya ang kanyang boss nang ngitian niya ito. Kung alam lang ng boss niya kung gaano siyang nag-eenjoy sa nakikitang itsura nito. She loves to see men drooling over her. Senyales kasi iyon sa kanya na taglay niya ang ganda at karismang pwedeng makapagtupad ng pangarap niya.

Kahit pa sinabi ng lintik na janitor ng Ducani Empire na hindi lang ganda ang kakailanganin niya upang makapagpaibig ng isang Ducani.

She wanted to scream at that handsome janitor. Kung hindi lamang ito tinawag ng isang empleyado roon para ipalinis ang opisina sa seventy eighth floor.

Speaking of that guy, one week na rin mula nang makita niya ito sa labas ng Empire ngunit mula noon ay hindi na muling nagkrus ang kanilang landas.

Napaismid si Saki nang maalala ito. Maybe someone was finally got fired for meddling with other people's business.

"Kanor, tawag ka sa 78th floor. Linisin mo na raw ang opisina ni Sir Keeno." Utos ng isa sa mga utility men ng kumpanya.

Umayos ng tindig si Kon at tinabi ang kanyang mop sa lagayan bago niya pinunasan ng likod ng kanyang braso ang kanyang pawis sa noo.

Hinubad niya ang kanyang sumbrero at pinaypay sa sarili bago tumango sa kasamahan. "Sige, Tatang Manny. Aakyat na ako."

Tumango ang matandang janitor. "Hindi talaga pinapalinis sa iba ang opisina ni bossing ah. Sayo lang talaga. Kung sabagay maayos ka kasing magtrabaho at maliksi pa." Kumento nito.

Ngumisi si Kon. "Akala niyo lang, Tatang. Minsan sina Paulo at Noel din ang naglilinis do'n."

"Ganun ba? Oh siya sige umakyat ka na at baka masita ka pa ni bossing."

"Sige, Tang." Tinulak niya ang lagayan niya ng mga panlinis ngunit nang malampasan ang matanda ay sandali siyang tumigil. "Oo nga pala, Tatang. Napa-check up niyo na ba si Lori?"

Bumuntong hininga ang matanda saka umiling. "Hindi pa kulang pa kasi ang pera, hijo." Tugon ng matanda na bakas ang lungkot sa mga mata.

Hindi na kumibo si Kon. Muli niyang isinuot ang kanyang sumbrero at tinulak ang mga gamit patungo sa elevator upang pumuta sa nag-iisang opisina kung saan malaya siyang maging siya.

The door swung open and Keeno met his eyes. Binaba nito sandali ang tingin sa pinipirmahang papeles bago ito tumindig at tinungo ang mini fridge na naroon para kumuha ng malamig na inumin para sa kanila.

"I'll be flying to Sydney on Saturday. Ground breaking ng new branch ng Hotel Khallisa sa Linggo." Ani Keeno nang makapwesto siya sa visitor's chair ng opisina.

Kon ran his fingers on his unruly hair. Tinanggal niya ang pagkakabutones ng kanyang unipormeng pantaas saka ito hinubad, naiwan lamang ang kanyang hapit na puting sando.

"Will Dad join you?" Tanong niya kay Keeno nang iabot nito sa kanya ang malamig na beer.

Keeno sat on the table's edge. Uminom ito sandali sa kanyang beer bago nito iniling ang ulo. "Baka hindi. Kahit si Krei ay hindi ako masasamahan."

"Solo mo ulit. Kaya mo na yan." Aniya saka sumimsim sa kanyang beer.

Umismid si Keeno. "You know what? Malapit ko nang isiping nilalamangan mo ako kaya ako nang ako ang humaharap sa mga kliyente."

Ngumisi si Kon at mahinang umiling. "Oldest siblings often get away from responsibilities."

Keeno laughed softly. "Right, pero sa mata ng mga tao ay ako ang panganay kaya unfair. Krei supposed to take more loads."

"As if Krei would let you." He chuckled before sipping on his beer. "Anyway, si Tatay Manny, kailangan niya ng pera para sa pagpapaopera ng anak niya."

"Would you want me to transfer some funds?" Tanong ni Keeno.

Umiling siya. "No, it'll be too obvious. Ang alam ko sa akin lang niya sinabi ang kalagayan ni Lori. Make a show. Mas hindi sila maghihinala kung ganoon niyang paraan makukuha ang pera."

Nagsalubong ang mga kilay ni Keeno. "What show?"

"Throw an employee day. Treat the facility management team. Have a raffle. Make sure Tatang Manny will win the grand prize." Ani Kon bago tumindig at tinungo ang higanteng glass wall ng opisina—ang direksyon kung saan natatanaw niya ang isang pamilyar na pwesto.

"Father of deception, Kon. Ikaw na talaga ang hari ng pagpapanggap. But seriously, pwede mo nang itigil 'to. Ilang taon ka nang nagpapakapawis sa mga trabahong hindi naman nararapat sayo." Muli ay pangungumbinsi ng kapatid.

Napabuga ng hangin si Kon saka niya tiniklop ang kanyang mga braso. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatitig sa pamilyar na pwesto sa ibaba bagaman masyadong mataas ang kanyang pwesto at tila langgam lamang ang mga tao sa ibaba.

"What I am doing makes me a better leader, Keeno." He glanced at his brother over his shoulder. "I see the empire from the bottom and from the top so I know what's really going on."

"But do you really have to sweat yourself for the sake of pretention?" Kunot ang noong tanong ni Keeno.

Mapakla siyang napangiti. Ilang beses na ba siyang kinumbinsi ng dalawa niyang kapatid na itigil na ang ginagawa niya? Hindi na niya mabilang pero alam niyang hindi pa panahon para tumuntong sa ilalim ng liwanag. As long as he hasn't found out who's stealing money from their company, he wouldn't stop mopping floors and cleaning cubicles.

"Just trust me on this one, Keeno. Isa pa, ito naman ang buhay ko bago ako naging parte ng pamilya niyo." Muli niyang binalik ang tingin sa ibaba.

"Ng magulo nating pamilya." Dugtong naman ni Keeno.

Pareho silang natawa sa biro nito. Alam naman niya iyon. May mga bagay tungkol sa pamilya nila na gaya niya, nananatiling nakatago sa dilim dahil iyon ang mas makabubuti.

Natigil ang kanilang tawanan nang tumunog ang intercom at nagsalita ang sekretarya ni Keeno na si Hayriss. Ang nag-iisang taong napagkakatiwalaan nila ng kanilang mga sikreto.

"Boss? The girl is back." Ani Hayriss.

Nagkatinginan si Keeno at Kon. Mayamaya ay tumaas ang kilay ni Keeno at nakangising umiling. "Someone seemed to be really persistent."

Napangisi si Kon. Naglakad siya palabalik sa kanyang pwesto kanina at sinuot muli ang pang-itaas na uniporme. "Then let's give her a show, shall we?"

"Hinay-hinay, bro. Baka sayo naman mahulog 'yan. Sabi mo nga, sa isang 'Ducani' niyang gustong magpakasal." 

Nagtawanan sila sa biro ni Keeno. "Ang malas niya, boss. I am just a janitor." He answered with his exaggerated filipino accent that made Keeno chuckle again. 

"Sayang. Konnar Ducani has to take a step back." Kon licked his lips before he flashed a meaningful smile while running his fingers on his hair. "Type siya ni Kanor Baltazar."

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Genevieve Mendoza
nice story
goodnovel comment avatar
A N NE Espiritu
I love your story po:) Ipagpatuloy mo lang pagsusulat ate... support po kitaa🧡
goodnovel comment avatar
Jessamine Staana
thankyou for creating this story i love it and keep writing po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status